CHAPTER 3

1K 8 5
                                    

ANGEL ON FIRE

by rj Nuevas

 

CHAPTER THREE

Nakakahiya! Nahuli siya ng roommate niya na nagpapaligaya sa sarili! Siya na isang virgin at nagmamalaking walang alam sa sex! Wala na siyang mukhang ihaharap sa kaibigan. Nagtalukbong siya ng kumot.

            Pero natatawang hinila iyon ni Cathy. “Ikaw ha! Akala ko, hindi ka nagfi-finger, yun pala pag wala ako, yan din ang ginagawa mo!”

            Hinila rin niya ang kumot para magtalukbong ulit. “Ngayon lang,” mahina ang boses na sabi niya. Kung puwede lang siyang mag-magic at magdisapir ginawa niya.

            “Ows?” nanunudyo pang sabi ni Cathy, pero hindi na nito hinila ang kumot.

            “Oo. Sinubukan ko lang dahil…dahil nakita kita…” pagpapalusot niiya.

            “O, bakit ka nagtatalukbong?”

            “Nahihiya ako e.”

            “Sa akin ka pa nahiya e, ako nga ang ginagaya mo.” Hinila ulit ni Cathy ang kumot. This time, hindi na niya iyon ibinalik. Pero humarap siya sa dingding. Hindi pa rin niya kayang tumingin ng diretso kay Cathy.

            “Saka bakit ka mahihiya, normal lang yon.”

            “Normal lang ba yon?” tanong niya.

            “Oo naman. Kung ang mga lalaki, nagma-masturbate, bakit hindi ang mga babae?”

            “Iba ang lalaki, iba ang babae,” sagot niya.

            “Pareho lang, sira! Ang lalaki, pag nakaramdam ng libog, magmamasturbate. E, ang babae, nakakaramdam din naman ng libog.”

            Maaamin ba niyang nakaramdam siya ng libog? My God, ni hindi niya mabigkas sa isip niya ang salitang iyon. Libog. Kalibugan. Ang bastus-bastos ng dating! Ewan ba kung bakit mas bastos sa salitang Pilipino ang mga salitang iyon. Pag sa English, parang okay lang. Lust. Lustful.

            “Bakit hindi ka makaharap sa akin? Nahihiya ka? Nagi-guilty ka? Wala kang dapat ikahiya, Angel. Pareho lang ng nararamdaman ang lalaki’t babae. Pareho ng physiology. Pare-parehong may hormones na nagdidikta kung kailan tayo malilibugan. This might come as a big surprise to you, my dear, pero pareho lang na malibog ang lalaki’t babae,” natatawang sabi ni Cathy, habang naghuhubad. Wala talagang inhibitions sa katawan si Cathy. Kumuha ito ng sando sa cabinet at sinuot. Yun lang ang suot niya, sando. Walang bra, walang panty.

            “Ang kaibahan lang, ang simbahan, at ang society natin, pinalaki tayo na ang mga babae ay dapat daw mahinhin at hindi dapat nag-iisip tungkol sa sex. Pinagbawalan tayong maramdaman ang natural naman sa ating katawan. Hindi naman tayo robot na walang mararamdaman. May mata tayo na nakakapag-appreciate ng physical beauty. Ano ang gagawin natin kapag nakakita tayo ng guwapong lalaki na may kissable lips? Siyempre, iimaginin natin kung masarap ba iyong humalik! O kaya pag nakakita ako ng guy na may magandang katawan, yung may malalaking braso, natural iniisip ko na agad kung masarap ba iyong yumakap.”

            Nagsindi ng sigarilyo si Cathy. Saka tiningnan ang mga kuko niya sa paa. Si Cathy, very conscious sa paa niya. Sabi niya, ang mga lalaki raw kasi, ang isa sa unang tinitingnan sa mga babae ay ang mga paa, kung malinis ang mga ito o maganda. Dahil hindi na nakatingin sa kanya si Cathy, nakuha na niyang tumingin dito. Actually, mesmerized siya sa mga sinasabi nito. Para siyang estudyante na bawat salita ng teacher ay pinapakinggan. Pinapaniwalaan.

ANGEL ON FIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon