CHAPTER 30: Promise

23.7K 393 9
                                    

CHAPTER 30: Promise

 Dedicated sa first baby ko dito sa watty !! xD .. I love you Baby Kez! :***


ALEXIS P.O.V

 

“Alex...” – narinig ko yung boses ni Matthew sa may gilid namin..

“Matthew...” – tawag ko sa pangalan niya at agad akong bumitaw kay Tj...

 

Tinignan niya si Tj..

“Pumasok ka na muna sa loob.” – seryosong sabi niya..

Tumango ako saka nagmadaling pumasok sa loob ng bahay namin.

Mag uusap siguro sila?

“Ate!” – sigaw ni Dixie.

“Oh?”

“Si Mommy, ikaw na nga magpakain sakanya.. ayaw nanaman kumain.”

“Nasan ba siya?”

“Nasa kitchen.. sige ate tatapusin ko pa yung assignment ko.” – sabi niya saka umakyat sa kwarto niya.

Pumunta ako sa kitchen, nandun si Mommy.. Nakaupo sa wheel chair niya, tulala.. ang hirap maging malakas kung yung mismong taong magpapalakas sayo nagiging mahina.. hinalikan ko sa noo si Mommy..

“Mommy, kaen ka na..” – sabi ko saka sabay sinubuan siya.

Tinignan niya ko, saka hinawakan sa kamay.. pero hindi siya nagsasalita.

“Ma,kung may gusto kang sabihin..please..magsalita ka na..” – naiiyak na sabi ko.

Pero wala akong nakuhang sagot mula sakanya, pinakain ko nalang ulit si Mommy.. ano bang nagawa ko para magkaganito yung pamilya ko?, Yung pumatay sa Daddy ko hanggang ngayon hindi ko parin siya kilala..

----

Habang inaayos ko yung wheel chair ni Mommy paakyat sa kwarto niya, sakto namang pumasok na si Matthew.

“Ako na..” – sabi niya saka sabay binuhat si Mommy paakyat ng kwarto, sumunod ako para ayusin yung kama ni Mommy..

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon