13. 1st & 2nd Kiss ♡

117K 2.8K 192
                                    

Napakurap-kurap si Angela.

Iyong tibok ng puso nya sobrang bilis. Iniisip nya kung totoo ang lahat ng nangyayari...

...magkalapat...

...magkalapat ang mga labi nila at pareho silang nakatitig sa isat-isa!

And then Dylan closed his eyes. Naramdaman nya ang pagtaas ng kamay nito papunta sa maikli nyang buhok, nang gumalaw ang mga labi nito, kusang pumikit ang mga mata nya.

"Ako lang dapat ang first kiss mo Angel. Ako lang at wala nang iba naiintindihan mo..."

Ang paulit-ulit na naririnig ni Angela. Ang boses ng binatilyong iyon na hinihintay nya na bumalik na.

Ngunit bago pa man nya madama ng tuluyan ang first kiss nya,biglang tumalon si Pachie papunta sa kanila. Inakala yata nito na nakikipaglaro sila ni Dylan.

"Ouch shit!" napamura sya ng madaganan ng aso ang braso nyang may sugat.

"What the-." kahit nagulat mabilis na kumilos si Dylan patayo, kasama sya.

"Easy boy we're not playing. Sit." utos pa nito sa aso na biglang umungol at akala mo ay  nagtatampong bata na sumunod.

Nahiga ito sa isang tabi. Umuungol padin.

Napatawa sya. Tawa na mabilis na natigil ng maramdaman nya ang paghigpit ng pagkakahapit ni Dylan sa bewang nya.

Bigla syang napatingin rito.

Sa mga labi nya ito nakatingin,  ayaw man nya naramdaman ni Angela ang pamumula ng kanyang  pisngi.

"You're blushing." gulat na gulat na sabi ni Dylan.

Tss...kailangan pa talagang sabihin!

"No I'm not."

"Bakit nag b-blush ka?" then biglang nanlaki ang mga mata ni Dylan.

"Ako ang first kiss mo!"

Lalo syang namula.
"Pwede ba asa ka." Sagot nya pagkatapos ay ngumisi. Pilit itinatago ang hiyang nararamdaman."Hindi ikaw ang first kiss ko at lalong hindi ikaw ang magiging huli." Itinulak nya ito para makalayo.

"What do you mean?" mabilis naman syang napigilan ni Dylan, hinawakan ang braso nya na walang benda.

"Explain ko pa ba?"

Unti-unting nagsalubong ang kilay nito ng maintindihan ang ibig nyang sabihin.

"Dont you dare Angela!"

Tinaasan nya ito ng kilay.

"Huwag mong sabihin pati pakikipaghalikan ko pakikialaman at pagbabawalan mo?" She said sarcasticly.

Namula na ito at sigurado syang  sa galit.

"Wala kang pakialam Dylan baka gusto mong isa-isahin ko ulit ang mga rason kung bakit di mo ko dapat pakialaman."

Magsasalita sana ito ng may kumatok.

"Dy. Andyan ka ba? Lets go home na."

Napatingin silang dalawa ni Dylan sa pinto ng marinig ang boses ni Brena, kitang kita nya ang pagdaan ng guilt sa mukha ng binata nang muli nyang ibalik ang tingin dito.

Dahil duon her eyes became cold and void in any emotion again.

Kumawala sya rito at tinignan ito.

"Andyan na girlfriend mo." She stated.

Napabalik ang tingin ni Dylan sa kanya.

"Dont worry wala akong pagsasabihan ng nangyari. No big deal, its just a kiss."--sya.

"No big deal?"--Dyalan.

"Yeah. No big deal. Kahit sino pwede ko namang halikan."

At bago pa makasagot si Dylan pumunta na syang pinto at binuksan iyon.

Ang matatalim na titig ni Brena ang sumalubong sa kanya, na sinuklian nya  ng ngisi, nasa likod nito si Gelo na tinataasan sya ng kilay at si Quincy na nililibot ang tingin sa loob ng tree house.

"Ang cool ng tree house mo Gela." -Quincy.

Nawala naman ang matatalim na  titig ni Brena ng lumapit si Dylan.

"Kina Gelo kana ulit sumabay Brena."si Dylan.

"Bakit?"

"Magmo-motor ako pauwi."

"Magm-motor?" - Quincy at Gelo.

"Ha?"

Nginitian ni Dylan si Brena.

"Susunod na ko sa pagbaba." Sabi ng binata.

Walang nagawa si Brena kundi tumango. Pailalim pa sya nito tinignan bago bumaba.

Si Gelo kinidatan sya na nakita naman ni Dylan.

"Bye Gela." sabi ni Quincy ay kumaway pa na sinuklian nya lang ng tango.

Hindi nya na sinarado ang pinto ng makababa ang mga ito.

"Ikaw hindi ka pa ba aalis?"

Hindi sumagot si Dylan pumunta ulit ito sa loob hinalungkat na naman ang bag nya at kinuha ang susi sa motor nya.

"Stay here pachie okay." sabi nito sa aso na tumahol naman bilang sagot.

"Hey bakit kinuha mo yan."angal nya.

Lumapit ito sa kanya.

"Iiwan ko si Pachie. Susunduin kita bukas. Akin na muna ang motor mo."

Pinanlakihan nya ito ng mata.

"What do you mean sayo muna ang motor ko?"

"Sakin muna. Ibig sabihin di ka pwede magdrive ng motor."

"Who give you the-" napahinto ako sa pagsasalita ng bigla sya nitong hawakan sa batok at mariin na halikan.

Saglit lang pero ang lakas ng tama.

Lumayo naman kagad ito sa kanya at sinabing.

"I'm your first kiss and your second too Angel at humanda ka sakin pagnakita ko namay hinahalikan kang iba." bulong nito. Naglakad na ito.

Bago pa ito tuluyang lumabas ay nilingon sya nito ulit.

"Eat okay. Bukas kana uminom ng gamot pagnakabili na ako, and be ready tommorow ayaw ko ng late." saka ito tuluyang lumabas.

Naiwan syang tulala at napasambit na lang ng  "What the hell." napahawak sya sa mga labi nya.

Dug...dug.. Dug..

Ang epekto ni Dylan sa kanya noon at ngayon wala parin pinakaiba.

~♡♡♡

~♡♡♡

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

S

i Angela at Dylan para kay KuraiBonne salamat bhe

*****

H/n

Thanks😊

1232017xfe 7:57

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon