Chapter Thirteen

182 25 1
                                    

Charmaine Pradelle

"BUSOG NA ako!" bulalas ni Chastity, "Bakit ang payat ni Mang Dante kahit ganoon kasarap magluto si Aling Marie?"

Bumabagsak pa rin ang malakas na ulan habang papunta kami sa bahay-kubo ng mga Karandag. Kasama namin ni Zed si Richard pati na din ang dalawa niyang kapatid na babae: si Chastity at Anna.

Umakyat si Richard sa dalawang baiting ng hagdan saka binuksan ang pinto ng kanilang bahay-kubo.

Tuluyang nawala ang buong kuryente sa Malolo Distillery. Inilawan ng kandila ang buong hapag kanina. Kahit walang wifi at kuryente, umugong pa rin ang tawanan, sumasabay sa kantahan at strum ng gitara. Paborito nila ang OPM songs. Halos lahat ng manggagarit, marunong tumugtog ng gitara. Papasa-pasa ang instrumento sa kanilang lahat, pakitang gilas.

Kagagaling lang namin sa bahay nila Dante at Marie. Doon kami kumain ng hapunan at inabot kami ng limang oras sa hapag kasi nag-inuman matapos kumain. Tinikman nila ang lambanog na niluto sa araw na 'yon. Ako din, uminom. Mga sampung shot. Lasing na si Chastity. Kung anu-ano na ang sinasabi niya sa table kanina. Tulad ngayon. Tinatanong niya kung bakit ang payat ni Dante kahit masarap magluto ang asawa niya. Alam naman niya ang sagot.

"Tsk! Tsk! Tsk! Chastity, lasing ka na, ano?" kinaltukan ko siya, "Shhh! Wag kang magtatanong ng ganiyan. Mahiya ka naman sa kanila. Hindi naman nila kasalanan na wala silang pambili ng maraming pagkain araw-araw. Minsan, hindi niya naabot ang quota sa isang araw kaya kulang ang kita niya. Shhh!"

Tumawa si Zed, Richard at ang dalawa niyang kapatid na babae.

"Kyah, lasing na ata si Miss Pradelle," sabi ni Chastity, "Ilang tagay ba ang ininom niya?"

"Miss Charmaine. Dahan-dahan lang sa paglalakad. Baka madulas kayo," ani ni Anna.

"Ay, hinde. Kaya ko pa. Di pa ako lasing. Tara, balik pa tayo doon sa bahay ni Mang Dante."

"Haha! Bagsak na silang lahat. Lasing na. Alam mo ba kung anong oras na pati? Pasado ala una ng umaga," sabi ni Zed, "Ang bilis mo pala malasing, Charmaine? Hay... Matulog ka na."

Tinapik ko si Zed sa ulo. "Ano nga ulit ang pinoy band na paborito nilang tugtugin kanina? Parokya ni Hudas? Gusto ko ang isa nilang kanta. Ako si Mr. Suave. O-o-oh grabe. Habulin ng babae. Araw man o gabe." Tinapik ko siya sa ulo, "Ang ganda!! Bakit ngayon ko lang 'yon narinig? Bibilhin ko lahat ng album nila."

Yumanig ang balikat ng binata katatawa at hinuli ang kamay ko, saka niya pinisil. "Anong Parokya ni Hudas? Ang tawag sa banda nila, Parokya ni Edgar." Inakay niya ako sa mga braso.

Gumaan ang ulo ko pati na din ang buong katawan. Natatawa ako kay Chastity kasi tumatawa din siya. Nakakahawa.

Umakyat kaming lahat sa bahay-kubo. Inalalayan ako ni Zed paakyat sa two steps ng bamboo stairs. Saka niya ako inupo sa sofa na may ruffles at lace cover. Pero matigas ito kasi walang foam at gawa lang sa kawayan.

Nagbukas si Richard ng kandila at umaandap ang liwanag sa buong bahay sa tuwing sumasayaw ang malikot na apoy sa nitsa ng kandila.

Pumipikit na ang mga mata ko pero ginila ko ang paningin sa buong paligid. Amoy moth ball sa loob ng buhay-kubo nila. Old capiz windows ang mga pader, gawa sa kawayan; dalawang kwarto lang sa loob: kubeta at bedroom. Gawa sa kawayan ang pinto ng kubeta. Kurtina lang ang pinto sa bedroom.

Sa isang malaking spasyo ang kusina, hapag-kainan, at sala. Pero wala silang telebisyon o stereo. Mayroon lang silang bookshelf na naglalaman ng mga kupas na libro.

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon