Volume 2 CH 17 : Empathy

3.1K 89 1
                                    

Raven's Pov

'Human chain ' paguulit ko sa sinabi ng head master.

Ngyon ko lang nakaharap ng malapitan ang head ng Linford. Medyo nakakatakot ang presensya nya.

Nakita ko itong tumango tango sabay tingin ulit sakin.

'once na nahasa ka You can control minds, emotions and will. And if you want you can literally break someone's heart and head. Human chain controller' paliwanag nito sa ability ko.

I can control minds, emotions and will of a person? Totoo ba ang sinasabi nya kaya ko ba talagang gawin yun? Yun ba talaga ang ability ko?

'you're not happy Miss Martel? You now know your ability. You are one of those rare type that can be fatal to both  ability user and non user. You're possessing a very special talent.' tanong nito. Napansin ata na medy lost yun reaction ko.

Hindi kasi maprocess ng utak ko yung mga sinabi nya. Me possessing a very special talent parang napaka impossible dahil isa lang ako mababang dugo. At hindi ko alam kung ang irereact ko. Magiging masaya ba ko na ngyon na alam ko na ang ability ko o matatakot dahil parang hindi ko ito kayang gamitin.

Hindi ko alam. Hindi ko alam ang mararamdaman ko o gagawin ko.

Hindi ako nakasagot sa tanong nya. At napakagat lang ako ng ibabang labi ko. Sabay kapit sa laylayan ng damit ko.

'You're confuse?' ani nito at napatango tango ako.

'Take it slowly Miss Martel. Mahahasa mo ang abilidad mo na yan kaya ka nga nadito sa Linford Academy diba?' dagdag pa nito.

'At magaapoint ako ng magiging personal trainer mo kaya wala kang dapat ika bahala. Ang tanging gagawin mo lang ay magpalakas.' dagdag pa nito.

Personal trainer? Bakit kaelangan pa ng ganon. Ganon ba ka special yung ability ko.

'About naman sa nangyari kanina. I'm afraid to tell you na magkakaroon ka parin ng sanction. Strict ang rules dito sa Linford Academy at dahil sa aksidente maraming nasira.'

'Pasensya na po sa nangyari' paghihingi ko ng despensa.

'Don't worry cleaning duty lang ito. Ididiscuss ito ng secretary ko sayo. Mqy dalawang ugok pa kasi akong kakausapin' sabi nito. At napatango tango na lang ako.

Nagawi ang atensyon namin sa pinto ng bigla itong bumukas Iniluwa nito ang sekretarya ng Head master at si Zack at Silver. Una kong napansin ay yung biglang pagiba ng mga mata ni Zack. Ewan ko ba pero pakiramdam ko habang tinitignan ko yun para lang ako nakatingin sa mga mata ng isang manika. Walang kabuhay buhay.

Pinaupo sila ng Head master sa tabi ko. Bale nakaupo sila sa magkabilang gilid ko.

'Hay! Kayo ang naging sakit ng ulo ko ngyong araw. Dapat ay nasa meeting ako ngyon sa palasyo ngunit ito ako ngyon aayusin ang gusot na ginawa nyo.' ani ng Head master sabay hilamos ng kamay nya sa mukha nya.

'You can now go Miss Martel. Kausapin mo na lang ang secretary ko para sa punishment mo' sabi nito.

Gustohin ko man magstay pa roon para malaman ang mga nangyari kay na Zack at Silver ngunit inalalayan na ko ng secretary ng head master palabas.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon