Chapter 16

31.2K 1.2K 57
                                    

Chapter 16

Sa gulat ay nilingon ko siya. Patuloy lang siya sa pagmamaneho na para bang wala siyang sinabi na kung ano.

Gustuhin ko mang magtanong pero pinigilan ko na ang sarili. Laos na ang ganoong paraan. Hindi ako bingi at ayaw kong isipin pa niya na interesado ako sa sinabi niya.

Isinandal ko ang ulo sa headrest at ipinikit ang mga mata. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog ako.

I heard someone whisper right into my ear. "Wake up, sleepyhead. We're here."

Naitulak ko si President dahil sa gulat. Agad akong umayos ng upo at siya ay lumabas na ng kotse.

Inayos ko ang sarili bago ko siya harapin. Bumaba ako at tumingin sa bahay na tinigilan namin. It was a huge house. Sigurado akong yari sa mamahaling mga materyales ang ginamit sa bahay na ito.

He cleared his throat. "It's my house."

Muli akong tumingin sa bahay. "I'm aware that your family is rich," panimula ko. "Bakit hindi ka na lang nag-stay dito sa Laguna?"

Narinig ko ang kanyang yabag. Nakita kong dala niya ang mga gamit ko. Mabigat ang mga 'yon ngunit parang wala lang sa kanya.

Aagawin ko sana ang mga 'yon pero mabilis niya itong naiiwas sa akin.

"'Cause obviously, no one will take care of Hasse Colleges in Rizal." Naglakad siya patungo sa main door. Pumasok siya at sumunod ako. "I like to stay in Rizal than here. Mas lalo pa akong ginanahan na tumira roon nang may nakilala ako."

Inilapag niya sa sofa sa living room ang mga gamit ko.

A smirk formed my lips. "A woman, I guess."

Mahina siyang tumawa at umupo sa sofa. He put his arms behind his head and rested onto them. Nilingon niya ako at deretsong tumingin sa aking mga mata.

"Yes," he replied. "A strikingly gorgeous woman who knows how to enter my world."

Tumingin siya sa malaking espasyo sa kanyang tabi at muling ibinalik ang tingin sa akin. Without any choice, I sat beside him.

"Hindi ba magagalit ang girlfriend mo dahil may kasama kang ibang babae rito sa bahay mo?" tanong ko.

"Your question..." he trailed off.

"Ano?"

"'Yan ang paraan ng pagtatanong para malaman kung in a relationship ba ang kausap o hindi." Ngumisi siya.

Nag-init ang pisngi ko. "I... I just asked. Hindi ko intensyong malaman kung may girlfriend ka o wala. Concerned lang ako sa maaaring maging reaksyon ng girlfriend mo kung sakali. I don't want to ruin a relationship."

"You're aware that I'm single, Ma'am." Mas lalong lumawak ang pagkakangisi niya.

"Please..." I rolled my eyes. "'Wag tayong maglokohan dito. You have numerous girls."

"Maraming nagkakandarapa pero isa lang ang gusto."

Awtomatiko ko siyang nilingon. Titig na titig siya sa mukha ko.

"If you like the woman, court her." Kibit-balikat ko. "Siguro naman, hindi ka niya hihindian kung sakali."

"Sa ngayon, sa halik ko pa lang siya hindi maka-hindi." Mahina siyang tumawa.

Nagtaasan ang balahibo ko dahil sa sinabi niya at sa tawa niyang 'yon.

"Soon, she won't say no to me."

Naramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa may likuran ko. Tuloy ay para na siyang nakaakbay sa akin.

Medyo lumayo ako sa kanya. Ramdam ko ang nanunusok niyang tingin sa akin.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon