Kabanata X

15.7K 743 152
                                    


Alexis Garcia

Dalawang araw ng hindi pumapasok si Alexis, mas pinili niya na lang na manatili sa bahay nila. Tapos naman na ang exam kaya wala ng gagawin. Paghahanda na lang para sa graduation sa susunod na buwan ang aasikasuhin nila. Kasalukuyang siyang nagkukulong sa kwarto. Ayaw niyang lumabas dahil baka makita siya ng kanyang ina na nasa ganoong kondisyon, mugto ang mata at nasasaktan.

Kailangan nanaman ba niyang ibaon sa limot ang nararamdaman kay Etros? Isang malaking sampal sa kanya ang mga sinabi ng mga babae two days ago. Totoo naman ang sinabi ng mga ito. Parehas silang lalaki at malalagot siya sa mga Laviano. Nahihirapan na siya.

Tumunog nanaman ang cellphone niya. It's Etros, he's been calling him several times pero ni isa sa mga tawag nito ay wala siyang sinagot. Sa oras kasi na marinig niya ang bose nito ay paniguradong bibigay na ang puso niya. Walang lakas na inabot ni Alexis ang cellphone na nakapatong sa side table bago ito patayin.

Tumagilid siya't hinarap ang bintana. Maganda ang panahon, kabaliktaran ng nararamdaman niya.

Apat na magkakasunod na katok ang umalingawngaw sa silid niya. Mabuti na lang at naka lock ang pinto kung hindi ay baka nasa loob na ng silid niya ang ina.

"Anak? Hindi ka nanaman ba papasok?" Nababahiran ng pag-aalala nitong sabi.

"Hindi po nay, masama po ang pakiramdam ko." Sobrang sama ng pakiramdam niya. Parang pinipiga ang puso niya.

"Sige anak. Nasa baba lang ako. Tawagin mo ako kapag may kailangan ka."

Sumagot siya ng Opo. Narinig niya ang papalayong yabag ng paa ng kanyang ina. Biglang sumagi sa isip ni Alexis ang maaaring gawin ng mga Laviano sa oras na malaman nito ang tungkol sa kanila ni Etros. Baka idamay nito ang pamilya niya— ang kanyang ina.

Hindi maiwasang matakot ni Alexis sa kanyang naisip. Paano kung ganun nga ang gawin ng mga Laviano? Paano kung saktan nga nito ang kanyang ina?

Siguro nga dapat na niyang iwasan si Etros. Dapat niya na sigurong kalimutan ang lalaki.

Kinabukasan. Walang lakas na tinahak ni Alexis ang pasilyo. Maraming estudyante, karamihan ay mga ka-batch niya. Mga graduating na kasi kaya wala ng masyadong ginagawa.

Dire-diretso lang siya ng lakad hanggang sa makarating siya sa classroom nila Trina. Nag-aalala itong lumapit sa kanya. She tapped his shoulder and ask him if he's alright.

"Alam mo bang tatlong araw ng wala sa mood si Etros? Halos magwala na nga ito sa sobrang galit." Aniya bago siya paupuin sa katabing upaun nito.

Hindi siya nagsalita.

"Ano bang nangyari sa inyo ni Etros? Okay naman kayo ah."

Hindi ulit siya umimik. Masyado kasing okupado ang isip niya. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Trina. Alam niyang may problema ang kaibigan, kitang-kita niya ang namumugto nitong mata at ang pananamlay nito. Ito ang Alexis na nakita niya noon nang masaktan ito dahil kay Etros. Nang pilit nitong kinalimutan ang nararamdaman para sa lalaki.

"Alexis, umamin ka na sa kanya. Paulo told me that you were forced to play the game at si Etros ang nakapares mo. Sabihin mo na sa kanya na ikaw ang nakapares niya sa laro. Umamin ka na sa kanya. Don't hurt yourself again. Alam kong alam mo na gusto ka na niya— no, I know that he loves you. Alam mo 'yan Alexis. But why do kept on hurting yourself? Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya lahat ng katotohanan?" Trina said. Nasasaktan na siyang makita na nagkakaganito ang kaibigan. Naaawa na siya.

"Because i'm scared."

"Ayon pa rin ba ang dahilan? Natatakot ka sa mga Laviano? Sa sasabihin ng mga tao?"

Kissed by the King (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon