Chapter Twenty-Two

196 22 2
                                    

Charmaine Pradelle

ANG MGA lalaking nasa edad ni Zed, pumupunta sa fitness gym, naglalaro ng online at offline games, obsessed sa mga sasakyan, at iba pang stereotype. Nandito pala siya sa bahay niya sa mga ulap, abala sa kaniyang imbensiyon. Palagi siyang nandito sa laboratory gabi-gabi.

Akala ko sa aming dalawa, ako na ang pinaka weirdo. Tinalbugan ako ni Zed sa larangan ng kababalaghan. Kahit sinumpa ng isang mangkukulam ang bawat patak ng dugo na dumadaloy sa katawan ko, hindi ako naniniwala sa tadhana. Pero nakikita ni Zed ang tadhana ko dahil sinulat daw iyon ng Diyos sa mga palad ko. Pero minsan, kailangan ng konting tulak at budbod ng mahika para matupad ang tadhana ng isang tao. Iyon daw ang purpose ni Zed sa buhay niya. Ginagamit ni Zed ang talento para tulungan ang mga kaibigan at kakilala niya sa lupa na abutin ang sarili nilang potential.

The bird house was moving to the east, going against the rest of the clouds up here in the blue sky. Nasisilaw ako sa liwanag ng ulap hanggang sa nasanay ang mga mata ko. Maya-maya, may naanigan akong imahe. Lumalaki nang lumalaki, palapit kami ng palapit. Kumalat at numipis ang mga ulap hanggang sa lumitaw ang kanilang tinatago: isang archipelago—grupo ng mga isla, sabay na umaandar papunta sa aming direksiyon.

Parang mga pirata na naglalayag sa karagatan, naglakbay kami ni Zed pasalungat sa direksiyon ng hangin at ulap para hanapin ang isa pang siyudad kung saan siya lumaki at nagkaroon ng malay: ang Olympus City.

Kahit sino naman ata, lalambot ang tuhod at matutunaw ang puso sa prospect na mayroong lihim na siyudad na nagtatago sa mga ulap, umaandar at sinusundan ang sikat ng araw, malayo sa abot ng mga tao. Bukod sa Amerika, doon lumaki si Zed Montoya—sa siyudad ng mahika at salamangkero.

Sa malapitan, tanaw ko ang malaking bula na nagsisilbing protective layer ng siyudad—tulad ng bula na bumabalot sa Bird House. Sa sobrang laki, kitang-kita ang ROYGBIV ng rainbow na siyang lumilitaw dahil tumatama ang liwanag ng araw sa malaking bula.

Nahagit ko ang sariling hinga kasi bubunggo ang aming bubble sa protective layer ng siyudad. At ewan ko kung paano i-hahanda ang sarili sa magaganap na salpukan ng mga bula. Humigpit ang kapit ko sa braso niya at pumikit.

PAK!

"Ah!" sigaw ko matapos marinig ang malakas na kalabog, dumiin ang aking mga kuko sa balat niya sa sobrang kaba. Kasing tunog nito ang pumuputok na lobo. Pero mas malakas.

"Charmaine, it's okay now. Open your eyes."

And when I opened my eyes, there it was, spread right in front of me. All my life, I was too ignorant to know that the secret city lay outside my window, above my head, hidden in the majestic beauty of the sky. In all shapes and sizes, up and down, countless islands scattered within the huge bubble which protected everything from cold and harsh wind.

Tandang-tanda ko pa ang Olympus City at hindi ko ito malilimutan. Walang kapares. Walang kasing ganda. Paradisong matuturing ang siyudad ng mga salamangkero. Halos mabali ang leeg ko kakalingon sa iba't-ibang direksiyon. Hanggang sa natuon ang attensiyon ko sa isang partikular na isla. Patag ito at pulos berdeng damo. Ang isla nila ang nasa unahan ng kanlurang parte ng bula. Naroon ang limampung nilalang. Iba-iba ang itsura nila. Caucasians, Africans, Asians, Arabs... Babae at lalaki, parehas ang suot nilang uniporme: mahabang bestida at makulay na palda. Higit sa lahat, maayos ang formation nila kaya hindi sila nagkakasabit-sabit at nagtatamaan habang sumasayaw. Perpekto at synchronized ang kanilang mga galaw. Anong ginagawa nila? Bakit sila sumasayaw?

"Kinokontrol nila ang daloy ng hangin," sagot ni Zed kahit hindi naman ako nagtanong. Tinignan lang niya ang pinapanood ko at alam na niya. "Sa bawat kumpas ng kamay at palda nilang lahat, tinutulak nila ang buong siyudad gamit ang hangin sa labas ng bula. Tulad ng sagwan sa bangka. Kailangan sumagwan para gumalaw ang bangka sa ilog. Ganoon din kami. Sila ang sumasayaw sa hangin para gumalaw ang siyudad dito sa langit."

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon