Chapter Twenty-Three

188 23 3
                                    

Charmaine Pradelle

LUMABAS na kami ni Zed sa Department of Sorcery. Litong-lito ako sa dami ng nakita at natutunan ko ngayong araw na 'to. Tapos tanghali pa lang. Tinanong ni Zed kung gusto ko kumain pero busog pa ako. Kaya giniit niya na dalawin namin ang unibersidad kung saan siya nag-aral.

"May isa pang unibersidad?" tanong ko, "Yale at Harvard University. Buong buhay mo, nag-aral ka?"

"Pero iba ang unibersidad dito sa siyudad. Hindi 'to katulad ng mga paaralan sa lupa na uupo ka sa armchair, kaharap ng black board, nakikinig sa guro, gumagawa ng assignment, at nagsasagot ng exam. Maglalaway ka sa inggit 'pag nakita mo ang unibersidad ng Olympus City."

Lumilipad kaming dalawa, nilalampasan ang mga isla, hanggang sa lumapag kami sa isang malawak na orchard farm na umaabot ng anim na ektarya o anim na football fields. Maraming tao doon, pumipitas ng prutas sa mga puno, halaman, at palumpong. Hilera nang maayos ang mga ito kada pasilyo. Nakatayo ang mga hardinero sa bawat pasilyo. Masasabi kong hardinero sila dahil sa suot na overalls, long sleeves, gardening gloves, at straw hat. Nagbabantay sila doon at hindi gumagalaw. Sa tingin ko, binabasa niya ang utak ng mga taong pumipitas ng prutas sa pasilyong binabantayan nila.

Tumingala ako sa malaking golden archway at binasa nang malakas ang pangalan:

"University of Power," bulong ko. "Really?? I see no buildings or classrooms. This is an orchard farm for food production. Paano 'to naging university?"

Hawak-kamay kaming pumasok sa unibersidad at naglakad sa mga pasilyo ng bukid. Naroon ang mansanas, peaches, saging, buko, ubas, variations ng berries, orange, watermelon, plum, kiwi, peras, mangga, avocado... Sama-sama ang mga bata na sa tantiya ko ay 6-years-old. Nandoon sila sa puno ng mansanas, lumulutang sila para pumitas ng prutas.

Ngumiti si Zed habang pinapanood ang mga bata. "I suddenly remembered the good old days. I was just exactly like them when I ate those apples, hanging in the tree branch."

Habang inuubos ng isang batang babae ang mansanas, tumatabingi ang ulo niya kaya nawawalan siya ng balanse at umaayos ng lipad sa ere.

"When young magical beings reached the age of six, they will be expected once a year to eat fruits in the University of Power. And then, she will go out of the orchard farm to apply what she learned about the world."

"Ano namang matutunan nila?" tinignan ko ang mga bata, "Wala naman silang ginagawang makabuluhan. Kumakain lang sila ng prutas."

Tumigil kaming dalawa ni Zed sa pasilyo ng mga mansanas. Kaharap namin ang isang mayabong na puno.

"Charmaine, those are not just any fruits. Each bite, each flesh, and each drop of juice from those fruits will give complete and comprehensive mathematical, scientific, divination, and literary knowledge to a 6-year-old child. And when she finishes the whole entirety of the fruit, her head will get heavier and heavier. She will now understand the arithmetic wonders and measures of the world and she would be expected to go back home, look down from the sky and watch life down on Earth. It will go on and on. And by the time she reaches the age of 10, she would have learned what a 21-year-old human knows about the world, and probably even more."

Kaya pala tumatabingi ang ulo ng mga bata habang kumakagat sila sa mansanas. Bumibigat ang ulo nila dahil sa kaalaman na hatid ng bawat kagat sa prutas.

At hindi lang iyon. Mukhang libre ang edukasyon nila. Ang presko ng buhay nila dito. Libre ang lahat. Samantala kami doon sa lupa, may mga batang kasing edad nila ang nagdudusa. Hindi makapag-aral kasi walang pagkain. Mga batang palaboy at payatot. Dito, pumipitas lang sila ng prutas, natututo pa sila.

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon