Once

175K 3.4K 38
                                    

Once

Aura

Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin akong nakatingin sa hawak kong picture dito sa loob ng kwarto ko. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi ng maayos gayong hindi ako makapagconcentrate mag mula ng makaalis kanina si Detective.

Tinignan ko ang likod ng picture. Nakalagay pala dun yung buong pangngalan ng lalaking nasa litrato.

'Miguel Matteo Buenavista' Sabi ko sa isip ko.

Miguel...Migi...Miguel...Migi...Miguel...Mig—

Tama. Tama nga ang hinala ko. Siya nga ang lalaking nasa picture. Hindi ko maiwasang hindi titigan ang mga matang nasa litrato. Kaya pala pamilyar ang mga iyon dahil palagi kong nakikita iyon.

Ayan nanaman ang mga luhang yan! Tumigil na kasi kayo! Please? Nakikiusap ako. Marahas kong pinunasan iyon.

Bakit ka ba umiiyak, Aura? Eh ano naman kung siya yun? Dapat nga ay maging masaya ka dahil alam mo na kung papaano makakausap ang pamilya niya. Para mapagamot na siya ng tuluyan. Matutulungan mo na siya Aura oh? Hindi na niya kailangan tiisin ang mga nararamdaman niya. Hindi man niya sabihin pero ramdam ko na nahihirapan na rin siya sa sitwasyon niya. Ngayon, pwede na siyang dalhin sa Maynila o sa ibang bansa para magpagamot.

Dapat maging masaya ka! Hindi ka dapat nalulungkot.

"Aura, anak.." Rinig kong sabi ni Nanay mula sa likod ko. Agad ko namang pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko.

Inayos ko muna ang sarili ko bago humarap sa kanya. "Nay.. Ano pong kailangan niyo? May ipaguutos ba kayo?" Pilit akong ngumiti.

Lumapit siya sakin. "Anak, umiiyak ka ba?" Hinaplos niya ang buhok ko.

Tumawa ako pero alam kong peke iyon. "Naku, 'nay, hindi po ah! Sinisipon kasi ako kaya ganun. Ang nanay talaga!"

Naawang tinignan ako ni Nanay. "Anak, hindi mo naman kailangan itago yan eh. Iiyak mo lang yan nak."

At doon na tumulo ang luhang kanina ko pang pinipigilan. "Hush.. Kaya mo yan, anak." Niyakap niya ako.

"Sabihin mo sa akin. Ano bang problema?" Hinarap niya ako sa kanya.

"N-Nay, bakit ganun? Bakit nalulungkot ako? Hindi ba dapat maging masaya ako para sa kanya?" Naguguluhang tanong ko.

"Eto ba yung kinukwento mo na si Migi?" Aniya.

Tumango ako. "Nay.. Kilala ko na kung sino talaga siya. Nahanap ko na iyong pamilya niya. Pwede na nila siya mapagamot ng tuluyan, 'nay. Pwede ng bumalik sa dati ang mukha niya kasabay ng buhay niya." Naiiyak na kwento ko.

"Pero bakit hindi ako masaya? Hay. Ang gulo! Naguguluhan ako! Hindi ko ba alam kung ano ang nangyayari sa akin." Dagdag ko.

Hinawakan ni Nanay ang mukha ko. Ngumiti siya sa akin. "Anak, ang simple lang ng sagot sa tanong mo."

Napakunot ang noo ko. "Ano ba ang sagot, 'nay?"

Pinunasan niya ang mga luha sa mata ko. At tinignan niya ako ng mabuti.

"Kasi, may nararamdaman ka na para sa kanya. Hindi mo man narerealize pa pero malakas ang kutob kong mahal mo na siya." Ngumiti siya sa akin.

Nanlaki ang dalawang mata ko at napatayo. "Imposible naman po 'yan! Pasyente ko lang siya. Kaibigan ganun!" Mahal? Imposible!

Tinawanan lang ako ni Nanay. "Hay nako, Aura. Wag mo nang i-deny 'yan. Alam na alam mo sa sarili mo na may nararamdaman kana para sa kanya. Na mahal mo na siya. Ayaw mo lang aminin. Tama na ang pagtanggi, anak. Ikaw rin ang mahihirapan niyan."

Natauhan ako sa sinabi niya. Bakit ko ba niloloko ang sarili ko? Oo alam ko sa sarili ko na kakaiba na ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi ako sigurado kung pagmamahal na ba iyon. Iyon na ba ang sinasabi nilang love? Kung 'yon nga, tama si Nanay. Mukhang tuluyan na nga akong nahulog sa kanya.

Huminga ako ng malalim. "M-Mukhang tama ka. M-Mahal ko na ata siya." Pag amin ko.

"Pero ito, anak. Payo ko sayo ay gawin mo ang tama. Kaya ka nalulungkot dahil ayaw mong umalis siya. Gawin mo ang mas makakabuti sa kanya kung mahal mo na talaga siya." Sabi niya bago lumabas.

Gawin ang mas makakabuti Aura. Tama si Nanay. Mas makakabuti sa kanya ang gagawin ko. Bigyan niyo lang ako ng isang pang araw para makasama si Migi bago ko siyang tuluyan ibalik sa tunay at totoong mundo niya.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon