MALDITA 32

1M 21.9K 5.1K
                                    

Maldita 32

"Kamusta kayo ni Kuya?" Natigilan ako sa pamimili ng damit sa tanong ni Hannah. Tinignan ko sya at nakita kong ngiting-ngiti pa sya na nag-aabang ng sagot ko. Ibinalik ko ulit sa mga damit ang atensyon ko.

"What do you mean kamusta kami?" Mataray kong tanong. Kinabahan ako bigla sa kanya.

"Di ba kayo na?" She's smiling from ear to ear habang nakatingin sa akin.

"Ano?!" Hindi ko napigilan ang sarili kong mapasigaw dahil sa sinabi nya.

"Huwag ka ng mahiya. Close kami ni Kuya, sinabi na nya sa akin na break na sila ni Haley at ikaw na ang bago nyang girlfriend." Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy sa pagtingin ng damit. Ichine-check ko ang mga damit na ginawa ni Frances para sa clothing line business ni Avy. Lahat kaming magkakaibigan pinaki-usapan nya na magbigay ng comments sa mga creations nya. Kami pa nga ang ginawang model ni Avy para sa magiging sample brochure nila.

"Hey, don't worry. Boto naman ako sa'yo eh." She said ang nudged me. I mentally sigh in relief dahil sa sinabi nya. Subukan nya lang gawin sa akin ang mga ginawa nya noon kay Haley baka kalbuhin ko sya.

"Huwag mo na nga akong kulitin tungkol sa kapatid mo. Hindi nga kami." Totoo naman kasing hindi kami. Si Neo lang ang nag-insist na kami na pero hindi naman ako pumayag. Napatingin naman sa akin ang mga kaibigan ko at napatigil silang lahat sa pagsusukat ng damit.

"Weh?" Sabay-sabay nilang sabi.

Isang linggo na nila akong inaasar tungkol sa pagkakaroon daw ng boyfriend. They even laugh at me noong nalaman nilang si Neo ang boyfriend ko daw. Ilang beses din akong nabingi sa linya nilang 'the more you hate, the more you love.'

"Tigilan nyo nga ako, pwede ba, nakakapressure kayong mga kaibigan!" Sigaw ko sa kanila. Ayoko pa naman sa lahat 'yung inaasar ako, nakakairita kasi. Ginagawa nilang big deal ang mga bagay na hindi naman dapat. Masyadong pushy.

If ever naman na sagutin ko si Neo sisiguraduhin ko na sinagot ko sya dahil gusto ko at hindi dahil sinabi lang nilang lahat sa akin. Ayokong pagsisihan ang pagpasok sa isang relasyon. Ayokong madaliin katulad noon. I want to take it slowly and just enjoy the moment. I will get there, in the right time. And I'm just waiting for that moment.

"Hi girls." Sabay-sabay kaming napalingon sa dumating. Si Neo, may dalang three boxes of pizza para sa aming lahat. I rolled my eyes dahil sa sunod-sunod na pang-aasar nila sa aming dalawa.

Hindi na ako nagtaka kung bakit wala syang dalang bulaklak o teddy bear man lang para sa akin dahil mahigpit kong sinabi sa kanya na hindi ako mahilig sa mga ganoong bagay.

"Avah, sundo mo." Sigaw pa ni Avy. Lumapit naman si Neo sa akin.

"Ganda natin ngayon ha?" Sabi nya noong habang suot ko ang isa sa mga design ni Frances.

"Araw-araw akong maganda." Sagot ko at tinalikuran sya para magpalit ng damit.

"Problema noon?" Rinig kong tanong pa nya sa mga kaibigan ko.

"Kinikilig lang 'yon." Sagot ni Aira at narinig ko pa silang nagtawanan. Mga walanghiya!

"Narinig ko 'yon!" Sigaw ko.

"Sagutin mo na kasi." Ayan na naman sila.

"Oo nga. Promise araw-araw pa din kitang liligawan." Dagdag pa ni Neo.

Dalawang linggo na nya akong nililigawan, halos araw-araw nasa bahay sya para sunduin ako papasok sa School. Nawawalan na nga ng trabaho si Manong Sic dahil sa ginagawa nya kaya si Avy na lang ang madalas ipagmaneho nito papunta sa recording studio at dito sa opisina nila ni Frances. Kahit ang mga kaibigan ko niligawan nya kaya ayan, sobrang supportive ng mga gaga sa kanya. Kahapon nga halos mawindang ang buong pagkatao ko noong tinawagan ako nina Mommy at Daddy at sinabing nagpaalam daw sa kanila si Neo na ligawan ako. Syempre initial reaction ko, nabwisit na naman ako kay Neo at pinaghahampas ko ang braso nya noong nagkita kami pero natuwa ako sa ginawa nya. Oo ko na lang talaga ang hinihintay nya.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon