Chapter 18 : Painting

780 77 2
                                    

CHAPTER 18

NIANA'S POV






"THAT'S CECIL'S first painting."

Napatango ako sa sinabi ni Carson.

Nakatingin ako sa isang malaking canvas ngayon na nakasandal lang sa pader. The entirety of the painting is black at meron lang tuldok sa gitna nito na kulay pula.

"The painting depicts loneliness," sabi ni Carson.

As far as I know, Cecil is the president of this club. She's quite popular dahil sa art style niya at ilang beses din siyang inilaban sa ibang schools and even national art competitions. Noong active pa ako sa pagsali sa art contests tuwing may event dito sa school, never ako nananalo kapag kasali siya. I admit that she always got the depth and the art style.

Akala ko para lamang sa mga officer at member ng club ang room na ito. Pero nalaman ko kay Carson na rito inilalagay ang lahat ng arts and paintings ng mga estudyante. It makes sense bakit may kalakihan ang room na 'to at mukhang may stock room pa for art materials.

Habang patuloy sa pagtingin ng mga guhit at paintings, wala sa sarili akong napatanong sa kaniya. "Kasali ka ba sa glee club?"

"You can say that. Hindi man halata, but yes," tugon niya. "Why?"

"Wala lang. You entered the music room so I just assumed. Though ginagamit naman ng lahat ng students ang music room, pero you look like you frequently go there," sabi ko bago napahinto sa aking painting. Malaki ito at tila buhay na buhay dahil sa paggamit ng kulay.

"That's the most detailed painting of the Greek gods and goddesses, deities, and the great kings and queens of Greek mythology here in this room painted by yours truly," sabi ni Carson nang lumapit siya at tumabi sa gilid ko. Umusog ako nang kaunti para masiguro na hindi magtatagpo ang balat naming dalawa sakali mang aksidente kaming mawalan ng balanse.

"I underestimated you."

Mahina siyang tumawa. "Is that so?"

"Is this Aphrodite?"

"Yes."

Hindi ko mamukhaan ang ilang entities sa painting dahil matagal na nang huli naming pagaralan ang tungkol sa Greek mythology. But I have always kept the interest.

"The most upper part of the painting features the titans, and then just below them are the Olympus gods, the muses and the fates, and the demigods. Ito namang nasa ibaba ay ang mga tao, at ang nasa pinakababa ay ang underworld," paliwanag ni Carson habang isa-isang itinuturo ang mga nasa painting. "This is in fact my magnum opus."

"I can't imagine kung gaano katagal bago mo natapos 'yan," sabi ko bago siya natawa.

Lumipat na kami sa ibang painting. Kahit intensyon kong bagalan ang pagtingin sa bawat art para mas marami akong oras na makain, dumating pa rin sa punto na iilan na lang ang hindi ko pa natitingnan. Sakali mang makita ko na lahat, babalik ulit ako sa simula hanggang masiguro na tapos na ang klase ni Sir Jim.

"Aren't you afraid that you're taking the company of someone who's cutting classes?" tanong ko kay Carson.

"Madali lang namang sabihin na hindi kita kilala kung sakaling mahuli tayo," sagot niya kaya pareho kaming natawa.

Napahinto ako sa harapan ng isa pang painting. Mas malaki ito kaysa sa painting ni Carson at mas mukhang totoo—aaminin ko na pang-national museum art ang dating nito. Halata sa stroke ng mga kulay ang kahusayan ng kung sino mang artist na lumikha nito. Ito 'yong tipo ng art na hindi lang basta dadaanan ng mga mata mo kundi mapapatitig ka talaga at mapapahinto habang maiging tinitingnan ang bawat sulok ng canvas.

I felt something strange just looking at it.

It was a painting of a battleship.

With soldiers on board holding guns, and men on the shores holding swords—halata sa mga uniporme nila na oposisyon sila.

Sa langit naman ay iba't ibang uri ng battle aircrafts.

The primary colors used were red, black, and violet, representing a war.

"This one is superb!" komento ko. "Sinong gumawa nito?" tanong ko dahil walang nakalagay kung sinong artist ng painting.

Napalingon ako sa gilid ko nang hindi sumagot si Carson.

"Carson?"

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid pero wala na siya rito, hindi ko na siya kasama.

Kusang kumunot ang noo ko.

Saan nagpunta 'yon? Kanina lang nandito siya sa tabi ko at nakatingin din sa painting na nasa harapan ko.

Binalik ko ang tingin sa painting na tinitingnan ko kanina. Doon ko lang nabasa kung anong pamagat nito.

"Ikatlong digmaang pandaigdig."

Agad akong kinilabutan. Gumapang ang takot sa sistema ko at dahan-dahan akong lumayo sa pinta. Nakakailang hakbang pa lang ako ay nakarinig na ako ng ingay na nagmumula sa labas ng silid. Tila may mga naghihiyawan at nagtatakbuhan sa corridor sa tapat ng room.

Tumakbo ako at lumabas ng silid.

Agad akong gumilid para makaiwas dahil muntik na akong mabangga ng ilang mga estudyante na nagtatakbuhan sa corridor, pawang mga nagpa-panic at nagu-unahan na makatakbo palayo sa kung saan man.

Kaya ba nawala si Carson sa tabi ko? Tumakbo rin ba siya kasama ng iba pang mga estudyante?

Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari at bakit lahat ay nagmamadali. Sigurado naman akong walang sunog at hindi rin naman lumilindol.

May depressed zombies ba ulit?

Lumakas lalo ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa naisip.

Hindi naman siguro ako bumalik sa vision hindi ba? Nasa labas na ako ng classroom, malayo ako sa klase ni Sir Jim kaya imposibleng prediction ulit mula sa hinaharap ang nakikita ko ngayon.

Isa lang ang paraan para malaman.

Walang pagdadalawang-isip na sumingit ako sa karamihan ng mga estudyanteng nagtatakbuhan. Hanggang sa makita ko mismo kung paano sila tumagos sa katawan ko. Gano'n na lang ang panlulumo ko nang makumpirma na kahit lumayo na ako sa klase ni Sir Jim, hindi pa rin ako nilubayan ng lecture niya.

"Third possibility. Geopolitics."

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon