CHAPTER 31: I wanna be with you.

28.8K 369 17
                                    

CHAPTER 31: I wanna be with you.

 

ALEXIS P.O.V

 

 

Maaga kami umalis ni Matthew sa bahay siguro mga 7am? Antok pa nga ako eh! Pero syempre dahil hindi niya ko tinigilan hanggat hindi ako nagigising ayon na kasama niya ko ngayon sa office niya, nakakainis inaantok pa talaga ko, pang gabi nga ako sa coffee shop ngayon pero ang aga ko naman gumising ngayon..

Sulat..

Sulat..

Sulat..

Kung ano anong sinusulat ko ngayon dito sa notebook ni Matthew, ewan ko kung para san ba ‘tong notebook na ‘to basta ko nalang kinuha.. Nasa meeting siya ngayon, sabi niya sandali lang daw yon pero hello?? 2 hours na ko dito sa office niya wala parin siya..

*BOGGGSSHH!*

O_O

Napatingin ako sa may sliding door at pumasok si Matthew na hinihila yung tie ng uniform niya nakasimangot siya, kasunod niya yung lalaking nakita ko dati sa elevator!!

“WALA KANG KARAPATAN NA IPAHIYA AKO SA HARAP NG MGA EMPLEYADO KO MATTHEW!!” – sigaw nung lalaki, nakakatakot yung sigaw niya.

“Wala?! Pinatulong niyo ako dito sa kumpanyang ‘to pagkatapos ano?! Hindi mo tatanggapin yung mga suggestions ko?!” – sigaw ni Matthew, galit na galit rin siya.

Habang ako nakatingin sakanilang dalawa, hindi pa ata ako napapansin nung lalaking kausap ni Matthew.

“Suggestions?! Yung mga bulok mong suggestions?! Sa tingin mo ba malaki yung maitutulong nung sinasabi mong plano sa kumpanya na ‘to?! Malaki ang isasakripisyo mo!!”

“Hindi mo nakukuha yung point ko Dad!! Hindi tama na palayasin mo yung mga nakatira dun sa village na yon para lang itayo dun yung planta!! Dad ang daming options! Bakit dun pa?!!!”– sigaw ni Matthew..

Daddy niya yung nakakatakot na lalaki..

“Iniisip mo yung mga nakatira dun?! Matthew! Pag aari natin yung lugar na yon at wala silang karapatan na tumira dun! Kaya palalayasin ko sila sa lalong madaling panahon!” – sigaw ng Daddy niya,hindi ko maintindihan kung anong pinag uusapan nila, pero parang ang sama sama ng Daddy ni Matthew..

“Halimaw.” – bulong ni Matthew.

“Anong sinabi mo?!!” – sigaw ng Daddy niya saka lumapit sakanya at kinuwelyuhan siya.

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon