Chapter 32

216K 4.8K 926
                                    

Arianne's POV

Naaalala ko pa noon kung paano kami naging close ng aking mahal.

"Uy, ano iyang kinakain mo? Pagkain ba iyan?" Tanong niya sa akin.

Nandito kami ngayon sa Club House ng Village na tinitirhan ng kaklase namin na si Karlo. Nandito kami para magpraktis ng aming role playing.

Sa mga oras na iyon, nandoon ako sa may tindahan at bumili ng paborito kong kutkutin.

"Kita mo ng kinakain ko eh ade malamang pagkain!" Pagtataray ko rito.

Hindi naman siya kagwapuhan na pinapangarap ng iba, hindi rin maputi o makinis ang balat. Hindi rin siya maporma gaya ng iba. Oo na, may pagkabaduy siyang manamit but who cares? Haha! Wala iyan sa panlabas na anyo, kundi nasa panloob.

"Ah, iyan pala ang pagkain ng mahihirap? Hehe!" Pang-iinsulto niya sa akin.

"Kung makamahirap ka sa akin para namang napakayaman mo!" Panunuligsa ko naman sa kaniya.

At dahil nauhaw ako, bumili ako ng ice tubig sa tindahan yung two pesos lang hehe..

Sa totoo niyan, hindi naman talaga ako dapat mapasama sa grupong D' Sossy kasi, hindi naman ako mayaman at sosyal. Isa lamang akong simpleng estudyante. Pero, simula noong makilala ko sina Ginny at Roxette at aking naging kaibigan, nagbago bigla ang takbo ng buhay ko.

"Ang kuripot mo naman masyado! Heto oh!" Wika ni Adrian sabay abot sa akin ng mineral water.

"Anong nakain ng taong ito at biglang bumait sa akin?" Tanong ko sa aking sarili.

"Sige salamat na lang. Baka magkaroon pa ako ng utang na loob sayo kapag tinanggap ko iyang inaalok mo." Wika ko sabay talikod sa kaniya.

"Naku Arianne! Tubig lang! Huwag mo na ngang intindihin iyon!" Wika niya at biglang hinablot ang ice tubig na iniinom ko at iniabot ang mineral water na inabot niya.

"Hindi matatawag na utang na loob ang pagbibigay ng tubig sa taong nauuhaw. Sabi nga sa Biblia, 'Painumin ninyo ang mga taong nauuhaw at pakainin ang mga taong nagugutom.' Kaya huwag kang masyadong ma-pride. Wala naman akong hinihinging kapalit eh." Wika niya at naupo sa may tabi ko.

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil napatigagal ako sa kaniyang mga tinuran.

"Salamat!" Ang tangi kong nasambit.

Simula noon, naging close na kami sa isa't isa kahit na kami'y mga aso't pusa madalas.

"Stay strong Arianne!" Wika ni Ginny habang hinahagod ang aking likuran.

Batid kong nasasaktan pa rin si Ginny pero ngayon, ipinapakita na niya na malakas siya.

"Tok! Tok! Tok!" Tunog na nanggagaling mula sa pintuan.

"Ginny, Arianne, maaari ba akong pumasok sa inyong silid?" Wika ng isang tinig at batid kong si Roxette ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.

"Sige pasok ka!" Wika ko.

Kamusta na kaya si Roxette? Mabigat pa rin kaya ang kaniyang dibdib gayong kahindik-hindik ang sinapit ng kaniyang matalik na kaibigan.

Pagkapasok niya ng aming silid at nagkukumahog siyang sumampa sa kamang kinalulugdan namin ngayon ni Ginny at niyakap niya kami ng mahigpit.

"Sorry sa inyo girls! Patawarin niyo ako sa mga katagang binitiwan ko noon na nakasakit sa inyo. Ngayon, alam ko na kung ano ang feeling ng nawalan ng isang mahalagang parte ng ating buhay. Kaya patawarin niyo ako sa kakitidan ng utak na aking ipinamalas noong mga panahon na iyon. Sorry talaga!" Pagsusumamo niya habang nakayakap siya sa amin.

Sa bawat katagang binibitawan niya, hindi mo mapipigilang hindi mahipo ang iyong puso dahil sa bawat katagang pinapakawalan niya sa kaniyang bibig, mararamdaman at mararamdaman mo kung gaano kabigat ng kaniyang problemang dinadala. Kasabay nito, naramdaman ko ang mainit na likidong dumadampi sa aking balikat na patuloy na dumadaloy sa kaniyang mukha.

"Sshhhh, tahan na Rox! Wala iyon! Kalimutan mo na iyon! Hindi naman kami galit sayo eh bakit ka namin patayawarin? Sa totoo nga niyan, nagpapasalamat pa kami sayo kasi na-realized naming tama ka. Sinasayang lang namin ang mga luha namin at pinapagod lang namin ang aming mga sarili kaya dahil sa mga sinabi mo sa amin, nagisawan kami papaano at hindi sagot ang pagmumukmok sa isang sulok habang ikaw ay tumatangis sa sama ng loob." Wika ni Ginny.

Oo tama nga si Roxette, nagising kami kahit papaano sa mga pinakawalang salita noon ni Rox kaya dapat pa nga kaming magpasalamat sa kaniya.

"Huwag ka ng malumbay pa. Nandito naman kaming mga kaibigan mo at hindi ka namin iiwan. Hindi kami galit sayo tandaan mo iyan." Dagdag ko pa at pinunasan ang kaniyang luha gamit ang aking panyo.

Kita namin ang lungkot sa kaniyang mukha kaya ano pa nga ba ang dapat gawin para mapagaan ang loob ng bawat-isa?

"Group hug!" Wika ko at niyakap namin ang isa't isa.

Ginny's POV

Wala naman akong karapatan na angkinin si Ramil dahil una sa lahat, hindi kami, pangalawa, alam kong nakikijoyride lang siya sa trip ng aming mga kaklase at pangatlo, may iba siyang mahal.

Masakit para sa akin na mawala siya. Makita at makasama ko nga lang siya ay masaya na ako eh. Mahirap din palang magmahal lalo na't may ibang mahal yung taong mahal mo.

Sa school, sa tuwing nakatingin ako sa kaniya, nakatingin naman siya sa iba. Bakit ba ayaw niyang lumingon para makita at malaman niyang mayroong nagmamahal sa kaniya?

Alam kong si Abi ang babaeng iyon. Nakita ko nga kung paano niya ikuyom ang kaniyang dalawang kamay ng ianunsiyo ni Abi na buntis siya at malapit na rin siyang ikasal. Alam ko kung gaano iyon kasakit.

Hindi ko rin siya masisisi kung magagawa niya ang ganoong bagay kay Abi. Oo, alam kong siya nga ang gumawa noon kay Abi dahil nakita ko siyang pumasok sa kwarto nito at ng siya'y lumabas, may bakas ng dugo ang kaniyang katawan. Tinikom ko na lang ang bibig ko pero hindi ko alam kung sino ang kumitil ng buhay niya kung siya ba dulot ng konsensiya o pinatay ba siya ng killer.

"Oh nakipili ka na ba kung sino ang tinitibok talaga ng iyong pihikang puso? Hihi!" Pag-iiba ni Arianne ng topic matapos ang maramdaming yakapan kanina.

"Ayoko munang pag-isipan iyan! Hihi!" Pagbungisngis ni Roxette na wari mo'y kinikilig.

"Ano gagawin mo Roxette kapag namatay yung taong mahal mo at hindi mo pa nasasabi sa kaniya na mahal mo rin siya?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ko naitanong iyon sa kaniya. Kasi ako, namatay yung 1st boyfriend ko na hindi ko man lang sinasabi rito ang katagang 'I Love You'.

"Magandang tanong iyan Ginny! Tiyak na magsisisi lang ako. Pero ewan ko ba kung bakit napakahirap bigkasin ng salitang iyon! Isa na rin siguro sa mga rason kung bakit ay dahil mahiyain ako hehe." Wika niya.

"Oo, mahirap talagang bigkasin sa harap ng taong mahal mo ang three words eight letters na iyon na hinugot mula sa kaibuturan ng iyong puso. Pero mayroong ibang tao na madali lang para sa kanila na sambitin iyon dahil hindi sila seryoso." Wika naman ni Arianne.

"Tama na nga iyang usaping pag-ibig! Gabi na oh! Matulog na tayo!" Wika ni Roxette at nahiga kaagad sa kama at nagkumot pa.

"Wait, dito ka matutulog?" Tanong ko.

"Oo! Ayaw niyo ba?" Aniya.

"Hindi naman sa ganun. Nakakamiss din dahil para lang tayong mga sleepovers haha!" Wika ni Arianne at nahiga na rin.

Nakakamiss nga ang mga moments na masaya kami at walang bahid ng kalungkutan kaya dapat naming i-cherish ang gabing ito.

Killer's POV

Kailangan ko ng isagawa ang aking susunod na plano. Kaya ikaw na isang Henyo na maaaring makatuklas ng aking sikreto, ihanda mo na ang sarili mo at sulitin ang mga oras na natitira para makasama ang mga kaibigan mo dahil guguho na ang iyong mundo haha!

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon