Chapter 2: Ice cream

1 0 0
                                    

Eanna's POV
********************

Sa tingin ko ok naman ang first day. Medyo may negative nga lang na nangyari. Nahh. Kasalukuyan kaming nakasakay sa motor ni papa. Nako excited na ako na medyo kinakabahan. This is the first day na magkaklase kami. Yiehhhh!

Nung nakarating na kami ay maaga-aga. Hindi pa naman nagflag-ceremony. Normal kase sa amin ng pamilya ko na late kami lage. Si mama nga na teacher ay laging late. Kami pa kaya.

Habang papalapit na ako sa room namin ay may sumabay sa akin. "Hey Eanna!" Si Reymar lang pala. Akala ko kung sino. Kukunti pa naman ang kaibigan ko rito. "Tingnan mo nga naman. Kaya pala iniwan ako. May kikitain pala dito." Biglaang bigkas ni Reymar. "Huh? Ano pinagsasabi mo dyan?" Tanong ko sa kanya. Baka pagkamalan pa na may mental dissorder to pagdipinansin. Nagsasalita kase ng magisa eh.

"Yun oh!" Turo niya kay Heart na may kausap na lalake. Andito na pala si Heart. Teka!? Sino yang kasama niya?! Parang classmate din namin sya?! At ano namabg problema nitong baklang to? "Bakit? Anong meron dyan? Normal lang naman ah. Syempre kaklase natin yang si boy naggetting-to-know-each-other lang sila." Sabi ko kay bakla. "Di yan getting-to-know-each-other ang peg nila besh. Baka lanjutay-each-other o di kaya landi-landian-to-each-other." Wika niya.

Dahil sa narinig ka ay lumaki ang mga mata ko. Did he..I mean did she mean na Heart is a whore o di kaya slut?!??

Nung nakita niya ang mukha na mukhang gets niya naman ay napailing siya agad. "Di besh! What I mean is magjowa yang dalawang yan." Sabi niya. Kumalma naman ako sa sinabi niya. Jowa lang naman pala. Whatttt?!!? Jowa?!!?

"May jowa na siya?!" Napasigaw ako nung narealize ko yun. Halos lahat ng dumaan ay napatingin sa amin este sa akin pala. "Yes besh, may jowa na siya." Casual na sagot niya.

"Ang babata pa natin ah? Ba't nagkajowa na siya?"

"Well, nagsimula yan. Si Heart nung grade 5 pa sya."

"Grade 5?!?!"

"Oo, grade 5. Actually ay andami na niyang mga naboyfriend. Try mo kaya magtanong sa kanya kung ilan na ang naging na boyfriend niya?"

Napatahimik na lang ako. Imaginine mo grade 5 pa lang nagcommit na agad sila ng relationship. Talagang kay kati ng budhi nitong si Heart ah!

Tumunog na yung bell hudyat na magfa-flag na. Kaya nagline na kami girls and boys every section. Nasa unahan din si Ma'am. Kinanta namin ang Lupang Hinirang na sinundan ng Panatang Makabayan at Panunumpa sa Watawat. Kinanta din namin ang DepEd Leyte Hymm na sinundan din ng Fisherie Hymm na di namin alam ang lyrics kaya tunganga ang peg naming mga freshies.

Nung natapos na ang flag ceremony ay pumunta na kami sa unang subject namin. At sa ka dahilanan na mga baguhan pa kami ay di namin alam ang mga buildings. Room 23 daw ang room kaso sa Ma'am Lim na subject teacher namin sa English. Nagtanung-tanong pa nga kami. Nakailang ikot na rin kami sa campus. Hanggang sa nagtanong kami sa may edad na na teacher. At sa sinuswerte ka naman ay siya pala si Ma'am Lim. Akala ko nasa 20 pa ang edad ng nasasabing teacher eh old hag na pala. Di ako bad. Slight lang. Hahaha!

Kaya pala di mahanap-hanap ang room na yan dahil kasali pala ito sa mga inayos na room. Kaya sa gym na kami nagklase. Umupo kami sa medyo nasa huling row ng chair. Mga coward pala tong si Heart at Reymar. Ayaw matawag ng teacher. Mukhang nagkafriend ako ng mga walang pake sa grades ah. Pero sa kinamalas malasan ay ang hina ng boses ng old hag na ito. Pabebe ma'am!?

Lumipas amg 1 hour na sobrang boring dahil sa teacher na pabebe mukhang sanay na hindi ginagalang. Walang paalapaalam na umalis kami para tumuloy na sa next subject namin. Di na kami nahirapan sa pagalam kung saan ang room dahil medyo may kasikatan pala tung teacher namin sa EsP na teacher din pala namin sa science.

Medyo may katabaan si maam at kulot di ang buhok. May pagkastrikta din ang dating niya. Pero favorite ka din siya. Millenial na millenial kung kumilos si maam. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang babaeng nakawhite t-shirt lang at nakasaya na uniform. Nakabun yung buhok niya. According to my observation ay mahiyain to at anti soical siya.

Umupo na kami sa kanya kanyang mga upuan. Si Heart at si Reymar ang magkatabi. Ako naman ay sa bagong classmate namin. Medyo nakakailang. Nagkaseatmate ang mga anti social.

"Hello! Ahh, I'm Eanna. You are?" Lunok lunok din ng pride noh. Baka mapanis laway naming dalawa kapag walang magsasalita sa amin.

"H-hi. I'm C-cyrel." Mahinang sabi niya.

Ang cute kahit mas mataas siya sa akin. Nakinig na lang kami kay ma'am at minsan ay naguusap. Sumasabay naman minsan si Heart at Reymar sa kwentuhan namin.

After 1 hour ay lumipat na kami sa next room namin. TVE. God, ano kaya yung subject na yun?

Pumunta na kami sa room namin sa TVE. May teacher dun na may edad na. Teacher Jundis daw ang tawag sa kanya.

Nagkasitting arrangement kami. Girls then boys daw. May kaliitan ang height ko kaya nasa unahan din ako. Katabi ko naman ay may kaliitan din na lalaki. Actually, mas maliit pa siya kesa sa akin. Nasa 3rd row din ako nabibilang.

Matapos ang sitting arrangement ay nagsimula kami sa introduce yourself. At matapos nun ay ahad naman nagsimula kami sa unang lesson namin.

Grabeh torture to sa pwet!! Mahigit dalawamg oras kaming uupo dito! Kaloka! May pinapasulat si ma'am na notes sa amin. Itong katabi ko naman may tinatagong kulo sa laman laman niya! Kada susulat na ako ay sinsadya niyang sikuhin ang kamay ko para magkamali ako. At si aqu naman ay nahighblood kaya lumipat ng upuan. Umupo ako sa tabi Fredjie. Maliit din siyang lalake. Gusto ko sanang umupo tabi ni Reymar kaso may katabi syang iba. Nagkaayusan naman kami kay friends na kami. Muahaha! Mukhang di na ako anti-social nito ah!

Nakaroon din akong kaibigan na si Nikko. Meron di akong natatandaang mga classmate ko noon at schoolmate sa BCS at sa kindergarten pa ako. May nakakakilala din sa akin dahil sa impluwensya ni mama as a teacher.

Nung matapos na ang 2 hours na kulitan namin ng bagong friends ko ay umuwi na kami dahil lunch break na. Sa auntie ako naglulunch kaya sumama na ako kila Heart. Tutal taga doon din sila eh. Yun din ang dahilan kung bakit nakilala ko si Heart.

Si Cyrel naman ay doon kakain kila Heart. Diba ang tibay. Closw agad sila. Iba talaga pagparehong hindi grade concious noh! Talagang magkakasundo!

Habang nagkumakain naman ako ay naguupdate din ako sa mga bagong balita ng BTS. Naku! Ako oa na die-hard-fan. Minsan rin ay naguupdate ako ng mga stories sa wattpad lalo na ang mga stories ni renesmeestories, april_avery at alyloony. Minsan rin ay kila jonaxx naman. Nakakaiyak kaya lalon na ang seventhsense ni purpleyhan. Ilang weeks din akong hindi nakapagmove on dun.

Nung malapit na mag 1 ay bumalik na kami sa school. Bumili muna ako ng ice cream para machill tong utak ko. Di kase ako nakapagmove sa Protecting the campus royalties ni baepreshy. Kaloka kaya! Ako'y kinikilig!!!! Hahahaha! Si Axiesse kase eh indenial pa ang bruha si Zae naman eh todo pakilig. Kyahhhhh!

Habang di pa ako nakaget over ay may bumangga sa akin. Shitzz! Ice cream ko! Huhuhu. Nakatingin lang ako sa ice cream kong nahulog. Sayang ang 20 pesos ko.

"Uhm.. Miss? Sorry di ko sinasadya." Napatingin ako sa nakabangga sa akin. Bumalot ang inis at lungkot sa systema ko. "Pwede bah. Tumingin ka naman sa dinadaan mo!" Sigaw ko.

Napadako ang mata ko sa T-shirt niya na white. OMG! NAMAMTYAHAN KO SYA! Nagui-guilty ako sa mga pinagsasabi ko. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at nilagyan ito ng konting alcohol. "Ikaw kase eh! Tumingin ka sa dinaanan mo..yan tuloy nagkamantsya." Mahinang sabi ko habang pinupunasan ang t-shirt niya.

To be continue...

LOVE PALحيث تعيش القصص. اكتشف الآن