Chapter 31

206K 5K 1K
                                    

Roxette's POV

Ang ganda naman dito! Puno ng halaman ang kapaligiran. Mga punong sumasabay sa indayog ng hangin. Mga insektong mapayapang gumagala sa kung saan man. Mga hayop na masayang binabaybay ang daan. Malamig na simoy ng hangin. Berdeng-berde ang paligid na para bang ito'y buhay na buhay.

Sa aking paglalakad, wala akong makita ni isang tao man lang. Para akong dinala sa kakaibang lugar. Yung panahon ba na kalilikha pa lamang ng mundo.

Isang makulay na paru-paro ang nagpaikot-ikot sa aking harapan. Hindi ko mawari kung ano nais niyang ipahiwatig sa akin at tiyaka lumipad ng dahan-dahan na para bang gusto niyang sundan ko siya. Hindi na ako nagdalawang-isip pa, magiliw ko itong sinundan.

Dinala niya ako sa isang talon. Malinaw ang tubig nito na nagbibigay buhay sa nangangailangan. Aaminin ko, namangha ako sa ganda nito dahil ibang-iba ito sa talon na napuntahan ko na. Nakakatakot nga lang dahil mataas ito masyado at mukhang delikado kapag nalaglag ka sa baba at lalo na kung hindi ka pa marunong lumangoy. Tantiya ko rin kung gaano ito kalalim.

Bigla akong nagtaka sa biglaang pagkawala ang paru-paro na parang bula sa aking tabi. Ang tubig sa talon ay biglang lumakas ang bumilis din ang pagragasa.

Humangin ng malakas at biglang nagdilim ang kalangitan. Kasabay nito ang malalakas na kulog at nakakahindik balahibong kidlat. Tila ba may nagbabadyang bagyo na paparating. Kasabay din nito, bumuhos ang napakalakas na ulan.

Tatakbo na sana ako para sumilong ng biglang may sumulpot na pigura ng isang babaeng nakaitim sa aking harapan. Halos kumawala na sa takot ang aking kaluluwa sa sobrang kaba at sindak na aking nararamdaman ngayon.

Mga 1 inch lamang ang pagitan ng mukha ng babaeng nakaitim sa aking mukha. Para ngang gusto ko na ring takasan ng bait dahil punong-puno ng galit ang mata ng kaharap ko ngayon.

Hindi masyadong malinaw ang mukha ng babae dahil natatabingan ito ng kaniyang mahabang buhok. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung babaeng nagmumulto sa tinutuluyan namin ngayon. Siya yung babaeng nakatayo noon sa may hagdan!

Oh no! This can't be! Anong nais niyang gawin sa akin? Bakit siya nagpakita sa akin ngayon? Anong kasalanan ko sa kaniya?

Akmang hahakbang na ako papaurong upang tumakbo ng biglang may humawak naman sa aking balikat na nagpataas pa lalo ng aking balahibo.

Nilingon ko ito. Babaeng nakaputi naman. Kung hindi rin ako nagkakamali, siya naman ang babaeng nagpakita sa amin na nakaupo noon sa may sala. Pawang ako'y nagugulumihanan dahil ang daming tanong na gumugulo sa aking isipan. Mababaliw na yata ako!

Iwinasiwas ko ang aking sarili upang matakasan ko ang dalawang multo na nasa aking magkabilang gilid. Sa kasamaang palad, natalisod ako sa may batong nakausli kaya na-out of balance ako at ako'y nagdire-diretso't nalaglag sa talon.

"Ahhhh!" Sigaw ko. Napakataas talaga nito at nakakalula rin. Daig mo pa yata yung tumalon sa ere at sumakay sa space shuttle.

Nakita ko yung dalawang multo na nakatayo sa kanilang kinalalagyan kanina at nakatingin lamang sa akin. Nagulat ako ng bigla rin silang tumalon sa talon. Napapikit na lamang ako sa takot at pangamba. Para bang sinusundan nila ako at nais akong patayin.

Nang ako'y bumulusok na sa may tubig, para bang bigla akong naparalisa. Hindi ko maigalaw ang aking kamay at paa na nagdulot upang ako'y makainom ng tubig. Halos malunod na ako sa bilis ng pagragasa ng tubig sa talon.

Naramdaman ko na lang na mayroong kamay na nakahawak sa aking leeg at ako'y kaniyang sinasakal. Halos hindi na ako makahinga. Dapat na ba akong sumuko? Hindi ko na kaya eh. Nahihirapan na ako.

"Roxette gising! Binabangungot ka!" Sigaw ng isang pamilyar na boses habang niyuyugyog ang aking katawan.

Bigla akong natauhan at napabangon bigla sa aking kinahihigaan at umubo. Kasabay nito ang paglabas ng tubig sa aking bibig.

"Rox okay ka lang ba?" Wika ni Mark habang hinahagod ang aking likod.

Nagpapasalamat ako dahil masamang panaginip lang ang lahat. Napayakap ako kay Mark ng wala sa wisyo dahil nakaligtas ako sa masamang bangungot na para bang totoo.

"Oo okay lang ako. Salamat!" Wika ko.

Para bang totoo yung aking napaginipan dahil umubo pa ako ng tubig na para bang nalunod talaga ako. Bigla akong bumalik sa katinuan at humiwalay na sa kaniyang pagkakayakap.

"Oh, anong nangyari diyan sa leeg mo? Bakit may bakat ng kamay? May sumakal ba sayo?" Tanong ni Mark.

Ano? Totoo nga bang may bakat ng kamay sa aking leeg? Pero bakit? Hindi ba, nananaginip lang ako? O totoo iyon lahat? Dali-dali kong tinungo ang salaminan at tiningnan ko ang aking leeg.

"Oh no! Totoo nga! Ibig sabihin, totoo ang lahat! Totoong naranasan ko iyon!" Wika ko habang hawak-hawak ko ang aking leeg.

"Ano bang nangyari sayo Rox at nagkakaganiyan ka? May bumabagabag ba sayo?" Wika ni Mark na tila concern na nasa aking likuran. Sasabihin ko nga ba sa kaniya ang napaginipan ko? Tsk, huwag na nga muna!

"Ah hehe, wala ito! Salamat sa concern." Wika ko sabay balik sa aming kama.

Aaminin ko, hanggang ngayon ay apektado pa rin ako sa pagyakap kanina sa kaniya ni Mia. Hmm, si Jo!

"Nasaan na nga pala yung bangkay ni Joan?" Mahinahon kong tanong kay Mark. Oo, hindi ko pa rin tanggap ang nangyari sa aking BFF pero kailangan kong tanggapin kahit mahirap. Ngayon, alam ko na kung gaano kasakit ang pinagdaraanan nina Ginny at Arianne. Wala naman akong magagawang matino kung magmumukmok at magdadalamhati sa aking kwarto. Kailangan kong humingi ng tawad sa dalawa.

Oo masakit pa rin hanggang ngayon lalo pa't hindi kami nagkikibuan nina Arianne at Ginny. Ipinapakita ko lang na okay na ako pero deep inside unti-unti pa rin akong dinudurog. Yung araw ko nga ay hindi nabubuo hangga't wala kaming napagkakaryuan ng aking kaututang-dila. Basta, kapag siya ang kasama ko, lagi akong masaya. Pero ngayong mayroon kaming hindi pagkakaunawaan ng dalawa ko pang kaibigan, mas masakit.

"Dinala na nila kanina sa lugar kung saan tinitipon ang mga bangkay." Wika niya.

"Ah sige salamat! Punta na lang ako roon mamaya." Wika ko.

"Oo nga pala, nagugutom ka ba? Gusto mo bang ipaghanda kita ng pagkain?" Wika niya.

Oo nga pala, gabi na at hindi pa ako kumakain. Wala pa akong gana sa ngayon.

"Salamat na lang Mark. Hindi kasi ako gutom eh. Sige, puntahan ko muna si Ginny at Arianne sa room nila." Wika ko at tuluyan ko ng nilisan ang aming kwarto.

Hay, kasalanan ko naman ang lahat kaya ako dapat ang humingi ng sorry doon sa dalawa.

Mark's POV

Bakit siya ganun? Iniiwasan ba niya ako? May galit ba siya sa akin? May nagawa ba akong mali?

Dapat ko na lang sigurong intindihin siya gayong kamamatay lang ng kaniyang BFF. Marahil hindi pa maayos ang kaniyang pakiramdam kaya ganun siya makitungo sa akin.

Hay! Huwag ko na nga muna siyang isipin! Dapat ko munang pagtuunan ng pansin ang nais iparating o ipahiwatig ng killer.

Kung ang Alphabetong Pilipino ay mayroong dalawampu't anim na titik, at ang bawat titik ay nagrerepresinta sa amin. Lima na ang namamatay at dalawampu't isa pa kaming buhay.

Ang mga letrang naisiwalat na ay O, F, R, S, U. Ano kayang salita ang maaaring mabuo rito? Ang hirap naman!

Hay! Sasabog yata ang ulo ko sa kakaisip kung ano ang sagot! Itutulog ko na nga lang muna ito!

Killer's POV

Ikaw na ang susunod! Haha! Mukhang may tiyansang mabuking mo kung sino ako kaya habang maaga pa eh ililigpit na kita.

Mas nagiging kapana-panabik kung paano ko kayo papahirapan isa-isa. Haha! Just prepare yourself sa kung ano man ang magiging kapalaran at kahihinatnan ninyo! haha!

Kailangan kong magbunyi at magdiwang! Haha! Ngunit, masyado pang maaga para rito. Haha!

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon