Prologue

483K 9.7K 8.5K
                                    




PROLOGUE

IT WAS a cold lonely night, the stars aren't bright, it's very unusual. Dwaye's in the balcony of his suite at Isla Fuentes, holding a glass of vodka.

Humampas ang maalat na hangin, sa kalayuan ay tanaw niya ang marahan na hampas ng alon sa dalampasigan. Isang buntong hininga bago siya sumimsim ulit ng alak. Kasabay nang pagpikit ng kanyang mga mata ay lumitaw ang malinaw na imahe ng kahapon.

MARAHAS ang pagbukas ng pinto, kasing rahas ng pagkakahawak sa mga braso niya ng dalawang armadong lalaki. Ang nakapiring na mga mata ni Dwaye ay hindi nakakatulong para mapamilyar siya sa lugar kung saan siya dinala ng mga estranghero.

Umigting ang panga niya nang ibalandra siya ng dalawa sa sahig, ang pagkakatali sa mga kamay niya sa likod ay tila ba nagpapatigil sa maayos na pagdaloy ng kanyang dugo. Ang mga galit na ugat ay mas lalong nadepina.

Ilang sandali pa ay bumukas muli ang pinto at sumara, ang mga yabag ay nawalang parang bula. Sa gilid niya ay narinig niya ang kaluskos, tanda na hindi siya nag-iisa sa lugar na 'yon.

"Who are you?" Dwaye asked, looking on the right side as if he's seeing whoever the person he's with.

"D-Dwaye..." A familiar shaky voice of a woman made his jaw clenched dangerously. "Is...is that y-you?"

"Yes, don't worry now." His voice softened. "You'll not be alone anymore."

Heaven knows how much he wanted to comfort her, he can feel that she's very scared. Bakit nandito ito? Hindi dapat! Hindi pwede!

Isa pang kaluskos ay naramdaman niya na ang nangangapa at nahihirapan na paglapit nito sa kanya.

"Dwaye," Then she started sobbing.

The woman threw herself to him, searching for comfort.

Sa kabila ng kadiliman, ramdam ni Dwaye ang takot at pangamba sa babaeng kasama. Her head is on his chest, dikit na dikit ang katawan nito sa kanya, natatakot sa kung saan. Ngunit ang mga kamay ay tila nakagapos din katulad niya, nakapiring din kagaya niya.

"Hush," Alo niya at hinalikan ang ibabaw ng ulo nito. "Huwag ka nang matakot, nandito ako."

Ang pagtango-tango nito ay nagsasabi na nagtitiwala ito sa kanya sa mga sandaling 'yon. Like as if she was giving him the privilege to take good care of her and to be her savior. She's trusting him now.

A trust that Dwaye's wanted her to give to him ever since.

A LOUD SLAM of the door made him woke up from his reverie. Sinipat ni Dwaye ang pagsara ng pinto ng bathroom tanda na may pumasok do'n. Ibinaba niya ang baso ng alak sa lamesa at kinuha sa ibabaw niyon ang sigarilyo at lighter.

Nakakailang hithit palang siya ay may umagaw na niyon sa kanya.

Amuse, he looked at the woman beside him, pinag-aapakan nito ang sigarilyo hanggang sa mamatay ang baga.

"Ang sabi ko bawal manigarilyo kapag kasama mo ako!" Sermon nito sa kanya, gigil. Lukot kaagad ang magandang mukha.

Her messy bun looks sexy on her. She's covering her nighties with silky maroon robe. Maybe the reason why he cannot sleep is because he's with this woman in one bed!

But who's to blame? He was the one who wanted all of these.

"Oh, okay." He even lifted his hands as a sign of defeat. No argument, he just followed whatever that pleasure her.

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon