Volume 2 CH 14 Two Things

3.3K 73 16
                                    

Prince Night's Pov


For me There're only two things in the world. What i like and what i don't

Example of the Things I'd like, cat, silent, and foods

And the Things i don't like, noisy, dog, sunny day and school.


And in life for me there're only two things . things i don't like to do and things i like to do.

For example i like to sleep and eat. Then things i don't like to do are talking to someone, attending morning classes, eyes contact and meddling with other businesses.

Ngunit dahil sa babaeng ito na kasalukuyan nakahiga at mahimbing ang pagkakatulog sa kama ko ay nagagawa ko yung mga ayaw ko.

Hindi ako nangingialam sa buhay ng may buhay . Pero pag sya na ang involves nawawala ako sa ulirat ko at nakikita ko na lang ang sarili kong ginagawa yung ayaw ko.

Sinubukan ko naman iwasan sya. God knows i tried but i failed. Iniwasan ko sya, iniwasan kong makita o marinig manlang ang boses nya dahil kakaiba ang dulot nya sakin pero wala e.

Ito parin ako at iniligtas sya sa harap pa ng maraming tao. Hindi ito ang unang beses na niligtas o nakialam ako sa buhay nya . Ilang beses ko ng ginawa ang ayaw ko dahil sa kanya. At hindi ko maisip isip kung bakit.


Bakit nga ba?

Ano bang meron sayo? Bukod sa kakaiba mong kapangyarihan na alam na ng lahat, thank you sa dalawang ugok na yun? Bakit ganto ang dulot mo sakin? Wala naman kakaiba sayo ah?

Tanong ko sa kanya at in the same time sa sarili ko rin kahit alam ko naman na hindi sya sasagot ay mukhang tanga parin akong nagtatanong sa isip ko. Bakit hindi nya masasagot? Una dahil tulog sya at pangalawa ay sinabi ko lang yun sa isip ko.

Hindi ko kayang bigkasin ang mga salitang yun. Una sa lahat dahil nakakatamad. At pangalawa ay ayaw kong magsalita ng mahaba dahil nakakapagod.

Pinagmasdan ko lang sya habang natutulog sya dito sa kwarto ko. Oo sa kwarto ko. Hindi ako tanga para dalhin sya sa infirmary for sure kasing kukunin sya ng mga taga palasyo dahil sa kakayahan nya plus dudumugin sya ng mga usisero at usiserang estudyante na walang magawa sa mga buhay nila.

At ang alam ko dun dinala yung dalawang ugok. At pakiramdam ko mas safe sya dito.

'Night sya ba yung babaeng pinaguusapan ng mga estudyanteng may kakaibang ability?' tanong ni Death na prenteng prenteng na kaupo sa isa sa mga couch ko.


Nandito nga pala sya.

Nilingon ko sya at nakita kong may hawak itong tinapay na dapat ay kay Dark.

'yeah' sagot ko at bumalik ang tingin ko kay Spade. Ewan ko ba hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya. Para akong praning na iniisip na baka mawala sya sakin pag ialis ko ng ilang minuto ang tingin ko sa kanya. Dammit!

At may isa pa palang kakaiba sa akin yung naramdaman ko nung nakita ko sya sa arena. Ganun na ganun din yung naramdaman ko nung niligtas ko sya sa belmoor.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at walang ibang sinisigaw ang utak ko kung di iligtas sya at ilayo sa lahat.



Nagamot na yung mga sugat nya ni Death kaya sya nandito. Hindi kasi ako marunong ng mga ganon dahil nakakatamad gawin at aralin.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon