CHAPTER 29: Date with my boyfriend/ EX boyfriend..

23.5K 366 23
                                    

CHAPTER  29: Date with my boyfriend/ EX boyfriend..

Dedicated sakanya ^___^

ALEXIS P.O.V

 

 

“Kahit ngayon lang... sana maging tayo ulit..”

“Ano?” – nagtatakang tanong ko sakanya..

Tumawa siya ng mahina..

“Hindi ko na dapat hiniling yon..” – sabi niya..

Pero naiintindihan ko naman yung gusto niyang mangyari..

“Sige Tj.” – sagot ko.

Tinignan niya ko.

Tumango ako, at hinawakan yung kamay niya..

“Let’s go Hun!” – nakangiting sabi ko saka tumayo.

Gulat na gulat naman na sumunod siya sakin habang hawak yung kamay ko. Isang araw lang.. Isang araw..

 ----

 “Waaaaaaaaaaaaaaaa!! Sh*t! Ayoko na Tj! Tama na!!” – sigaw ko. feeling ko lasog lasog na yung katawan ko, ganito pala pakiramdam non!

“Woooaa! Ang saya nga Alex eh! Sige pa!!” – sigaw niya! Tss enjoy na enjoy naman siya!

 “TJ!! Ayoko na nakakasuka!!”

“No, Huuuneeyy! YES WOOHOOOOO!! Isang round pa!” – sigaw niya ulit!

“Naiihi na ko!!!” – sigaw ko!! Sh*t naiihi na talaga ko!!

After 5 minutes!!

Pinaghahampas ko siya ng bag ko.

“Arrray! Array!” – sigaw niya.

“Ang sama sama mo TJ! Alam mo namang takot ako sumakay sa lintik na roller coaster na yan! Pero isinakay mo parin ako!” – sigaw ko sakanya.

“HAHAHA! Enjoy naman ah! Ang sarap nga sa pakiramdam eh!” – natatawang sabi niya.

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon