Fourteen

199K 4.6K 381
                                    

AVREIN

"WHERE have you been, Avrein!" galit na bulalas sa akin ni Fria pagkapasok na pagkapasok ko ng silid namin. Nakita ko naman si James na nakatingin lang sa akin na tila nag-aalala ngunit ayaw magsalita.

"Fria!" Hindi ko alam kung naiintindihan niya ang gusto kong iparating.

"He already knew about Clei, don't worry, Avrein. Simula pa lang, alam na niya," saad ni Fria na ikinabigla ko.

Napasuko na lang ako sa narinig ko mula sa kaniya. Nagbuntonghinginga na muna ako bago ako muling nagsalita.

"Nawala ako sa gubat," blangkong wika ko sa kanila.

"What do you really mean by that?" tanong ni Fria.

"Nawala ako sa gubat . . ." I paused for a while. ". . . kasama siya."

Nakita ko kung paano pinanlakihan ng mga mata si Fria but not James. "Y–you spent your night with that asshole?" hindi makapaniwalang sabi nito.

"Fria!"

"Are you out of your mind, Avrein?" She was being hysterical.

"Stop whatever you're thinking. I know what I'm doing. Wala kaming kahit anong ginawa," depensa ko, saka ako lumagpas sa kanila at nagtuloy-tuloy sa banyo.

I lied.

Habang sinasabon ko ang katawan ko, hindi ko maiwasang maidampi ang daliri ko sa mga labi ko.

****

"Why would I? I love the feeling of having you on top of me . . . and enjoying your warm body."

"Pervert!" saka ko siya itinulak at mabilis na lumayo sa kaniya.

"Why are you mad at me? It was your fault. You jumped at me without my permission."

"ISA!" banta ko at napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

Bigla akong kinabahan nang tumayo siya mula sa pagkakahiga at dahan-dahan na lumapit sa akin.

"A–anong gagawin mo?"

"Inaakit mo ako." Ngumisi pa siya na nagbigay ng matinding kaba sa akin.

"H–hindi, ah!" pasigaw at utal na sagot ko.

"Stop stammering, Avrein. Lalo mo lang akong inaakit sa iyo. Pakiramdam ko kasi ay naiintimida ka sa presensiya ko." At sa isang iglap ay nasa harap na mismo ng mukha ko ang mukha niya. Hindi ko masasabing nakakahinga pa ako dahil ako mismo hindi ko alam kung humihinga pa nga ba ako.

I felt his hand on my shoulder. He gently squeezed it that sent a strong sensation to my spine.

"V–Vience."

"Stop calling my name. Mas lalo akong naaakit sa iyo," seryosong saad nito.

"Ano n-na naman ba kasi'ng trip mo?" Hindi ko alam kung naiiyak ba o natatakot ang tono ko.

"Ikaw."

"Huh!?" bahagya ko siyang itinulak ngunit kinabig niya lamang ako gamit ang isang kamay niya at ang isa pa ay inihawak niya sa likod ng ulo ko.

"You can never get away from me. I want you, Avrein." Napamulagat ang mga mata ko sa narinig kong tinuran niya. Gusto kong kumalas sa pagkakahapit niya pero hindi ko magawa.

" Stop this!" I took all the courage para sigawan siya pero tanging ngisi lang ang iginanti niya sa akin.

"Stop what, Avrein? Wala pa naman akong ginagawa," aniya at marahan niyang ipinagdampi ang mga tungki ng ilong namin.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon