PROMISE, THIRD STAGE OF LOVE

235 23 2
                                    

PAGOD NA PAGOD si Charmaine Pradelle sa lahat ng natuklasan niya ngayong araw na 'to. Iniisip niya ang kaibahan ng buhay niya noon at buhay niya ngayong alam na niya ang totoo sa pagkatao ni Zed. Minsan, sumasagi sa isip niya ang tungkol sa pagkatao ko at mga kalahi kong salamangkero: saan kami galing, saan kami nakatira, at ano ang kahinaan namin.

Wala sa hinagap niya na nagmahal siya ng isang kasapi ko.

Talagang ayaw na niyang bumalik sa kanilang estate. Iniisip niyang magkulong sa sarili niyang tore, o tumira kahit saan basta malayo sa kaniyang pamilya. Mabait na inalok ni Zed ang kaniyang tirahan sa kaniyang nobya habang nag-iisip pa siya kung saan titira.

Matapos bumisita sa ulap, bumalik sila sa apartment dahil giniit ng binata na kailangan nilang tapusin ang market research sa lambanog dahil deadline na nito bukas sa donor.

Bago sila umakyat sa mga ulap, tumawag si Zed sa kanilang opisina at nagsabi na hindi muna sila papasok ni Charmaine para tapusin ang market research sa labas ng opisina.

Natatawa ako panoorin ang dalaga na mag-effort na patahimikin ang ingay sa utak niya. Rinig ko kasi. Buhay ang diwa ni Charmaine sa mga nalaman. Pero heto, babalik pa din siya sa lupa para ipagpatuloy ang buhay niya na parang walang nangyari. Tulala siya sa screen. Nganga. Hirap siya mag-isip nang maayos. Si Zed na ang tumapos ng kanilang reports at sinend ng binata kay Niki Earle via email.

Lumubog na ang araw nang matapos sila sa kanilang market research. Gumamit sila ng telepono para umorder ng pagkain sa Chinese restaurant na nasa ibaba ng apartment building. Sabay pa sila kumain. Naisipan ni Charmaine na bumili ng mga damit niya na susuotin. Pero pinigilan siya ng binata.

"Gabi na. Wag ka na mag-abala," sabi ni Zed, "Mayroon akong fashion magazine na nandoon sa rack ng livingroom. Kaso lumang edition na. Noon pang 2000s. Libre lang 'yan sa grocery store. Buy one, take one ng motor magazine."

"Anong gagawin ko sa fashion magazine? Pipili ako ng damit tapos gagawin mo?"

"Tumpak."

Rinig ko ang lihim na paghanga ni Charmaine. Wala siyang sinabi kasi hindi naman siya vocal sa mga iniisip niya. Introvert. Hinanap niya ang lumang fashion magazine sa rack. Agad naman niya itong nakita. Puno ng alikabok. Kinuha niya ang basahan at pinunasan ang mga pahina saka siya namili.

Matapos pumili ng mga damit, pinuntahan ni Charmaine ang binata sa bedroom. Naabutan niya si Zed na kakalabas lang ng bahanyo, katatapos lang magshower at humahalimuyak ang amoy ng sabon, suot niya ang simpleng puting t-shirt at itim na pajama. Gamit ang tuwalya, pinupunasan ni Zed ang mahaba niyang buhok at nagtama ang mga mata nilang dalawa. Saka lumapit si Charmaine at pinakita ang mga damit na gusto niya.

Gusto ni Charmaine ang mga simpleng bestida na konserbatibo, dalawang pantalon, mga blouse....

....panti at bra.

Tinagis ni Zed ang mga bagang at hinawakan ang magazine, yumayanig nang konti ang mga daliri.

Nang makita ang reaksiyon ng binata, saka lang din rumehistro sa dalaga na parang may mali. Tinitignan ni Zed ang lingerie section sa fashion magazine. Panties and brassieres. Terno. Polka dots. Black. White. Yellow.

"Uhm..." utal ni Charmaine. This is so awkward, aniya sa isip, Asking him to make my undergarments is like summoning the proverbial beast. "Forget about ladies garments. Bukas na lang ako magsusuot ng panti at bra. Bibili ako sa shopping mall."

Tumaas ang mga kilay ni Zed at bigla siya napangiti. "Anong susuotin mo ngayong gabi?"

Bumilog ang mga mata ni Charmaine. Ah!!! Ang tanga ko! Bakit ko sinabi 'yon?!

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon