Kabanata 3.

84K 2K 287
                                    

SOLD TO THE MONTAGUE

ALENA:

"What was that Fabio? Kapatid natin si Alena. Bakit mo naman siya pinag hihigpitan kay Kaloy?"

Isinumbong ko kay Kuya Matias ang ginawang pagmamalupit ni Kuya Fabio kay Kaloy. Pero hindi ko kayang aminin ang iba pang ginawa nito sa'kin. Ayoko, natatakot ako.

Naririnig ko ang galit na pagtatanong ni Kuya Matias dito. Habang nasa likod ako ng pinto at sila nama'y nasa salas ng hacienda.

Sabado ng umaga at walang klase. Hindi ko namang inaakala na tatapatin siya ng Kuya Matias. Sana ay hindi na lang ako nagsalita pa.

"What? Talk to me." Ani ng Kuya Matias. Napapikit ako. Hindi ko alam 'kung ano ang tumatakbo sa utak ngayon ng Kuya Fabio.

"She's only seventeen to flirt with someone." Nagulat ako sa isinagot ng Kuya Fabio. Ang iniisip ba niya ay nakikipaglandian ako kay Kaloy? Nagkakamali siya ng inaakala. Kaibigan ko lang si Kaloy.

"What do you mean?" Takang tanong ni Kuya Matias. Hindi naman nakasagot ito kaya't nanatiling tahimik.

"Fabio don't be like that to Alena. Hindi natin hawak ang buhay niya." Kinabahan ako ng makarinig ng pagkabasag. Hindi ko napigilang hindi mapasilip. Nabasag ang tasa mismo ni Kuya Fabio at alam kong inihagis niya ito dahil sa init ng ulo.

"What's your problem Matias? Alam mo ba yang sinasabi mo? Are you lecturing me?" Mataas ang boses at buong buo.

"Dahil wala ka na sa lugar." Sagot ng Kuya Matias.

"This is not your fucking business. Get out of my life." Galit na sabi naman ng Kuya Fabio. Napalunok ako ng makita silang masamang Makatitig sa isa't isa.

"Stop your stupidity. You're not a child anymore. She's not doing anything wrong." Pagtatanggol sa'kin ng Kuya Matias.

"What's with you? Hindi ka naman ganyan sa Amerika. Is it because of Alyana?" Biglang nag dilim ang ekresiyon ni Kuya Fabio ng mabanggit ang pangalan na Alyana. Sino ang babaeng 'yon?

"I get it. It can't be her. Wala ka namang pakialam sakanya."

Nagmura ng malutong ang Kuya Fabio at sinuntok sa mukha si Kuya Matias. Hindi na ako nakatiis at lumabas sa pinagtataguan para awatin ito.

"Don't ever mention her again!"

"Then stop that attitude Fabio." Ani ni Kuya Matias. Para silang may sariling mundo na dalawa. Mainit ang tensiyon at walang gustong mag paawat.

Napangisi si Kuya Fabio ng bigla niyang suntukin sa mukha ang Kuya Matias.

"Kuya stop!" Pigil ko at niyakap ito. Inilalayo ko siya kay Kuya Matias at baka hindi sila makapagpigil na dalawa at magpatayan.

Naramdaman ko ang paghinga nito ng malalim. Bigla namang kumabog ang puso ko dahil 'dun. Napalunok at hindi kayang mag angat ng tingin dito. Nanginginig ang katawan nito at alam kong galit na galit siya kay Kuya Matias. Hinawakan ko ang nakakuyom nitong kamay para pakalmahin at nag angat ng tingin.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon