"Some people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together."
--
/DASURI/
Ilang buwan na rin ang nakalipas matapos ang panganganak ko. Nakalabas na rin kami ni baby sa ospital. Sobra ang pasasalamat namin na walang naging kumplikasyon ang napaaga kong pagluwal sa kanya. Nakakatuwang malakas rin ang resitensya nito. Bumalik na rin si Kai sa kumpanya para ituloy 'yung naudlot nyang pagtatrabaho.
Hindi na ko nagpumilit pang maging secretary nya. Narealized ko kasi na dapat akong magtiwala kay Kai. At mas may gusto na kasi akong alagaan ngayon kaysa sa kanya. Nagseselos na nga sya minsan, nakakalimutan ko na daw kasi sya. Haha.
"Hello hubby? Papunta kami ngayon sa supermarket ni baby. May balak ka bang ipabili?" kausap ko si Kai sa cellphone habang tulak-tulak ko 'yung stroller ng baby namin. Medyo nasasanay na rin ako sa pagiging full time mommy. Akalain mo 'yun?
( Wala naman akong gustong ipabili. Pero kailangan ba talagang ikaw ang mamalengke? Pwede naman natin 'yang ipautos at ipadeliver na lang sa bahay. Gaya ng dati nating ginagawa? )
"Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka para maipasyal ko na rin si baby. Hindi 'yung lagi lang syang nasa loob ng bahay." Minsan lang kasi lumabas kaya nag-aalala ko na baka hindi nya makasanayan ang makihalubilo sa iba.
( Okay fine. Basta i-update mo ko. ) Ashush. Mula nang magkababy kami naging masyadong clingy si Kai. 'Yung iba nababawasan ang pagiging matamis pero sya hindi e. Mas dumoble pa nga ata.
"Oo na po. Sige, call na lang kita maya. Malapit na kami sa supermarket. Byeeee.."
( Bye. I love you. )
"I love you more." Ibinaba ko 'yung phone at nagfocus sa pagtulak sa stroller. Sinulyapan ko pa ang baby kong nagmamasid lang sa paligid habang may subo-subong pacifier.
"Aigoo. Kamukhang-kamukha mo talaga si daddy," oo na. Aaminin ko na. Mas malakas ang dugo ni Kai. Marami na nagsasabi kahit sila mommy. Nung una nilang makita si baby sinabi nila agad na si Kai ang kamukha. Kaya tuwang-tuwa ang tatay nito e.
"Babababa.." wika nito nang mapansing nakatingin ako sa kanya.
"Baby say o..ma. Omma." Nitong mga nakaraang araw. Nagpapaligsahan kami ni Kai kung sino unang makakapagturo kay baby magsalita. Kung omma ba o appa ang first word nya. Nakakatuwa kasi para talaga kaming naglalaro nang bahay-bahayan pero totoo 'yung baby.
"Bababa." Saad naman nya.
"Mali.. Om-ma." Pagkokorek ko rito. Pero imbes na sumunod tinawan lang ako. Naku. Naku. Mukhang may pinagmanahan 'to ah. Haha.
"Ate, 'yung sintas nang sapatos mo." Napalingon ako sa batang nadaanan namin. May itinuruto sya sa bandang paanan ko.
"Huh?" pagtingin ko sa sapatos ko. Tanggal nga 'yung sintas.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias