8

1K 84 24
                                    

Vincent Pov.

Paglabas ko ng kwarto doon ko na rin nailabas ang luha na kanina pa gustong lumabas.

Nasasaktan at nahihirapan ako na muling kuhanin ang loob nya. Pero alam ko deserve ko itong nararanasan ko ngayon. Pero sana binigyan nya ako ng chance na ipaliwanag ang side ko.

Ang totoo at buong pangyayari.

Flashback.

Nagpasyang lumipat ng pilipinas ang mga magulang ko dahil mas maganda at mas malaki daw ang kikitain namin dito.

Kaya wala akong nagawa kundi dito na rin mag-aral.

Hindi naman ako nahirapan dahil agad din akong nagkaroon ng mga kaybigan. Bali apat kami sa grupo. Si Jason si Mariz at si Carol. Hindi naman lingid sa akin na may gusto sa akin si Carol. Maganda sya, sexy pero hindi ko type. Alam nya yon, hindi ko kina-ila sa kanya na ayaw ko sa kanya.

Okey naman lang daw sa kanya.

Ganon ang araw-araw ko. Hindi ko masasabing araw-araw akong pumapasok kasi hindi naman kami nagtatagal sa school. Madalas unang subject lang napapasukan namin.

Boring kasi.

Bukod kay Carol, marami pang nahuhumaling sa akin. Halos lahat yata ng babae sa school na iyon ay pilit kinukuha ang pansin ko. Pero tulad ni Carol hindi ko rin sila gusto.

Wala pa sa plano ko ang seryusong relasyon at ayaw kong magka-girlfriend.

Ayaw ko kasi yong may nakabantay at magbabawal ng gusto kong gawin. Gusto kong maging malaya.

Untill i meet her.

Unang kita ko pa lang sa kanya alam kong may iba.

Iba rin sya sa mga babaeng nakilala ko dahil na marahil sa boyish type sya. Minsan ko syang nilapitan pero inisnab lang ako.

Hanggang sa nakita ako ng tatlo at pinagtawanan. Doon nabuo ang deal na kapag hindi ko nakuha si Sydney babayaran ko sila ng tig-iisang milyon pero pag nakuha ko naman daw sya. Ako naman ang magkakaroon ng tatlong milyon.

One More ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon