Kabanata 28

26.4K 995 90
                                    

Kabanata 28

"Pst," tawag pansin ko kay Ella na busy kakasulat.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Ano?"

"Anong araw ngayon?" mahinang tanong ko. Mahirap na't baka marinig pa kami ni Mrs. Mendez.

"Miyerkules. Bakit?" aniya.

Umiling lang ako at nagpasalamat. Pangalawang linggo ng Nobyembre, at sa mga araw na ito ay maaaring magkared days ako. Nakakapagod maging babae.

"Ms. Aurin, you're excuse."

Napaangat naman ako ng tingin sa aming propesor. Nagtataka ko siyang tinignan. "Po?"

Muntikan na akong mapatili nang palihim na kinurot ni Ella ang beywang ko.

"Ano?" I mouthed.

"Laba," mahinang wika nito.

Wala sa sarili kong kinuha ang aking bag at naglakad palabas ng silid. Sinalubong naman ako ng isang babaeng nakangiti.

"Hi. I'm Janice Macula. Nakita kita sa meeting kahapon. By the way I'm the SSG P. I. O." Inilahad niya ang kanyang kamay.

Inayos ko muna ang aking salamin at tumikhim bago tinanggap ang kanyang kamay. "Natasha Venice Aurin. Hindi ako miyembro ng SSG Council."

Tumango ito. Pasimple kong binawi ang kamay ko sa kanya. Magkasintangkad lang kami. Is
Kulay blonde ang buhok niya at morena. Medyo kahawig niya si Meghan Trainor. Medyo lang naman. Dagdag mo pa na ang sexy niya.

"Pasensya ka na kung nadistorbo kita sa klase mo," wika niya habang naglalakad kami papuntang soccer field.

Ngumiti ako sakanya. "Okay lang. Ano bang maitutulong ko?"

"Actually 'di dapat kami mandistorbo ng isang estudyante, lalo na't wala namang responsibilidad sa paaralan. Kulang kasi talaga kami ng estudyanteng tutulong para sa preperasyon sa pagdating ng mga head council," lintiya niya.

Tumango-tango ako sakanya. "Okay lang naman. At saka, 'di naman gaanong disturbo sa akin. Nag-aadvance naman ako sa aming leksyon kaya okay lang."

Ngumiti ito ng malapad. "Salamat naman kung ganoon. Nung sinabi nilang kulang kami sa mga nagbuluntaryo sa preparasyon ay ikaw agad ang naisip ko. Nagdadalawang isip pa nga ako eh na baka pagalitan kami ni Pres dahil madidisturbo namin ang girlfriend niya."

Nanlaki ang mata kong tumitig sakanya. "Sinong may sabing girlfriend niya ako?"

Mahina nitong tinampal ang braso ko. "Ano ka ba, para namang hindi halata."

Nangunot ang noo ko. "Huh? T-teka, 'di kita maintindihan. W-wala akong boyfriend."

Siya naman ang nagtatakang tumingin sa akin. "Weh? Talaga? Para kasing..."

"Parang ano?"

Lumiit ang mata nito at pilit na tumawa. "Mag-on kayo..."

"Ano—"

"Peace!" sansala nito sa sasabihin ko. "Kahit sino naman siguro ang makita kang nakapiggy back ride kay Pres ay iisiping may relasyon kayo. Dagdag mo pang si Pres 'yan."

Nang makarating kami sa soccer field, umupo kami sa damuhan, hinihintay ang pagdating ng iilan pa daw naming kasama.

"Bakit? Ano bang ugali ni R—Jared noon?" kuryoso kong tanong.

"Si Pres? Masungit 'yan. Maraming ayaw sa ugali niya, pero gusto naman siya," aniya habang nagbubunot ng damo. Bermuda pa naman. Tch.

"Gusto?"

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon