Chapter 24: Change of Plan

76.2K 4.4K 683
                                    

LAST day of our foundation week

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LAST day of our foundation week. Masasabi ko na so far, na-enjoy ko talaga ang buong event lalo na't ang daming paganap sa school namin. Katulad na lang kagabi na nagkaroon ng fireworks display and masasabi kong ang cool no'n. Sa buong foundation week din ay hindi nagklase ang mga professors namin.

Mild, Kiryu, and I were together habang nag-iikot-ikot kami sa campus. Sa heroes park ay nagkakaroon ng open concert at masasabi kong masarap sa tenga ang mga boses nang kumakanta. I hope people recognize more our local band than international artists.

"Jamie," tawag sa akin ni Mild kung kaya't napalingon ako sa kanya. "Tingnan natin yung standing, naka-post daw iyon sa hall ng engineering."

"Maglalakad na naman? Hindi ba nananakit ang mga paa ninyo, we're walking simula nung day one ng Foundation week!" Reklamo ni Kiryu sabay subo ng popcorn sa kanyang bibig.

"Inaaya ba kita? Maiwan ka diyan kung gusto mo." umirap si Mild sa kanya at naglakad na kami papunta sa college of engineering. Sumunod naman si Kiryu dahil mawawalan siya ng kasama kung hindi siya sumunod.

Ilang minuto rin kaming naglakad patungo sa college of Engineering dahik medyo malayo-layo ito sa heroes park. Masyadong malaki talaga ang Campus ng Merton Academy. Tumingin kami sa digital board at marami ring mga estudyante ang tumitingin.

Class zero:
25 golds
0 silver
0 bronze

Engineering:
13 Golds
10 silvers
3 bronze

It's good to see na nangunguna ang class zero. Dahil na rin sa 12 lang kami sa class zero ay hindi kami nakapag-participate sa lahat ng events.

"Hindi ba obvious ang pandadaya na ginawa natin, Mild?" Mahina kong bulong sa kanya habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa board.

Kumunot ang noo ni Mild. "Pandaraya? We don't cheat. You guys just used your abilities to win. At isa pa, hindi ito ang unang foundation week na ang class zero ang nanalo. 12 years nang nanalo ang class zero sa foundation week." Paliwanag niya sa akin kung kaya't napatango-tango ako.

"Mas maghihinala ang ibang tao kung natalo ang Class zero." Sabi naman ni Kiryu habang kumakain ng Pochi. Teka? Saan galing yung pochi? Sumakit sana ang ngipin ng mokong na 'to, hilig sa matamis, eh.

"Mamayang gabi na ang awarding, excited na 'ko umakyat sa stage para kuhanin ang trophy natin!" Mild excitedly shouted habang naglalakad na kami para muling mag-ikot.

Napahinto kaming tatlo sa paglalakad nung biglang sabay-sabay na tumunog ang cellphone namin. We looked at each other's eye bago namin buksan ang text message. Galing ito kay sir Joseph.

There are lawbreakers invading our school right now. Kailangan ninyong protektahan ang bawat estudyante ng Merton Academy.

The time stopped, lahat nang mga nag-uusap na mga estudyante ay tumigil, lahat ng ibgay nagawa ng mga banda ay tumigil din. Ibig sabihin nito ay devil hour na. "Hindi lang isang lawbreaker ang gumagala sa paligid," nagsalita na ngayon si Kiryu na ngayo'y may dalawa ng clone sa kanyang likuran. "We need to find them para maiwasan ang malalaking casualties."

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon