55- Beach Party?

40.6K 1K 1.1K
                                    


KISMETH'S POV

" Hindi ba talaga pwede? " napahilot naman ako sa sentido ko dahil mula kaning makaalis ng bahay, iyan at iyan lang ang paulit ulit nyang tinatanong. Haaays

" No. Napagusapan na natin to diba? Sinabi ko naman sayo na hindi ako magtatagal dito " tumingin naman ako ng diretso sa kanyang mata pero agad syang nag iwas ng tingin. Haaays. Pano ba?

" Eh alam ko naman yun baby girl. Kaya nga lang, namimiss kita ng sobra! Mawala ka nga lang saglit sa paningin ko hindi nako mapakali e! " ako naman ngayon ang napaiwas ng tingin dahil ramdam ko ang paginit ng mga pisngi ko. Jusme.

" Ah basta! Mauna nako. Pumasok kana rin ha? Ingat baby boy " paalam ko sa kanya bago halikan ang pisngi nya at dali daling bumaba ng sasakyan. Hindi ko na inintay na sumagot sya dahil ngayon ko lang narealize ang karupukang ginawa ko.

Nagtataka naman akong tinignan ng guard ng mapansin nyang nagmamadali ako. Sino ba namang hindi e limang minuto nalang magbe bell na? Buti na lang at hindi ko na kailangang maghanap dahil alam ko na kung saan ang room ko.

" Bat nagmamadali ka? " napalingon naman ako sa kaliwa ko ng biglang sumulpot sa kung saan si Franz. May nararamdaman akong hindi maganda sa kanya. Sa aura nya.

" Ayokong malate " malamig kong sagot bago ipinagpatuloy ang paglalakad pero sa pagkakataong ito, medyo mabagal na. Nakakapagod e

" Hindi mo alam? Walang klase ngayong umaga. Nag patawag ng meeting ang head at lahat ng faculty teachers ay pumunta " paliwanag nito. Naibagsak ko naman ang balikat ko dahil nasayang ang effort ko sa pagmamadali. Aish. Sana pala hindi nalang muna kami bumangon kanina. I mean, ako.

" Ahhh " bored kong sagot sa kanya. Saan ako pupunta ngayon? Alangan pabalikin ko si Zachary eh may klase yun.

" May gagawin kaba? " tumigil naman sa paglalakad si Franz at humarap sa akin. Tinaasan ko naman sya ng kilay bago sumagot

" Wala " maikling tugon ko. Nagsusukatan kami ng tingin hanggang sya na ang unang umiwas kasabay ng sunod sunod na paglunok.

" Nice. Sumama ka nalang sa akin " saan naman kaya ako dadalin nito?

" Where? " tanong ko pero umirap lang sya bago nagsimulang lumakad pabalik sa parking lot. Para syang si Zachary. Mahilig umirap at masungit. Ang kaibahan lang, mas madaldal at mas gwapo ang baby boy ko.

" Just follow me " inirapan ko nalang sya tutal hindi nya rin naman ako makikita. Bahala na. Ang mahalaga hindi ako mainip

Agad nyang pinaandar ang sasakyan nya ng makapasok kami sa loob nito. Hindi ko alam kung saan nya ako balak dalin at hindi rin sya nagsasalita kayat napakatahimik dito sa loob. Inilabas ko naman ang earphones ko para makinig ng music. Bahala syang mapanis ang laway dyan

CHARLES' POV

" Kamusta na kaya si Q dun? Namimiss ko na sya!!! " maktol ni Crystal. Pinagtinginan naman sya ng mga kaklase namin pero agad ring umiwas ng tingin ang mga ito dahil pinakyuhan sila ni Crystal. Bugak talaga

" Manahimik kana nga dyan! Napakaingay! Nakakahiya aish! " inis na sagot naman ni Keifer na syang ikinatawa ko. Haaays sana mapabilis ang gagawin nya. Ang dami ng nakakamiss sa kanya. At isa na ako dun.

" Uhm hi, tanong lang sana namin kung kelan babalik si Kismeth? " napatigil naman sa pagmumuryot yung dalawa ng lumapit at magtanong sa amin si EJ at Sydney. Hindi nga pala nila alam

" Baka next week pa! Matagal pa yata bago sila bumalik ng family nya e" sagot naman ni Jonas ng sinenyasan ko syang sumagot.

" Ay ganon ba. Sige sige salamat " sagot naman ni Sydney bago hatakin si EJ paalis sa harap namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon