Kabanata 4

912K 33.3K 24.2K
                                    




Kabanata 4

Coward

Hindi matanggal sa isipan ko iyong nangyari. Gusto kong isipin na baka tama si Leandro at hindi pa ako handa. Pero ano nga ba ang pakiramdam ng pagiging handa? Do you wake up one day and realize that you're ready for a relationship?

Noon bang nagising siya sa unang araw niya sa pagiging kolehiyo, naisip niya kaagad na handa na siyang magkaroon ng girlfriend? Kaya niya girlfriend ngayon si Keira?

Thinking about Keira somehow bothered me. I liked her but for some reason, my perception of her is mixed with some other foreign feeling.

"Sabay tayong kumain mamaya!" deklara ni Ralph nang nakatabi sa akin.

Bumuntong-hininga ako. Ganito ba talaga kapag may boyfriend? Gusto kong mag-isip at mag muni-muni tapos bigla siyang susulpot?

Isang linggo na simula noong nangyaring surpresa niya. Hindi pa humuhupa ang usap-usapan tungkol doon. It was all dreamy for them pero ang hindi nila alam, naging medyo demanding si Ralph.

"Tayong dalawa lang, please," dagdag niya.

Noong una, ayos lang naman na kaming dalawa lang. At pinagbigyan niya naman ako nang sinabi kong puwede bang sumama siya sa amin nina June at Nan sa cafeteria. Naka dalawang araw siguro siyang sama sa amin nang muli niyang nirequest na gusto niyang kaming dalawa ulit. At nami-miss ko na na kaming tatlo lang muna ni June.

When I told him that I want to be with June and Nan for that day, he got mad at me for it.

"Ano? Mas pipiliin mo sila kaysa sa akin?"

"Huh? I just want Nan and June like the usual. Magkasama naman tayo kahapon, ah?" naiirita na rin ako.

"Boyfriend mo ako, Chayo!"

Is this really part of it? Why will I have to compromise?

"Oo, pero lagi na tayong magkasama! Wala na akong time para sa mga kaibigan ko!" giit ko.

"Hindi ka ba masaya na magkasama tayo?"

"M-Masaya pero gusto ko na munang makasama sina June at Nan!"

"Baka nagsisinungaling ka lang. Ang totoo, hindi ka talaga masaya na kasama ako. Mas pipiliin mo ang mga kaibigan mo! Sige! Sumama ka na sa kanila!" he then left me after the argument.

Uwian nang sinuyo niya ako. Sa totoo lang, ayos lang sa akin na hindi na muna ako suyuin ni Ralph. It's suffocating to see him all the time. Sa classroom, nagkikita kami. Sa cafeteria, magkasama. Kapag pumupunta ako sa library, nandyan din. Naghihintay ako kay Kuya, naghihintay din siya. Lahat na lang ba ng gagawin ko, nariyan siya?

Nakakairita! I wonder if it was better to have Simon as my boyfriend, instead? He texted me last night, hindi raw siya susuko. He still likes me. Maghihintay daw siya.

Naisip ko tuloy... he says the right words at the right time, too, huh. Kasi kung kailan siya muling nagtext sa akin, doon pa sa mismong mga araw na medyo nagdududa ako sa desisyon ko kay Ralph.

Umayos din kami kahapon nang suyuin niya ako. Nag sorry at tinanggap ko naman. Kaso heto na naman siya ngayon.

"Tayong dalawa lang muna, Chayo. Pambawi ko sa'yo kahapon sa pag-aaway natin," aniya.

His offer seems tempting. Unti-unti akong pumayag.

Ang sabi niya, sa Kiosk na kami kakain. Kaso ayaw niya sa JHS building dahil mas'yado daw maraming chismosa. Sang-ayon naman ako sa sinabi niya. Hindi rin naman puwedeng sa Senior High at laging punuan doon.

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon