Kabanata 5.

48.8K 1.2K 115
                                    


Guia:

"Tapos na kayo? Kung magtutukaan kayo wag dito ha pwede?" At pabalang kong isinara ang malaking pintuan.

"Mga bwiset!" Iritableng sabi ko. Mag lalampungan na nga lang sa harapan pa ng hacienda. Padabog akong nag martsa hanggang sa makarating ng library room. Inituan ko ang inis sa paghahanap ng magagandang libro.

"Ano bang pwedeng mabasa dito?" Abala ako sa paghahanap hanggang sa makita ko ang isang laptop na bukas.

"Oh sinong nag iwan nito dito?" Takang tanong sa sarili. Hindi pamilyar sa'kin kung kanino 'yon. Bumili ba ang papa ng bagong laptop? Takang tanong ko muli sa sarili.

Dahil sa sobrang pagka bagot ay lumapit ako sa swivel chair ng papa. Bukas ang laptop at nangangati na ang mga kamay kong pakialaman ito. Bakit ba? Bagot ako!

Nakapwesto na ako ng bigla na lamang tumigil ang mundo ko.

"What is this?" Nakita ko lang naman ang picture ko na wallpaper mismo ng laptop. Gusto ko pa sanang halungkatin ito nang biglang may mag salita.

"What are you doing here?" Malalim at baritono ang boses na siyang nag pasindak sa'kin at napabalikwas ng tayo.

"N-Ninong?" Parang umurong ang dila ko. Kaagad niyang binunot ang saksakan ng laptop. Kumpirmado na sa kanya nga ito.

"What brought you here?" Inis na tanong niya.

"Uhm boring?" Napangiwi ako. Hindi ko alam kung bakit ko pa kasi pinakialaman ang hindi sa'kin. Pero bakit ba? May karapatan ako dahil picture ko ang nakita ko!

Napailing ito at huminga ng malalim.

"Why you have my picture?" Diretsong tanong ko. Napatingin naman ito at nagtataka.

"What?" Nag mamaang maangan pa!

"May picture ako sa laptop mo Ninong." Pinag diinan ko ang huling kataga. Natawa naman siya ng malakas at lalong nagpabwiset sa'kin. Inilapag niya ang laptop at isinaksak ang battery nito.

Ipinakita niya sa'kin hanggang sa mabuksan ito. Nagulat ako, wala ang picture ko. Pero teka lang? Papanong nangyare 'yon?

"Kanina nandiyan ang picture ko. Wallpaper mo pa nga eh." Iritableng sabi ko.

"Bakit ko gagawing wallpaper ang mukhang yan?" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Napaka kapal talaga ng mukha.

"Oh I remember!" At pumunta sa gallery. Ini-scan isa isa ito hanggang sa makita ko na nga ang picture ko. Nadismaya ako dahil group picture ito. Si Papa at ako. Hindi ko lang napansin kanina dahil naka zoom in mismo sa'kin kaya buong akala ko'y ako lang.

"Your dad gave me this picture. Don't assume too much Guia." Napapailing ito at kinuha ang laptop. Naiwan naman akong nakatulala sa loob ng library room hanggang sa tuluyan na siyang makalabas.
Napasigaw ako ng malakas dahil sa pagkabwiset.

"I hate you Fabian!"

Ibinalibag ko ang upuan sa galit. Bwiset na lalaking 'yon. Anong ibig sabihin niya sa wag akong mag assume? Ang kapal ng mukha! Walang hiya!

Sinuntok ko ang salamin sa sobrang galit. Oo galit ako sa hindi alam na dahilan.

"Ugggghhh! Fuck you!" Sigaw ko muli. Pumatak ang sariwang dugo sa sahig dahil sa bubog ng salamin. Hindi ko naman naramdaman ang kirot dahil mas nangingibabaw ang galit.

Maya maya pa'y nakadinig ako ng tumatakbo papunta sa library.

"Senyorita!" Isang kasambahay na nag aalala. Nakita niya ang mga bubog at dugo ko sa sahig.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon