Chapter Sixteen

209 24 1
                                    

Zed  Montoya

OLD FRENCH VILLAGE. Numerical system ang labels sa 15 streets ng shopping district na ito. Except sa suot ng mga customers at empleyado sa bawat boutiques, matatawag na itong authentic French village.

Maaliwalas ang panahon nang dumating ako sa gusali. Asul ang kalangitan at may dala itong sariwang hangin na humahalo sa amoy ng mga tindahan. Sa ilalim ng sinag ng araw, nasisilaw ako sa kinang ng lahat ng tinatamaan nito.

Beige and brown ang wall paints with wood panellings. Triangular ang bubong ng bawat bahay. Ang kalsada, cobblestones; hindi pantay-pantay. Masarap pakinggan ang tunog ng sapatos sa sahig: tak, tak, tak. Kinokoberan ng vines ang mga pader, gumagapang at pumapasok sa mga crack. May plant boxes ang lahat ng bintana sa second floor ng boutiques. Bawal pumasok ang kahit anong behikolo sa loob ng Old French Village.

Oras ng tanghalian kaya puno ang 3rd at 4th street kung nasaan ang food and dinning area. Dumaan ako sa 3rd street at tumapat sa bakery. Lumalabas sa bintana ang amoy ng freshly baked pastries. Puno ng customers sa loob at labas ng restaurants, lumilikha ng masayang ingay, at halu-halo ang amoy sa aking ilong.

Lumakad na ako palayo sa street. Madaling makita kung saan nagtatago si Charmaine Pradelle—iyon ang pinakamataas na gusali sa buong shopping village, overlooking ang lahat ng streets. Ang prinsesa ko, nagtatago sa clock tower. Malapit ito sa bungad ng 4th street. Sa ibaba ng clock ay isang TWG Tea Salon boutique.

Tumigil ako sa tea salon at tumingala sa clock tower. Pumasok ako sa loob at tumunog ang open/close sign sa pinto. Pumailanlan ang piyesa ni Vivaldi sa speakers at napapalibutan ako ng shelves na naglalaman ng tin cans ng loose leaf tea (kamukha ng mayroon si Charmaine sa office), boxes ng tea bags, tea accessories at kung anu-ano pa. Ang lighting ng buong tindahan, luxurious at elegant. Mayroon wooden staircase paakyat sa Tea Salon.

Yellow ang pintura ng mga pader at nakasabit doon ang frame ng mga cross stitch, pinapakita ang bulaklak at old European cities. And there was a black cat sitting on a divan, looking out the window. It didn't really took long before I realized Charmaine created all of these. Her stitches always caught me off guard.

"How can I help you today, Sir?" masayang bati ng waiter, hawak ang menu.

"Yeah. I need your help with something," ngumiti ako, "Nasaan si Charmaine Pradelle?"

Saglit nabura ang ngiti ng waiter, pero agad ding bumalik. "Anong sinabi ni Atticus sa kaniyang anak?"

Kumunot ang noo ko. "What?"

"The code, Sir. It must be answered correctly by anyone who wished to disturb Miss Pradelle. This restaurant branch belongs to her so she can be left alone with her crafts, and it vexes her so much, being disturbed for no apparent reason."

Naalala ko ang sabi ni Beatrice tungkol sa passcode. Sa tuwing may hinaharap na malaking problema si Charmaine, hindi siya lumalapit kahit kanino para magkwento tulad ng ginagawa ng isang normal na babae sa kaniyang edad. Ito ang trip niya: magkulong sa clock tower at gumawa ng cross stitch. Minsan, doon daw siya tumitira ng ilang araw noong teenager pa siya. It was like her own studio apartment.

"The code, Sir?"

"Uhm... It's a sin to kill a Mockingbird."

Ngumiti ang waiter at tumango. "Please, follow me."

Sumunod naman ako. Umakyat kaming dalawa sa hagdan at bumungad sa amin ang dinning tables—puno ng customers. Nagsasalin sila ng mabangong tsaa sa kanilang tea cups, sineserve ang sandwhich, at French macaroons sa three-tiered stand. Dito sa second floor ang Tea Salon.

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon