Chapter Eighteen

172 28 3
                                    

Charmaine Pradelle

IF THERE WAS anything worse than Korean pop songs, it's called electronic dance music. Ayokong maging traydor sa Millenials, pero... Sorry. I didn't mean to shame any genre but I failed to grasp why the word dance was repeatedly being sung in a song all over, comprising the whole lyrics for the verse and chorus but in a different pitch and note as if that made a huge difference. And I was expected to throw myself on the dance floor to make-up for those stressful days, when the song itself was making my head boggarts.

Gusto mo ba sumayaw, Charmaine, tanong nila.

NO.

Kaya heto, nagbabantay ako ng gamit nila sa lounge area. At tinitigan ako ng dirty old man sa kabilang table. Medyo natatakot ako na lalapit siya para kausapin ako.

Lumingon ako para silipin kung tumitingin pa rin niya.

!!!!

Agad akong nag-iwas ng tingin.

Sa takot ko, nakita ko siyang tumayo sa aking peripheral vision, lumakad papunta sa direksiyon ko.

Oh, my God. I could not even with this D.O.M. My heart was humming like a bass guitar, I was so scared. Sabi ko na nga ba! Hindi na dapat ako sumama sa birthday ni Danica. Matapos nang nakita ko sa parking lot, bigla akong naawa. Ang bastos ng pinsan ko sa birthday girl. Kaya desidido akong sumama ngayon.

But did I looked like a club rat? For crying out loud! My hobby was cross stitch, I take my tea like a British, Mozart was my life saver, and I definitely had no passion for fashion. The two most dangerous thing I ever did were climbing trees, and falling in love. Seriously, I was like a grandmother, fighting osteophorosis and catarata until my dying day.

"Anong ginagawa ng katulad mong magandang binibini sa sulok? Gusto mo ba sumayaw?" Hinawakan niya ako sa balikat.

Ahhh!!! Yuck! Yuck! Amoy sigarilyo siya at kasing lagkit at dumi ng kaniyang titig ang mga daliri niya. Eeew!!!

Magalang kong sinupalpal ang attempt niya. "Sorry. I'm not interested. Please, leave me alone."

"Ay, conyo! Siguro nakatira ka sa Narra City, hane? Mukha kang mayaman. Tulad ko," ang walang-hiya, inakbayan ako, "Halika, bebe. Doon ka na lang sa table namin. At least kami, hindi ka namin iiwan mag-isa."

"I said I'm not interested!" tinulak ko siya, "Please, Sir. Leave me alone."

DOM grabbed me by my wrist and yanked me up. "Halika ka na. Let's have a good time."

"Tatang, may problema ba?" His voice cut through the noise. We heard him loud and clear.

Lumapit si Zed at tinapatan si DOM kahit pa mas mataba at matangkad ang bastos kaysa sa kaniya.

Tsk! Pamilyar ang eksena na 'to sa mga cliché movies. Anong gagawin ni Zed? Kamukha ni DOM si Goliath at isang tulak lang, hahandusay sa sahig si Zed. Ang mabuti pa, tumawag siya ng bouncer na nasa entrance.

"Naliligaw po ba kayo? May maitutulong ba ako, Tatang?" banat ni Zed, "Ayaw niyang sumama sa 'yo. Baka pwedeng bitiwan niyo siya."

"Boypren ka ba? Paano kita seseryosohin kung may suot kang pineapple Hawaiian blouse at tsinelas?! Doon ka sa labas, lumangoy ka sa dalampasigan. Iwan mo ang babaeng 'to sa mga big boy, Totoy. May gatas ka pa sa labi."

Sa ilaw ng lazer lights, kita ko kung paano maglisik ang mga mata ni Zed, tinagis niya ang bagang, kinuyom ang mga palad. Masama ang tingin niya kay DOM.

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon