Chapter 6

62 2 4
                                        

"I don't wanna be friends with you, Michelle." walang buhay kong sagot habang nakatingin sa mga mata niya. I can see her getting angry with me at bago pa niya palalimin ang galit na 'yon, papalitan ko na 'yon.

She stood up and confronted me, "What did you say? Ayaw mo? Napakadamot mo naman, Adi!" Hindi ko pinansin ang pagtaas ng boses niya instead, I stood up too and walked near to her, filling up a meter distance between us. I cupped her cheeks at hindi niya ito pinigilan. Mukhang gulat na gulat siya sa ginawa ko.

"Of course, I will be selfish pagdating sa'yo. I don't want us to be friends because I want us together, again. I still freaking love you, Michelle. And, please 'wag mong ipagduldulan sa akin na gusto mong maging magkaibigan tayo. I will win your heart again. I will have you again kahit pa may fiancè ka na."

Pagkasabi ko noon ay agad ko siyang niyakap. Wala pa rin siyang kibo at hindi niya rin ako niyakap pabalik. Ayokong ganito kami. Ayoko. Kusa ko na lang siyang pinakawalan at agad na umalis sa bahay niya. Agad akong sumakay sa kotse ko. Siguro nga magmumukha akong kaawa-awa sa ginawa ko pero I'm desperate. Adirham Tan is desperate. At kapag desperado ako, I will do anything para mangyari ang gusto ko.

Of all the people, Michelle, you're supposed to be the one who knows what I am at my worst.

***

NAPAPITLAG ako sa kama nang may mag-doorbell sa condo ko. Nakakapagtaka lang na alas-dies na ng gabi at may gana pang pumunta sa bahay ko. At, sa pagkakatanda ko, only Rackel knows where my new house is but she doesn't want to come here. Ayaw niya kasi hindi raw magandang tignan na dumarayo siya sa bahay ng isang binata na wala namang malalim na dahilan.

Agad kong binuksan ang pinto at iniluwa nito si Bryan na may dalang alak. "Sup, bud?" Ngiting-ngiti ang loko habang tumataas-taas ang mga kilay niya. "Stop wiggling your eyebrows, dickhead, mukha kang ewan," bwelta ko habang napapatawa ng bahagya.

Iginaya ko siya sa sala habang ako naman ay kumuha ng dalawang shotglass at plato para sa mga chips na dala niya. Nakita ko naman siyang dumayo sa may pintuan ng kusina. "Adi, kumusta? Patay na patay ka pa rin kay Michelle, ah," pinukaw ko siya ng matatalim na tingin dahil sa sinabi niya at tsaka ibinigay ang mga dala ko sa mga kamay niya. "Oh, dalhin mo para may silbi ka naman," I said dryly.

Binuksan nito ang beer na dala at saka pinaglalagyan ang mga shotglass. "Dude, that's what you call traditional inuman." Bryan chuckled. "So what's up, my friend? Ang tagal mo rin sa abroad, ah."

"Heto, mas nakakahinga na kaysa dati. Alam mo naman kung gaano kabigat yung pinagdaan ko noon. Buti nga nakaya ko pa, eh." A smile draws out oh his face. "Nand'yan kayo para gumabay 'di ba?" He tapped my back so strong that made me stumble. Tumawa naman siya.

"Bwiset ka talaga, Robredillo. Kahit kailan wala kang nagawang maganda," bulyaw ko sa kaniya. Tumawa lang nang tumawa ang siraulo na parang wala siyang narinig kaya pinabayaan ko na lang.

"Anyways, kumusta nga pala kayo ni Michelle? Magkasama kayo kanina. May nangyari ba?" I looked at Bryan who's seriously looking at me too. I dropped the gaze then slowly nodded. "Yes, may nangyari," mapakla kong sagot. Sino ba namang hindi gaganahan? Ipinagtutulakan sa'kin ng babaeng mahal ko na maging magkaibigan na lang kami buong buhay.

Laking-laki ang mata ni Bryan na parang hindi makapaniwala. "You mean, may nangyari talaga? As in yung ano, uhm, eh ano, alam mo na."

"Sex?" deretso kong tanong. "Gago ka ba? Kahit kailan hindi ko pa ginalaw 'yon, noh. Mataas ang respeto ko kay Michelle," ani ko.

Nakita kong tumikhin lang si Bryan. "What I mean is, may ganap sa aming dalawa na talagang nagpainit ng dugo ko." I drank my portion of whiskey. Nilagyan ko ulit ang shotglass ko at saka tinungga ulit ang laman nito. "She's trying to reconcile with me."

Nagtaas ng kilay si Bryan. "'Yon naman pala, e. Edi makipagbalikan ka," he rolled his eyes and drank. "Ayoko," madiin kong sagot.

"Edi problema mo na 'yon," Bryan shrugged.

"She wants us to be friends. Just friends. Paano ko matatanggap 'yon?" I smirked. "Does she think that I am just a kind of joke? I know na mukhang naka-move on na siya sa'kin pero hindi ko kasi talaga matanggap, eh. I love her. I still love her."

Napayuko na lang ako sa mga hita ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang tama ko kay Michelle. Ever since lagi na lang niya akong ginagambala. Hindi ko siya makalimutan kahit ano pang gawin ko. Breaking up with her is a wrong move. "Kung alam ko lang na ganito ako ka-miserable sa pagsakit ng puso sana hindi ko na-"

"Fuck, Tan. Make her fall in love again." Napataas ako ng ulo at tinignan si Bryan. "Make her fall in love hanggang sa hulog na hulog na siya at walang kawala."

Napatiim-bagang ako. Kung ganoon lang 'yon kadali, ginawa ko na kaagad, e. Kaso nalaman ko kasing may fiancè na pala siya. Siraulo 'yong hinayupak na 'yon, makita ko lang talaga 'yon.

"Kahit may fiancè na siya?" tanong ko.

Nakita kong nagulat si Bryan sa sinabi ko pero napalitan lang din kaagad ito ng mga ngiti sa labi. "Kahit may fiancè na siya, Adi."

Umayos ako ng upo. "You know what, fiancè niya lang 'yan. Kung mahal ka talaga niya at kung para kayo sa isa't-isa, aayon sa inyo si destiny. Bilisan mo lang ang kilos mo kasi kapag naging asawa na niya si Michelle. Game over," seryosong sabi nito.

Never in the history na nang-agaw ako ng girlfriend at lalong-lalo na ang asawa. I never tried to intervene any kind of relationship. Ayoko naman na iba ang isipin sa akin ng ibang tao. I don't want to harm myself. But, the heck, para ata kay Michelle, handa akong gawin lahat, eh.

Napasapo ako ng mukha ko. "Fuck feelings."

I love her so much kaya hindi ko siya mabitawan. I've never been in a situation like this, na kahit ano gagawin ko para lang sa isang tao. Dehado man ako o hindi, that won't change anything. Mahal ko si Michelle, nauna ako, sa akin dapat siya. Corny na kung corny.

"You know what bro, before I thought that you will never be a person na magpapakabaliw para sa isang babae. Yes, you are a gentleman, kind and possessive freak just like me pero nakakapanibago lang," may panliliit ng matang bigkas ni Bryan sa akin. I just brushed my hair and drank again, trying to intoxicate myself.

"Just shut up," I replied.

My head was full of thoughts about Michelle-about us. Habang patagal ng patagal lalo akong nalulunod pero panay pa rin ang tungga ko. Walang-wala ako sa sarili ko. Kaya siguro hindi ko rin naramdaman na umalis na pala si Bryan.

"Sabi niya kanina, gusto niyang makipagkaibigan. Sabi ko naman ayoko."

Napatawa ako ng mapait sa mga pinagsasabi ko kahit wala naman akong kausap. Tama ba na sinabi ko 'yon? Tama bang iniwan ko siya kanina doon? Tama bang maging magkaibigan na lang kami kahit mahal na mahal ko pa siya?

Hindi ba'y wala rin namang mali kung ipagpalaban ko siya? Sa daming nasayang na oras, panahon at pagsasama, lahat 'yon pinagsisihan ko. Nagkamali ako ng desisyon noon kaya dapat ko lang itama.

I grabbed the bottle of whiskey and tried to pour some in my glass but there was nothing left. Ubos na pala. Napahilamos na lang ako sa mukha ko at humiga sa sofa. Sa huling sulyap nakita ko kung anong oras na, alas-dos na pala ng madaling-araw. Pagkakita ko noon ay marahan akong napapikit na hindi katagalan ay naging daan para tuluyan na akong kainin ng dilim.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: May 03, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Douce-amèreOnde histórias criam vida. Descubra agora