Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 7

366K 6.6K 516
                                    

"LEILA! ANO BA 'yan, ang tagal mo! Male-late na tayo sa event!"

"Sandali!" sigaw ko rin kay Raquel mula rito sa loob ng banyo ng apartment ko. "Hindi pa nga ako tapos mag-ayos."

"Aba, bilisan mo! Hindi naman ikaw ang ikakasal, ang tagal-tagal mo pang mag-ayos."

Hindi na ako lumaban. Pumikit na lang ako nang mariin habang nakatungkod dito sa lababo ng C.R.

Wala ako sa sarili ngayon. Minalas kasi ako, natuloy ang shoot namin kina Levi.

Aminado akong nawala ang tapang ko. Kanina pa nga ako kinakatok ni Raquel dito sa banyo dahil aalis na kami, pero puro dahilan ang binabato ko sa kanya.

Nakaiinis kasi, ayokong pumunta sa shoot na 'yon. Itong si Raquel lang ang makulit. Ako raw itong pahanap nang pahanap ng raket, tapos noong binigyan niya na ako, bigla kong ipapa-cancel. Kung hindi ba naman daw ako gaga.

E sa anong magagawa ko? Sila Levi pala ang may hawak noong event.

Nong sinabihan ko si Raq na i-cancel 'yong shoot, aba minura ba naman ako. Hindi raw pwede dahil nakabayad na nga. Tsaka agad-agad 'yong shoot kaya kapag humindi pa kami, masisira ang pangalan namin—lalo na raw ang pangalan ko. Sinabihan ko siyang ibalik na lang 'yong pera para tapos na ang usapan. Tutal, hindi pa naman nagagalaw 'yon. Kaso namura na naman ako. Sayang daw. Tsaka kailangan ko nga raw ng pera, e bakit hinihindian ko pa?

Kung alam lang kasi sana ni Raquel, e 'di sana hindi ako nahihirapang magpaliwanag ngayon. Kaso wala siyang alam.

Bukod sa kapatid ko, si Baron lang ang nakaaalam ng lahat-lahat tungkol kay Levi. Kahit na ang pinsan kong si Vanessa, hindi nalamang nagkaroon ako ng hidden affair noon sa high school teacher kong 12 years ang tanda sa 'kin.

Ang nakaiinis ngayon, bakit nga ba kasi hindi ko muna inalam kung anong event 'yong ishu-shoot namin? Pumayag din naman agad ako. Kasalanan ko rin.

Ewan ko ba kung small world o talagang nananadya lang 'yong magkapatid na 'yon. Parang ang lakas kasi ng kutob kong pinupuntirya talaga nila ako. Una, 'yong mga pabango ni Vannie. Ngayon naman, ang photography services ko. Ano bang problema niya? Ngayon na nga ulit siya bumalik, ganito pang pagpapapansin ang ginagawa niya.

Ang kwento sa 'kin ni Raquel, hindi si Levi o si James ang ikakasal, kung 'di ang bestfriend na babae ni James na nandito sa Pilipinas. 'Yong magkapatid lang daw ang umaasikaso bilang tulong kasi buntis 'yong babae.

Hindi ako magpapaka-plastik, hindi ko talaga gustong makita si Levi.

Ni hindi ko na nga na-imagine na balang araw, magku-krus ulit ang mga landas namin. Kasi naman, ang tagal na panahon na. Wala na akong balita sa kanya. Akala ko nga patay na 'yon.

But now, what? Heto, magkikita na nga talaga kami. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, o sasabihin ko, o mararamdaman ko sa oras na magkaharap na kami mamaya. Pero malamang kukulo na naman ang dugo ko.

"Leila!" Muling kinalabog ni Raquel ang pinto ng banyo. "Hindi ka pa rin ba tapos? Mata-traffic na tayo!"

Tumuwid na ako ng tayo sabay hinga nang malalim. Napaka-kulit ni Raquel! Kaunti na lang at sisipain ko na talaga 'yong babaeng 'yon, e.

Inayos ko lang saglit itong kulay chestnut brown kong buhok. Kinulot ko kasi ang dulo. Sanay akong nag-aayos kapag may shoot. Hindi sa pagmamayabang, pero panghatak ko rin ang itsura ko sa mga posibleng kliyente.

Pinlatsa ko ng mga palad ko ang suot kong blouse pagkatapos. Naka-sheer beige top ako at floral na trousers. Flat sandals lang ang sinuot kong footwear para kumportable habang kumukuha ng mga litrato.

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon