[81-82]

1M 20.3K 6.7K
                                    

CHAPTER 81: BLOOD SUCKER

GAIL’S POV

“You look so bothered. Problema?” Nathan asked me to break the silence. Nandito kami ngayon sa tabing-dagat, pinapanood ang alon sa dagat.

“Wala, I’m okay. Don’t worry, Yam.” I smiled at him as an assurance.

“Yam, kilala na kita. Now, tell me, what’s bothering you?” Napangiti na naman ako sa kanya. Kilala niya na talaga ako sa two years na pagsasama namin.

“Wala, may mga naalala lang. Memories from the past, pero wala na yon.” Iiling-iling na sabi ko.

“Ahh, sige.” He chuckled a bit. “Ahh Yam, kamusta ang trip kasama si Kurt?”

Napaismid ako bigla. Tuwing naiisip ko yung kanina, nabwibwisit ako. “Well, nothing much. Nagkabwisitan lang. I didn’t expect na siya ang magsusundo sa akin then suddenly malalaman ko nalang na napagtripan kami? Wow diba?”

“Ako din, nagulat. Nagtext si Chloe kagabi na 8 A.M ang flight natin tapos------“

“What?! Kurt texted me last night na 11:30am daw ang flight natin? Tss. Napagtripan nga.” I rolled my eyes.

“Ah, kaya pala sapilitan nila akong isinakay sa van kanina.”

“Huh? bakit, anong nangyari?”

 

***FLASHBACK***

 

NATHAN’S POV

7:30 a.m pa lang, ready to go na ako. Mahirap na, kailangang on time ako kasi makikisama lang naman ako sa kanila. Naisip ko bigla si Gail. Ah malamang, susunduin rin siya gaya ko. Tinext kasi ako kagabi ni Chloe na susunduin nalang daw ako dito sa bahay at sabay-sabay na kami pupunta sa airport.

“Paki-greet nalang ako kay Kaye Anne ng happy birthday ha?” Sabi ni Ate Lie habang kumakain ng carrot cake na bake ko sa living room.

“Ah, sige.. Ate, yung pasalubong mo na sa kwarto ko. Pakikuha nalang, nakalimutan kong iabot sayo kagabi.”

“No, nakuha ko na habang natutulog ka kagabi. Salamat ha?”

-____- Wow, invader ampots!

Car beeps…

“Sige na Ate Lie, alis na ako. Andyan na sila.” Paalam ko habang inilalagay sa likod ko  ang dala kong back pack.

“Palawan diba? Pasalubong again, Nathan ha? Hihihi!”

“Oo na..”

Palabas na ako ng pinto nang may naalala ako. Magdadala pala ako ng carrot cake at cupcake para kay Yam. Pagkatapos kong kunin sa ref ay tumakbo na ako palabas. Nakita ko silang lahat na nakatayo sa labas, yung iba naman nakaupo sa pavement. Mukhang may kulang.

“Yow dude, morning,” bati sa akin ni Derrick.

“Ahh, morning,” bati ko sa kanila, then I faced Kaye Anne. “Happy birthday, Kaye Anne.” I handed her a paper bag, a present to be specific which I bought when we were travelling in Thailand. Naalala ko siya nun kaya binilhan ko siya ng elephant na stuffed toy.

Tinanggap niya naman ito, a genuine smile appears on her lips and said, “Thank you, Pandak!”

Takte! Naalala ko bigla yung ano…..

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon