Volume 2 CH 15 : Reason Why

3.4K 93 5
                                    

Pasensya na hindi edited. Gift ko lang sana ngyon pasko. Merry Christmas everyone.

Zack's Pov


Pagkamulat ng mata ko ay sinag ng araw ang sumalubong sakin. Nagunat unat ako bago tuluyan tumayo sa pagkakahiga ko sa isa sa mga bench dito sa arena.

May klase kami ngyon at dahil sa tinatamad akong pasukan lahat ng ito ay naisipan ko na lang matulog dito. Tahimik at walang taong gumagawi sa lugar na ito kaya perpektong lugar ito para matulog.

Magsisimula na sana akong maglakad pa uwi sa dorm namin para matulog muli ng may nahagip ng tingin ko ang isang lalaking ayaw ko makita ngyong araw.

Pumalatak ako at inilagay ang dalawang kamay ko sa bulsa ng aking pants. Tinignan ko kung anong business ng isang Silver Byford dito sa arena ngunit may kausap itong isang pamilyar na babae.

May sinasabi sa kanya yung babae at mukhang naasar na ata si ugok. Kaya kahit hindi ako ang tipong nakikinig sa usapan ng iba ay naglakad ako papalapit ng konti sa kanila.

'You know I'm capable to do whatever i want to her. Kaya ko syang patalsikin dito o kung gugustohin ko kaya ko sya gawing alipin. Kung gusto mo syang protectahan sumunod ka sakin Silver.' ani nung babae.

'Ano kasing meron sa Martel na yan at parang nababaliw kayo sa kanya. Lalo ka na Silver. What happen to you? Kaya pala iba ang kinikilos mo dahil sa hampas lupang babaeng yun. Minanmanan kita at halos araw araw minomoritor mo ang babaeng yun. Ano ba sya sayo? 'dagdag pa nung babae.

Pagkarinig ko ng binanggit nyang apelido ay bilang nabuhay yung dugo ko. Ano na naman ang trip nila kay flat?

Pag may ginawa lang yan babaeng sugpong yan kay flat sasapakin ko sya kahit makaaway ko si Silver.

Fvck! Pake mo ba Zack. Kala ko ba wala ka nga pake sa babaeng yun dahil panggulo sya sa plano mo. Hay gag* kasi itong si silver na ito kasalsnan nya na naalala ko na nanan si flat at na ramdaman ko na naman na may masakit sakin.

Balak ko na sanang umalis roon dahil pake ko ba kung pinaguusapan nila si Flat, pake ko ba kung may gawin sila sa babaeng yun hindi ko naman kaano ano yun, ngunit napatigil ako sa mga sumunod na salitang narinig ko

Na ng galing kay gag*

'No need to do that Anela. I will do anything you said as long as you don't touch her. The heck, i can even marry you if you say so. So don't you ever touch her. I'll be a obedient as a dog if you you keep your mouth shut'

Aba kala ko gag* lang itong si Silver tanga rin pala sya. Plus isang malaking duwag. Babae lang hindi nya kaya. How come na rank 1 sya.

'Siguraduhin mo lang silver dahil kayang kaya ko sirain lahat lahat sa raven na ya-!'hindi pa natatapos pumutak yung babae ay bigla ng nagsalita si Silver na halatang galit na.

'If you ever dare to harm her or her life, this dog will turn to a wolf and I'll bite you back. I promise. I could stop you on breathing and I'll make sure you will never see any light again. Mark my work Anela, i don't give a damn to who you're or what is your position here. 'puno ng pananakot na sabi ni silver.

Kahit hindi nya sakin sinabi yun nakaramdam ako ng konting takot. Don't get me wrong hindi ako natatakot sa Silver na yun. Sadyang ngyon ko lang narinig na magbanta ang isang tulad nya.

At pagkatapos ng konting takot na naramdaman ko ay bigla akong napahawak sa dibdib ko. Ewan ko ba kung bakit pero bigla syang sumakit. Sakit na hindi ko maintindihan. Hindi sobrang masakit pero nakakaiyak.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon