Chapter 25

84.3K 2.6K 424
                                    

Chapter 25


HINDI mapuknit ang ngiti ni Theo. Pasipol-sipol pa ito na animo'y kakapanalo lang sa pusoy. He looked fresh and inspired. It seemed like he can face the world no matter how hard it is.

Ganado siyang nakaharap sa kalan at nagluluto ng almusal. His muscles flexed and his curves were perfectly carved in his body. He's topless and only wearing a stripped boxers.

This sight is to behold. Liberty thought. Kanina pa niya pinapanood ang binata habang nagluluto. He was humming a song as well. Sumandal siya sa gilid ng pintuan at pinagkrus ang kanyang mga braso sa dibdib. Hindi pa rin nito napapansin ang presensya niya.

"All we need, all we need is hope. And for that we have each other. And for that we have each other. We will rise...We will rise...We'll rise, oh oh...
We'll rise...."

Napangiti si Liberty. He's singing Rise Up by Andra Day. It's one of the hottest songs she heard before. She can't help but to swoon over his voice. Tumatagos sa kaibuturan ng puso niya ang kanta, na para bang para sa kanila iyon.

Hindi niya na napigilan ang sarili. Lumapit siya sa binata at niyakap ito mula sa likod. Natigilan si Theo at tila napalunok ito.

"Baby?"

She sniffed his back. He smelled so good. Mukhang kaliligo lang. She chuckled when he felt him stilled.

"Good morning," aniya. Bumiyahe ang kanyang mga kamay papunta sa dibdib ng binata at marahang pumisil doon. Theo groaned. Hinawakan nito ang kanyang kamay at humarap sa kanya. Kinintalan siya nito ng mabilisang halik sa labi.

"Good morning, baby. Please stop teasing me this early, or else..." banta nito.

Natatawang kumalas siya at naghila ng upuan sa tapat ng lamesa saka naupo. Hinintay niyang matapos ito sa pagluluto.

Theo was insatiable last night. Hindi siya nito tinigilan. Kaya naman wala na rin siyang nagawa nang dinala siya nito pauwi sa mansyon. Sana lang talaga walang nakapansin sa kanila kagabi, kung hindi, masisira na naman ang plano niya. Her new mission was at stake. Gayong inanunsyo sa madla ang nalalapit na kasal niya ay tiyak na nasa paligid lang mga taong gustong pumatay sa kanya.

Napaangat ng tingin mula sa pagpangalumbaba si Liberty nang nilapag ni Theo ang bagong lutong hotdog, bacon, omelette, at may kasamang sinangag. Agad siyang natakam. Ilang araw na rin kasing wala siyang matinong kain. She left the mansion, devastated. Masakit sa kanyang umalis at iwan si Theo ngunit sa tuwing naaalala niya ang nangyari rito at sa mga magulang niya ay para siyang kinakain ng konsensya. She wanted to serve justice for him.

"Mind telling me what you're thinking?" Theo asked out of the sudden. Tiningnan siya nito nang diretso sa mga mata habang naglalagay ng dalawang plato sa mesa. He sat and started putting food on her plate.

Liberty heaved out a sigh. Hanggang kailan ba siya magiging ganito? She felt lost and incomplete. Pakiramdam niya'y isa lamang siyang pabigat kay Theo.

"N-nothing. Let's eat," sagot niya't sinimulang kainin ang nakahain sa kanyang harapan. Ang totoo'y nag-iisip na naman siya ng paraan kung paano makaalis sa mansyon. Tiyak na hahanapin siya ng kanyang boss.

"You're not thinking of leaving me again, are you?"

Naibaba ni Liberty ang kubyertos at nakagat ang pang-ibabang labi. There he said it. Mukhang kailangan nga talaga niyang mapapayag ang lalaki na makaalis siya ng mansyon.

Wild DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon