Chapter 6: Surprise

392 21 0
                                    

Diane's POV

“Hoy, babae!”

“Aray, bakit ba? Makasigaw, parang ang layo ko sa'yo ah,” inis na saad ko sa baklang katabi ko.

Alam na ngang nagko-concentrate 'yung tao eh, bigla-bigla na lang sisigaw.

“Itigil mo nga muna 'yang paglalaro mo! Kailan ka pa nahilig diyan? Aba't kinakausap kita, hindi mo ako pinapansin?”

“Tss,” tinapos ko na ang nilalaro ko at hinarap siya, “Ayan na, happy? Bakit ba kasi? Istorbo eh.”

Nandito kami ngayon sa condo niya, wala naman na kaming pasok at kaya ako narito ay dahil sa sinundo ako ng baklang ito sa mansion. Gusto kasi niyang sorpresahin ang mga babae. Nakakainis, ako ba, hindi ba ako babae? Hindi man lang ako sinama sa surprise. Yes, kasama na nga ako — sa mga magpa-plano. Tch!

“Hindi kita pinapunta rito para sungitan ako ah, mean ka na talaga sa akin. Huhu!” Umarte pa ito na para bang naiiyak na lalong kinainis ko.

“Umayos ka nga! Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo eh sa gusto mo silang sorpresahin dahil gusto mong magpasalamat na nakatagal ka sa grupo namin nang halos dalawang taon. Paano naman ako? Kaibigan mo ba talaga ako huh? Ako nga 'tong hinabol-habol mo noong una tapos ngayon hindi mo man lang ako isasali sa... hay, kainis!” Tumayo ako at pumunta sa kusina niya.

Wala, nagtatampo ako sa kaniya. Bad siya! Hindi niya man lang inisip na ako ang bestfriend niya. Wala na, may bestfriend na siyang iba. Huhuhu, naiiyak ako. Punas muna ng luha bago bumalik doon. Diane, ayusin mo sarili mo. Act normal, kunwari galit ka at hinding-hindi magpapakita ng kahinaan. Tama 'yan, kunin mo 'yung picher at uminom ng tubig ba—

“Beb naman eh, 'wag ka nang magtampo,” pagyakap nito mula sa likod ko na nagpahinto sa ginagawa ko.

“Hindi ako nagtatampo, Jacob Mondragon. Alis nga, kung ayaw mong paliguan kita ng malamig na tubig,” pagtataboy ko rito habang inaalis ang pagkakayakap niya sa baywang ko na mas lalo lang humigpit.

“Okay lang kung doon gagaan ang loob mo.” Aba, at sinusubukan mo talaga ako? Hmm....

“Diane!” Napalayo naman siya sa akin nang bigla kong tinapon sa mukha niya 'yung kaunting tubig na natira sa basong ininuman ko.

“Pfft! Hahahahahahaha!” Tinawanan ko lang siya habang pinupunasan 'yung mukha niya. Sakto pala 'yung tubig sa mata niya, hahahahaha!

Ngumiti naman ito matapos magpunas, “Ano, okay na ba ang beb ko?” Tanong nito na muling nagpasimangot sa akin.

“'Wag mo nga akong matawag-tawag na beb, lalo na kung kakalimutan mo lang din pala ako,” sabi ko at iniwan siya sa kusina. Naramdaman ko rin naman ang pagsunod niya.

“Diane naman eh,” pagmamaktol ko, “Sige na kasi, please? Help me with the surprise and I swear, I'll give you what you ask. Anything.”

He caught my attention, “Really? Anything?”

“Yes, anything,” sabi niya at umupo sa couch.

“Ano bang gusto mong gawin natin?” Tanong ko at nanatiling nakatayo.

“Hmm, ikaw? Gusto mo, punta na lang tayo sa El Nido?”

“What?! El Nido talaga?”

Abnormal talaga 'tong baklang ito. Ayaw ba niyang i-celebrate ang bagong taon kasama ang family niya?

“Ako naman ang magbabayad, saka if you want, isama niyo sina tito at tita. Kahit whole family niyo pa basta matuloy lang 'to,” sabi pa niya.

I frown, “Sa tingin mo, paano sila masosorpresa sa balak mong 'yan? Ano 'yon, mag-aala fairy god gay ka tapos sa tulong ng magic wand mo ay madadala mo rito sa Manila ang El Nido na makapagpapagulat sa kanila?”

Capturing MineWhere stories live. Discover now