Kabanata 24

26.1K 1K 121
                                    

Kabanata 24

Tahimik akong nagmamasid sa paligid. Tapos na ang undas at pasukan na ulit. Pagdating namin ng Manila, back to strangers na daw ulit kami ni Red— I mean Jared.

Magkaibigan kami kung nasa bahay lang, pero kapag nasa paaralan, kailangan naming magpanggap na hindi kami magkakilala. Kahit nga si Ella ay nagtataka sa aming dalawa ni Sir Jared.

'Di ko sinabi sa kanya ang kasunduan namin ni Sir Jared. Baka mabuko pa kami.

"Hoy!"

Napaigtad ako sa kinauupuan ko. "Ayaw mo pang pumasok?" She look at her wrist watch. "Malapit na magtime. Tara na."

Wala na akong nagawa nang hinila ni Ella ang braso ko patungong silid namin.

"Nga pala, next period natin ay Math. " ani ni Ella. "Magkaklase kayo ni Jared."

Napakunot naman ang noo ko. "Ha? Diba Fouth year college na siya?"

"Mataas kasi ang marka mo sa Matamatika kaya ma-aadvance ang Math subject mo."

"Di ko gets." I frowned.

Ngumisi lang ito at umupo sa upuan namin. "Ganito kasi 'yan. Pag 'yung marka mo sa Math ay umabot ng o lumampas ng ninety-five, otomatik kang mag-aadvance, hindi mo na kailangan pang pumasok sa Math lecture natin as third year college. Your Math will be in fourth year. Minsan lang ang ganyan."

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito kaya agad akong umupo sa tabi ni Ella.

"Good morning everyone. You have new classmate from Mindanao," she said as she placed her things on the table. "Introduce yourself."

Tumingin ako saglit sa bintana. Ngayon pala magsisimula ang training ni Sir Jared sa basketball dahil laban nila sa huling araw ng November bago ang Araw ni Bonifacio.

"Hello everyone. I'm Wenchie Mariel Durano, 20 years of existence. I hope we'll all be friends."

Nanlalaki ang mata kong napatingin sa unahan. Please tell me I'm just dreaming.

I frowned. Anong ginagawa ng mga kumag na 'yan dito? Don't tell me—

"Hoy! Tulala ka? Kilala mo siya?" takang tanong ni Ella at pasimpleng nginuso sila sa harap.

Kinagat ko ang labi ko at dahan-dahang tumango. "She is the Jack"

Tumango ito. "Ahhh. Jack lang— ano?!"

Medyo nalakasan ang pagsigaw ni Ella na ikinakuha sa atensyon ng iilan.

Binaba ni Ma'am ang kanyang salamin at tinignan ang pwesto naming dalawa. "Any problem, Ms. Taylor and Ms. Aurin?"

Sabay kaming umiling. Kita ko ang bahagyang pagngisi ni Wenchie. I'll surely rip her neck later.

"Ms. Durano, you may now find your seat."

Nakangising lumapit sa amin ni Ella ang gaga. Mabilis na umupo sa tabi ko si Wenchie.

"Explain later," malamig kong saad.

Ngumiti ito ng matamis at sasagot pa sana nang nagdikta na si Ma'am ng pahina ng libro.

Natapos ang dalawa kong subject at after break time, Math na naman ang pupuntahan ko.

"Why are you here?" I ask.

Napakamot ng batok si Wenchie. "Kasi eh. Baka mahanap ka ng mga— hmp.."

She didn't finish her words when I covered her mouth. "Be careful of your mouth, Jack. Baka di na tayo makakauwi ng buhay sa Butuan," mahinang bulong ko.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon