Wakas

117K 3.6K 2.5K
                                    

"Baby, what do you like to eat?" I asked him as I held his hand tight.

Hindi na naman siya umimik. "Hindi na ako bibitiw. Hindi na ako aalis. Hinding-hindi na. I'll stay by your side whatever happens. Hindi man bumalik ang paningin mo, I will stay." Yumakap ako sa kanya at tsaka sinandal ang ulo sa kanyang dibdib.

Dric is currently experiencing a psychological disorder. Due to mental trauma, which was triggered by the confrontation with Irynne, he tries to think he cannot see again and he forces himself to contradict his ability to see. Iniisip niyang hindi siya nakakakita kaya ngayon, he's struggling to see again.

"Hindi kita makita."

"Okay lang... Hindi mo ako makita pero hindi ibigsabihin nun ayaw mo na akong makita." I caressed his face. "I love you..."

"Mahal din naman kita. Mahal na mahal kita. But I'm again useless now. Your ex's cornea isn't working with my eyes again." Tumingin siya sa malayo.

"If you think, I'm staying because of my ex's cornea, you're wrong. Before this happens, before he became your cornea donor, mahal na kita. Ngayon ko lang nasabi sayo kasi hinihintay ko 'yung tamang panahon. Kaya please, stop having the mindset na si Gael ang naaalala ko sayo, kasi ikaw lang talaga ang nakikita ng mga mata ko. If you won't be able to see again... Aalagaan kita, ako ulit ang magiging mga mata mo, kasi sa paraang 'yun minahal kita." Hinigpitan ko pa lalo ang yakap sa kanya.

"What did I do to deserve you? I'm afraid that one day you'll get tired of me. You'll get sick of me. Natatakot ako na para sa akin ang hirap na iwan ka, ang hirap huwag kang mahalin, pero baka maging madali sa'yo na gawin 'yun, na iwan ako, na piliing huwag na lamang akong mahalin. I might forever stay blind. Hindi ko na makikita ang mga ngiti mo. Hindi ko na mapapanood ang pagtawa mo. Hindi ko na matititigan ang mukha mo. Magiging kulang na naman ako para sa'yo..."

"Hindi na, pero hindi ka pwedeng mawalan ng pag-asa. Minahal kita nung mga panahong hindi ka pa nakakakita. Minahal kita noong hindi mo nakikita ang mga ngiti ko o nung hindi mo pa napapanood ang pagtawa ko at nung hindi mo tinititigan ang mukha ko. Minahal kita kasi gusto kong maging sapat ako kung sa tingin mo kulang ka. At ngayong hindi mo na ulit ako nakikita, mahal pa rin kita. Love stays if it's the right person, baby...you are that right person for me. Trust me and I'll forever be faithful to you, even if you can't see me."

Hinatid ko si Dric sa mansion. "Uuwi lang ako sa amin pero babalik ako palagi."

"Sa akin ka lang uuwi?" Ngumuso ito. Gustong magpalambing.

"Oo, sa'yo lang ako uuwi." I kissed his cheeks.

"Sa cheeks lang?" Ngumisi ito sa akin. Natatawa ako pero kahit ganoon ay kinikilig pa rin. Tumingkayad ako upang mahalikan naman siya sa noo, pinatagal ko ang pagkakadikit ng aking mga labi roon, habang unti-unting nangingiti.

"Bakit pataas?" Reklamo pa niya. "Baby...I want a kiss...on my lips." Natameme ako nang diretsahan niya itong sinabi sa akin. Umiling ako bagama't hindi niya iyon nakikita. Napatili naman ako nang bigla niyang hapitin ang baywang ko at marahang nilapat ang kanyang labi sa aking labi. Marahan iyon, sandali lamang, na siyang humaplos sa aking puso. Masarap sa pakiramdam. "I'll kiss you again on your lips on our wedding day." Mas lalong lumapad ang ngiti ko, marahang tumango sa sinabi niya.

Nang isara ko ang pinto ng kwarto ni Dric ay bumungad sa akin ang mommy at daddy niya. Kinuha ng mommy niya ang kamay ko. "I'm sorry..." Pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata. "I just can't admit the fact that I'm feeling guilty whenever I'll see you, I feel guilty for what I did before. Nasaktan ko ang daddy mo, at kapag nakikita kita, bumabalik lahat. Hindi ko masasabing kasalanan ang mahalin ang best friend niya dahil wala na kami noong naramdaman ko iyon. The only mistake I did is to give up our relationship. I didn't try to fix our broken relationship even though we still can." Niyakap siya ng daddy ni Dric at marahang inalo habang umiiyak.

The Blind Young Master [Published under PopFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon