Kabanata 34

24.2K 917 186
                                    

Kabanata 34

Nanatili ang titig ko sa mesa nila na pinaglagyan nila ng mga iinumin. Nakakailang man ang presensya nilang lahat, hindi ko na lang ito pinanasin.

Siniko ko si Adam sa tabi ko na nakikinig lang din sa usapan ng iba. Si Eros, Charles at Carter lang talaga ang may mga maiingay na bibig. Kung saan saan umaabot ang usapan. They even memorized the cellphone numbers of their ex. Mga playboy talaga.

"Ano?"

"Asan ang cr?" bulong ko.

"Straight ka sa hallway na 'yun. Then turn right, after three doors turn left. Andun. May nakatatak namang comfort room sa itaas kaya impossibleng mawala ka," sagot niya habang tinuturo ang hallway.

"Sige. Salamat."

Tumayo ako sa yumuko muna sa kanila bago ko nilisan ang sinaryo. Dali-dali akong nagtungo sa hallway na tinuro ni at at sinunod kung saan ako liliko. Kagaya ng sabi niya, madali ko lang itong makikita dahil sa pangalan sa itaas. Agad naman akong pumasok dito at pumasok sa isang cubicle. Matapos ng siremonya ko sa cr ay agad akong lumabas.

Napaigtad ako nang nadatnan ko si Red na blanko ang ekspresyon at malamig ang tingin.

Ngumiti ako. "Uhm... Hi?"

Hindi siya sumagot. Sa halip, nagsimula siyang humakbang palapit sa pwesto ko. At dahil tanga ako, humakbang naman ako paatras. Nakakatakot ang titig niya, e.

Mariin akong napapikit nang maramdaman kong dead end na. Otomatikong hinarang niya ang kanyang mga braso sa magkabilang gilid ko. He then lowered his face to level mine.

"What. Are. You. Doing. Here?" Bawat bigkas niya ng mga salita, ramdam mo ang riin dito.

"K-kasi... Inimbitahan ako ni Adam?" patanong kong sagot. Amazing.

Hinagod ng paningin niya ang buong katawan ko. "Wearing this dress?"

"Si Adam ang nagdala nito sa bahay," saad ko at nag-iwas ng tingin.

"At sinuot mo naman?" Kita ko kung paano umigting ang panga nito. Nanggigigil na 'to.

"Kasi pinasuot ni Adam," wika ko na para bang ito ang sasagot sa lahat.

Napapikit ako nang nilapit niya ang kanyang mukha sa akin. I can smell his menthol mouthwash and the smell of the liquor.

"Kapag ba sinabi ni Adam na makipag-sex ka, gagawin mo?" nangangalaiti nitong tanong.

Umiling ako. "H-hindi.."

Napasinghap ako nang lumapat ang kanyang kamay sa beywang ko. Mas lalo pa akong napasinghap nang hinapit niya ako palapit sa kanya dahilan para mapasubsob ako sa matigas niyang dibdib.

Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko na ikinapikit ko ng mariin. "Then why wear this dress? Did you know that you're seducing all the men on that seat?"

Napahawak ako sa balikat niya nang patakan niya ng mumunting halik ang tenga ko. "S-stop..."

Tumigil ito at lumayo sa'kin. He eyed me from head to toe. Muling umigting ang panga nito at dumilim ang kanyang mukha. Now he's a beast that is ready to kill someone.

"Really? Red revealing dress? Hindi mo ba nakikita na sobrang ikli ng palda ng dress na suot mo? Konting galaw mo lang umaangat na. Hindi ka ba nilalamig? At ano 'yang nasa mukha mo? Bakit may make-up ka? Asan ang salamin mo? Are you wearing contact lenses?" galit na tanong nito.

Huminga ako ng malalim. "Huwag mo nga akong tanungin ng mga ganyan. Isa pa, hindi ka naman siguro tatay ko para pangaralan ako. Ano naman kung may make-up ako? Mas pumangit ba ako? Huwag kang mag-alala, hindi naman ikaw ang mapapahiya. Ako naman, e."

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon