KABANATA XII: Regrets

15.3K 151 30
                                    

Readers, pasensya na po kung gagawin kong *ehem* mababaw na tao si Seven hohoho

Cliché na kasi yung magpakasal sa babaeng hindi mo mahal dahil lang nabuntis mo sya kaya to make it a little different and to add a little more twist, ganito na lang ang ginawa ko.. pasensya na, pasensya na… ito lang ang kinaya ng powers ko TT___TT please bear with my limited imagination

---------------------------------

KABANATA XII: Regrets

Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok. Walanjong buhay 'to. Nakasal na nga ako sa babaeng hindi ko gusto, pinanlalamigan pa 'ko ng pinakamamahal ko. Sana talaga pagod lang ang dahilan ng coldness nya.

Kinakabahan ako. Pa'no kung tuluyan na 'kong iwasan ni Annika?

Kahapon pa wirdo ang kinikilos nya. Bali kahapon ay sinundo namin si Raven sa school. Nagpunta kami sa isang restaurant para sabay-sabay na mag-lunch. Gusto kong magkakalila si Annika at Raven. Gusto kong makapalagayang-loob ng anak ko ang tunay na nagmamay-ari ng puso ko. Bonding dapat naming tatlo yon. Sandali akong umalis sa mesa namin para sagutin ang isang mahalangang tawag pero pagbalik ko, biglang nagpaalam si Annika. Weird.

Hindi kaya ginagawa nya 'to dahil kasal pa rin ako kay Cassandra? Naalala ko tuloy yung sinabi nya sa'kin. Na kung hindi ko hihiwalayan si Cassandra, magpapakasal sya sa Third na yun. Takte, don't tell me seryoso yun?

Pero hindi ko rin sya masisisi. Siguro talagang naiinip na sya.  Ni hindi man lang ako makapagbigay sa kanya ng magandang balita dahil wala naman akong magandang maibabalita. Alangang sabihin ko sa kanyang ayaw pirmahan ni Cassandra ang annulment papers namin? Gumagawa pa rin ako ng paraan para mahiwalayan si Cassandra, kung kailangang ipasakorte ko ang kaso namin, gagawin ko. May kausap na nga akong abogado eh, ang kaso lang, wala kaming makitang matibay na ground para ma-annul ang kasal.

"Seven…" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa'kin, si Cassandra. Nakatayo sya sa pintuan ng Studyroom na ilang araw ko na ring tinutulugan.

Napatayo ako sa sofabed at tumungo sa mesa para gumawa ng ibang bagay. Kunwari ay busy ako at walang oras na makipag-usap sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Kung hindi mo pa napipirmahan ang annulment papers, ano pang pag-uusapan natin?"

"You're so cold, Seven," halos pabulong na sabi nya.

Hindi ako sumagot.

"Asawa mo pa rin ako. You're not supposed to treat me this way."

"You don't wanna be treated this way?" naglakad ako palapit sa kanya. "Edi maghiwalay na tayo."

"Bakit mo ba ginagawa 'to?" halata sa boses nya ang pagpipigil sa pag-iyak.

"Dahil hindi kita mahal. Maghiwalay na lang tayo please?" I'm not sure if I made myself sounded begging.

"Ang pinagsama ng Diyos, hindi dapat pinaghihiwalay ng tao."

"Wag mo na ngang gamitin ang Diyos."

"Pero yun naman ang totoo eh. Kasal tayo. Sa mata ng tao at sa mata ng Diyos."

"Sa simbahan, oo. Pero hindi sa mata ng Diyos. Sa umpisa pa lang, alam na ng Diyos na hindi ko gustong maikasal sa'yo." Alam kong masasaktan ko lang syang lalo sa sinabi ko pero mas maigi na yung malaman nya ang totoo. Sometimes to really learn, we have to learn it the hard way.

Mahigpit nyang naitikom ang bibig at kamao nya habang nakatingin sa ibang direksyon. Afterwards, she spoke in a weak voice, "Kung ganon bakit mo ba talaga 'ko pinakasalan?"

We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon