#52: Mastermind

535K 10.9K 878
                                    

THE LONG WAIT IS OVER! MAY UPDATE NA AKO! 3 weeks rin ata pahinga ko eh. Sorry talaga guys, masyadong busy. Sorry rin dahil cliff hanger tong chapter na ito. Ito lang talaga ang nakayanan ng powers ko. Enjoy!

~*~

Marahas na binuksan ng mga hoodlums ang pintuan ng van namin at agad kaming kinaladkad lahat palabas. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Tyler pero wala pa rin kaming nagawa at pinaglayo kami sa isa’t isa.

“Bitiwan niyo ako!” sabi ko habang buong lakas na pumipiglas sa kanilang mga hawak.

Nakita kong umiiyak na sa takot sina Jade at Char. Hindi ko kayang makita silang ganito. Ayaw ko silang madamay sa mga ganito. I need to save them.

“Bitiwan niyo ako! Tyler!” sigaw ko.

Nakita ko namang pumiglas si Tyler sa pagkaladkad sa kanya patungong itim na van. Damn it, si Tyler ang kailangan nila. Nakita kong may biglang pinaamoy ang isa sa mga goons ka Tyler dahilan para ito mawalan ng malay. Fuck!

Buong lakas kong inalis ang paghawak ng dalawang lalaki sa aking kamay at mabilis silang sinuntok sa mukha. Alam kong hindi ako ganun kalakas para maipatumba sila pero sapat na ito para lumayo at tumakbo papunta kina Jade at Char. Nakita ko naman sila Nathan at iba pang Black Horizon na pinipigilan at nakikipagsuntukan sa mga nakaitim na lalaki. What the hell is really going on here?

Mabilis kong pinatumba ang mga may hawak kay Jade at Char. I don’t know, dala siguro ng adrenaline rush kaya ako nagkakaganito. Ang gusto ko lang talaga ngayon ay maging ligtas sila.

“Tumakbo na kayo!” utos ko sa kanila.

“No, we won’t leave you here!” ani ni Jade habang umiiyak pa rin.

Umiling ako. I.just.can’t.leave.them.here.

“I can’t.” sabi ko at mabilis na tumungo kay Tyler na ngayon ay pwersahang pinapasok sa van.

“Leave him alone!” galit kong sabi at pinagsisipa ang nakahawak kay Tyler.

Susuntukin ko na sana ang kahuli- hulihang lalakeng nakahawak kay Tyler nang may biglang humarang sa aming harap na nakamaskara at tinututok ang baril sa aking ulo. Bigla akong napaatras at nanigas sa takot. Will this be my end?

“My dear princess, you don’t have to worry about your prince cause you’ll still be together…in hell.” Biglang sabi ng lalakeng tumututok sa akin ng baril.

Napataas ako ng kilay sa sinabi niya pero bago pa ako makapagsalita ay may bigla ako nakaramdam na isang malakas na hampas sa mga balikat ko dahilan para mapaluhod ako sa sakit. Napakagat labi ako habang unti unting nagdidilim ang aking paligid habang nakatingin sa sahig.

“Xyra!” rinig kong sigaw ni Nathan.

Unti unti kong inangat ang aking ulo at nakita kong nakatayo pa rin sa aking harapan ang nakamaskarang lalakeng may hawak na baril.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon