Chapter 5

34 5 0
                                        

Adirham

NAPASANDAL ako sa couch na inuupuan ko dito sa condo ni Michelle. She insisted na magkape muna kami at mag-usap. I don't know what is her motive but I guess I'll take this an advantage. I also want to ask her some things.

Inilibot ko muna yung paningin ko nang makita ko ang mga pictures ng family niya sa harap ko. May cactus plant din siya sa may bintana at katulad dati, organize pa rin siya sa mga gamit niya. Hindi ko alam kung ano na ang takbo ng buhay niya ngayon pero sa tingin ko naman ay maayos siya based on how she smiles.

Happiness isn't something that I can take away from her kahit pa wala ako sa tabi niya sa tuwing masaya siya pagkatapos naming maghiwalay. She should be happy and she deserve it more than me. It's been eight years but still regrets are running through my veins, continuously eating my reverie and utopia. Ang bobo ko kasi.

I heard footsteps walking near me kaya hindi na rin ako nagpatumpik-tumpik pa sa pag-angat ng ulo ko. Agad ko siyang nakita na papalapit sa akin habang may hawak na tray. Ibinaba niya ito at nakita kong may dalawang coffee cup ang nandoon. Isang chocolate at isang purong kape.

Napatitig lang ako sa hawak niya nang bigla na lamang siyang magsalita, "Kuhain mo na. You know what's yours, don't be too shy," she said in persuading voice na nagpagalaw naman kaagad sa mga kamay ko para kunin ang baso na may purong kape. Bago ako sumimsim ay napabuntong-hininga muna ako ng mapatingin akong bumalik siya sa kusina niya.

Kung alam lang niya kung gaano ko siya na-miss sa mga oras na wala siya sa tabi ko. At, ang mga gabi na hinihiling ko na sana nandito siya para patulugin ako pero wala. I have complete family and true friends that is enough for me to feel joy. However, the feeling of sadness and longing for your special person's warmth is the worst thing I've ever felt in my entire life.

Napalunok ako bigla ng bumalik siya. Hindi ko maiwasang hindi siya tignan sa mata, at dahil doon napapansin ko na iwas ito sa akin. Wala naman akong ibang maramdaman kundi lungkot. Maybe, she really don't want to see me at all. Ayaw niya na siguro akong makita kahit kailan at itong pagpapapasok niya sa akin sa bahay niya ay hindi talaga bukal sa loob.

"How's life?" she asked. Uminom muna ako ng kaunting kape bago siya sinagot, "It's totally fine, I'm still managing our business. How about you? Matagal na rin noong huli tayong nagkita, masaya ka naman ba? May bago ka na ba?"

Nakita kong nagulat siya sa tanong ko. Her frozen parted lips gradually moved making her sounded stuttering. "U-uhm," napapailing siya sa sarili niya at sa halip na ituloy ang sasabihin ay bahagya itong napatawa.

"Really, Adi?" natatawa niyang tanong sa akin. I didn't falter a bit, hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon bukod sa nararamdaman ko pagdating sa kaniya habang nakatingin sa mga mata niya ng matiim. Gusto kong maramdaman niyang kailangan ko siya sa buhay ko. Kailangan na kailangan.

I waited for her to answer. Seryosong-seryoso akong nakatingin sa mga mata niya at hindi nga ko nagkamali, bibigay din siya. "Well, I'm really happy with my life now..." para akong nabunutan ng tinik pero napalitan din kaagad ng mapagtanto ko na masaya siya kahit wala ako.

"...but first, I want you to know na thankful ako kasi naging parte ka ng buhay ko. Siguro kung wala ka noon, I'll never realize na marami pala akong hindi napapahalagahan. Look, Adi." Mahinahon siyang nagsasalita sa harap ko na para bang walang bigat siyang dinadala. Para na naman akong tinutusok sa puso sa naiisip ko. Hindi ko maiwasang masaktan lalo na't kausap ko yung mahalagang tao sa buhay ko.

"We both know na matagal na tayong walang communication. Yes, we had a past being lovers, before and it's natural for us to get awkward in this situation. On the other hand, I fully understanding why everything happened to us. At, dahil 'yon sa pagkukulang nating dalawa. I want to open this topic kasi ayoko naman na habambuhay tayong hindi magpapansinan at magkikibuan kaya nga during the reception, ginusto ko na rin na makalapit sa'yo to get a chance na magkaayos tayo," my face lit up and smiled at her. "para magkaroon ng closure as friends."

Dumilim kaagad ang paligid ko. I hate it when she said 'as friends'. Iniisip ko pa lang parang hindi ko na kaya. "Then?" mariin kong sagot na nagpatigil naman sa kaniya saglit.

"I'm sorry for everything, Adi. Alam ko na marami akong nagawang hindi maganda sa'yo. Marami akong choices sa buhay na mali at nakasakit sa'yo. And even my own attitude, nakasira rin sa atin. You know what? After you left me at my office, sobrang nasaktan din ako doon. I didn't imagine na kaya mong makipaghiwalay sa akin. Nag-isip ako ng mga dahilan and I realized na napakawalang kwenta ko pala para hindi ka pagtuunan ng pansin. Umiyak ako kaagad noon kasi ayokong mawala ka. Tinatawagan kita pero hindi mo naman sinasagot. Next day, I tried to reach you again pero wala. I thought you blocked me," she said. Nakita ko yung mga mata niya, it was relaying her emotions. I could see her eyes watering na agad namang nagpalambot ng puso ko.

Yes, what she said was true. I was so angry that time, nagpakalunod ako sa alak at walang ginawa kundi umiyak para sa kaniya. Para akong tanga habang naglalabas ng sama ng loob kay Jerwin.

"After a week, napagtanto ko na ayaw mo na talaga kasi I know you, you will do everything you can just for us to be together again. But not that time, siguro pagod na pagod ka na talaga. Ang bobo ko nga e, kasi may gana pa akong mag-isip na mayroon ka ng iba kaya mo nagawa 'yon sa akin. Nagalit din ako sa'yo kasi na-feel kong parang natapakan na naman yung ego ko. Lagi kong tinitignan facebook account mo na hindi mo rin naman ginagalaw para makita kung may bago sa'yo pero wala. One time, pumunta ako sa office mo. Nang makarating ako sa lobby, I saw you and Rackel hanging out na parang walang nangyari sa atin. Ang saya-saya mo, Adi, nakakaasar lang. Nagselos ako ng sobra," nagulat ako sa sinabi niya. Kasi kung ako ang tatanungin, hindi ko siya nakita kahit kailan sa lobby ng building ko.

"I didn't know, Michelle," ani ko na puno ng pagkasiphayo. Ngunit hindi niya ako sinagot sa halip ay ngumiti lang ito ng mapait sa akin.

"Umalis kaagad ako noon kasi ayokong makita kang may kasamang iba. Dahil doon, kinain ako ng maraming idea against you. I blocked you rin dahil galit na galit ako sa'yo. I loathed you," mariin niyang sabi habang nakatingin ng mabuti sa mata ko. Because of that, I can feel my eyes is about to throw beads of tears.

"But then, after years na wala ka, napagtanto ko na hindi naman pala ako dapat magalit sa'yo kasi kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari 'yon. You are one of the best gift I've ever had, yun nga lang hindi nagtagal. I gradually accepted the situation until maging ayos na ulit ako. Kaya nga nandito ako sa harap mo, Adi. I want us to be happy and free again," napangiti siya sa akin. "Gusto kong magkaayos tayo bilang magkaibigan."

Napayuko ako at niyukom ko ang kamao ko. Kanina pa niya sinasabi 'yan at sobrang nagagalit talaga ako. I know it's hard for us to get back together, again lalo na't may bago na siya. Pero, ako na ang nagsasabi, we will never be friends because I fucking love her until now. I fucking love Michelle.

"No," mariin kong sagot.

"What do you mean?" naguguluhan niyang tanong. She's confused as hell and I know it. We have different idea because I don't like hers.

"I don't wanna be friends with you, Michelle."

Douce-amèreМесто, где живут истории. Откройте их для себя