CHAPTER 13

1.2K 37 11
                                    

THE WRONG MR RIGHT

By rj nuevas

 

CHAPTER THIRTEEN

 

Nakapikit si Bad Boy! Si Sleeping Mr. Wrong! Natutulog? Sana patay na!

            Papasok ba ako ng canteen? Baka magising siya? Awkward moment na naman yon. Lalabas na lang kaya ako para hindi na kami magka-enkuwentro?

            Krug krug krug krug kruuuuug!

            Tiyan ko yon. Mas malakas na ngayong magparamdam. A, bahala na nga. Basta ako, kakain. Bibili lang ako ng biscuit, tapos lalabas na agad ako. Sana lang talaga, huwag siyang magising.

            Pumasok ako ng canteen. Dahan-dahan. Pati pagsara. Para huwag siyang magising.

            Pero biglang pumasok si Manang Bising, ang isa sa tindera ng canteen, at muntik niya akong mabunggo at ang pinto ay tumama sa dingding. Malakas. Maingay.
            At si Sleeping Bad Boy, napadilat. Nagising. Napatingin sa akin.

            “Hindi ako ‘yun, Siya!” napaka-defensive kong sagot sabay turo kay Manang Bising. Pero si Manang Bising, tumingin lang sa akin at kay Bad Boy saka dumiretso sa counter. Deadma.

            Hindi sumagot si Bad Boy. Nakatingin lang sa akin. Awkward!

            Pero bakit ba? Ano ba ang dapat kong ika-awkward? I’m a student of this school at siya, hindi. Bakit ba ako nagpapaapekto sa kanya?

            Diretso na ako sa counter, namili ng bibilhin kong pagkain.

            Pero feeling ko, nakatingin pa rin sa akin si Bad Boy. Nararamdaman ko yon sa batok ko. Parang tumatayo ang mga balahibo ko.

            “Manang Bising, isa ngang banana cue,” ang mabilis kong nasabi. Banana Cue? Bakit banana cue? Wa poise!

            Pero teka, bakit naman kailangang may poise? Sino ba ang pinagpapa-impress-an ko? Si Mr Bad Boy? No way! E, sa gusto ko ng banana cue e!

            Ibinigay na sa akin ang banana cue. Bayad na ako. Sabay talikod para lumabas na ng door…

            POG!

            Nabunggo ako. Ni Mr Bad Boy na nasa likod ko na pala! Bakit ang bilis niya? Bakit hindi ko naramdamang tumayo siya at lumapit at nasa likod ko na pala siya?

            At ang banana cue, humampas sa polo niya. At ang asu-asukal ay dumikit sa damit niya. With matching oiliness!

            Embarassing!

            “Tsk” ang sagot niyang napapalatak lang.

            “Sorry,” sabi ko.

“Watch kasi where you’re going,” dagdag niya na may pagkairita.

            Siyempre, nairita na rin ako.

            “Nag-sorry na, di ba? Bakit kasi bigla-bigla ka na lang sumusulpot sa likod ko?” nagtataray kong sagot.

            Pero napailing lang siya. Sabay ngisi, with that lopsided smile of his. “Sinadya mo yon, ano?”

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon