Chapter 29: Class Zero VS. Lupin

77.6K 4.6K 1.3K
                                    


Jamie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jamie

NAGMAMADALI kaming lima kung saan nanggaling ang malakas na pagsabog. Hindi lang isang pagsabog ang aming narinig kun'di sunod-sunod ito. Bigla akong kinabahan para sa kaligtasan nina Teddy at Claire, base sa mga naririnig namin ay mukhang nandoon na silang dalawa.

"Mild, maiwan ka na, wala ka namang maitutulong at baka maging pabigat ka lang," sabi ni Seven habang tumatakbo kami patungo sa lugar.

"Hey! I can give my moral support, hindi ako puwedeng mawala sa ganitong mga senaryo. Iyon nga ang dahilan kung bakit ako sumama." Balik ni Mild kay Seven. Matigas talaga ang ulo ni Mild, walang makakapigil sa kanya kung gusto niyang gawin ang isang bagay.

"Bahala ka," sabi ni Seven. "Jamie, Kiryu, protektahan ninyo si Mild." Bilin niya sa amin.

Malapit na kami sa lugar nung biglang may mga lawbreakers na humarang sa dadaanan namin. "Tumakbo na kayo, ako na ang bahala rito," sabi ni Girly at pinalaki na niya ang kanyang katawan. Hanggang ngayon ay nabibigla pa rin talaga ako sa tuwing nakikita ang kapangyarihan ni Girly. Hindi talaga ang super strength niya sa pagiging sobrang kikay niya.

"Mag-iingat ka," sabi ko sa kanya at pinagpatuloy naming apat ang pagtakbo. Si Girly ang maiiwan upang kaharapin ang tatlong level one na lawbreaker.

"I know right? Hindi mo na kailangan ipaalala sa akin," she tried to smack one lawbreaker using her hand, nagkaroon ng malaking lamat ang daan at ramdam namin ang pagyanig ng buong lupa.

Iniwan na namin si Girly at nagpatuloy sa pagtakbo. Nung makarating kami sa lugar kung saan mismo nangyayari ang gulo ay namataan namin si Claire na may mga galos at may mga sugat sa katawan, she's trying to heal herself. "Claire!" Tawag ko sa kanya at napalingon siya sa direksyon namin, as soon as she saw us ay napaluha siya.

Ito ang unang beses na masama si Claire sa misyon, marahil ay nagulat siya na ganitong mga bagay pala ang mga puwedeng mangyari. In this kind of mission, nakataya mismo ang mga buhay namin. "Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

Kiryu and Seven didn't bother to stay at mukhang hinahanap talaga nila kung sino ang puno't dulo nang kaguluhang ito. "A-Ayos lang ako, pero si Teddy... he's fighting alone, ang kalaban niya ay miyembro ng Black Organization. Pinatakas niya lang ako." Sa sinabing ito ni Claire, alam ko nang nanganganib ang buhay ni Teddy.

Tumayo na rin ako. "T-Teka, Jamie, saan ka pupunta?" Tanong ni Mild habang nakaalalay siya kay Claire.

"Mild, ikaw na muna ang bahala kay Claire. Pupuntahan ko lang sila Teddy."

***

Teddy

THE mask guy is just seating in front of the car habang pinaglalaruan ang bomba sa kanyang kamay. Nakatingin siya sa akin, hindi ko man nakikita ang kanyang mukha pero alam kong natutuwa siya dahil nakikita niyang nahihirapan ako.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon