Kabanata 6.

70.4K 1.7K 108
                                    

SOLD TO THE MONTAGUE

ALENA:

"Hija anong nangyare bakit ngayon ka lang?" Naabutan namin ang mama at papa na nasa labas ng hacienda. Nag aalala habang hinihintay ako.

Padabog namang isinara ng Kuya Fabio ang pinto ng kotse niya tsaka nagmartsa papasok sa loob.

"Fabio anong problema?" Ani ng mama.

"Fabio wag kang bastos. Kinakausap ka ng mama mo!" Galit na sabi ng papa ngunit walang pakialam ito at nagtuloy tuloy papasok sa loob.

"Hon tama na pabayaan mo muna siya."

"Lumalaking tarantado ang anak mo." Inis na sabi ng papa. Dinilatan naman siya ng mata ni mama at sumenyas na huminahon. Bumalik naman ang atensiyon nilang dalawa sa'kin.

"Ano bang nangyare? Alam mo bang nag aalala kami ng mama mo? Asan ka ba pumunta Alena?" Tanong ng papa.

"I'm sorry po. Nalowbatt kasi ako kaya hindi nakapag paalam. Nasa bahay po ako ni Julie 'yung kaklase ko po na babae para ayusin ang thesis namin."

"Thesis?" Huminga ng malalim ang mama.

"Sige na magpahinga kana Alena. Wag mo na ulit gagawin 'yon maliwanag ba? Tinatakot mo ako." May takot ang kanyang mga mata.

"I'm sorry mama. Hindi na mauulit." Nagkatinginan naman sila ng papa. Napatango tango nalang ito at tinapik ako sa balikat.

"Magpahinga kana."

Sumunod na lang ako at pumasok na sa loob. Nakita ko naman ang Kuya Matias na nanonood ng TV. Halatang kakagising lang nito at nagulat ako nang makitang nakaboxer lang ito.

"Oh san ka galing?" Tanong nito habang abala sa paglipat lipat ng palabas. Hindi naman ako makatingin sa kanya nang biglang tumayo ito. Gulo gulo pa ang buhok dahil sa pagkakatulog. Kinusot kusot ang mata tsaka ito humikab.

"Kuya magdamit ka nga." Ibinato ko sa kanya ang nahawakan kong unan. Napakunot noo naman ito at duon lang rumihistro sa utak na ganoon ang suot niya. Napailing na lang ako. Napuyat nanaman siguro to dahil sa mga babaeng dinadala niya dito.

Gabi gabi na lang laman ng bar ang Kuya Matias. Hindi ko nga alam kung nagkakasama ba sila ng Kuya Fabio dahil parehas lang sila ng ginagawa. Uuwi at magsasama ng babae.

Umiling na lang ako tsaka umakyat. Iniwan ko na ang Kuya Matias dahil alam kong hindi rin naman niya maiintindihan.

Padabog kong sinara ang pinto. I hate myself. Galit ako dahil pakiramdam ko ay mababa ang tingin ng Kuya Fabio sa'kin. Mababa dahil madumi ang tingin nito.

Kasalanan ko naman talaga. Bakit kasi hindi ko magawang sabihin sa kanya na siya ang una ko at wala pa akong nagiging nobyo. Pero may pumipigil sa'kin. Paano kung malaman niya ang totoo? Paano kung kapag nangyare 'yon ay ayawan niya ako?

Hindi ko na talaga alam. Bakit naman kasi ganito? Bakit siya pa? Hindi ko naman kasi maiwasan ang umasa na baka parehas kami ng nararamdaman. Paanong hindi ako aasa kung lahat ng mga nag tangkang manligaw sa'kin ay hinaharang niya. Hinarang at pinahirapan.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon