Chapter 40: Mission done

66.2K 4.3K 1.9K
                                    

"LET me go! Hindi ako sasama sa inyo!" Reklamo ni Vincent habang nakatali siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"LET me go! Hindi ako sasama sa inyo!" Reklamo ni Vincent habang nakatali siya. Lahat yata ng tao na madaanan namin ay napapalingon sa amin dahil sa ginagawa namin sa kanya at dahil na rin sa paulit-ulit niyang pagsigaw.

"Ano bang ginagawa ninyong mga bata kayo?" Tanong ni aling Sising na siyang may may-ari ng bahay na aming tinuluyan. Ngayon, babalik na rin kami sa Merton Academy dahil nagawa na rin naman ang aming pakay, nahuli na rin namin si Vincent na siyang nanggugulo rito sa La Union.

Masasabi ko talaga na kapag beach escape talaga ang hanap ng isang tao, they should consider La Union as one of their destination. The place is nice, at isa pa, hindi mo na kailangan man-airflight para makarating dito. The beach is nice, maraming adventures, dikit-dikit din ang establishments kung kaya't hindi mo na rin kailangan lumayo. It's fun actually.

"Natalo po siya sa dare na ginawa namin kung kaya't ganyan," dahilan ni Ace kay aling Sising at napatango-tango na lamang ang matanda. "Vincent, say hi to my vlog!" Itinapat niya ang kanyang camera sa mukha ni Vincent pero iniwas ni Vincent ang tingin niya rito. "Sungit."

Napailing-iling sa amin si aling Sising. "Hindi ko talaga maintindihan ang mga kabataan ngayon, mag-iingat kayo sa pag-alis ninyo." Bilin sa amin ng matanda pagkabayad namin.

Pasakay na ulit kami sa mini bus na sasakyan namin. Nakaalis na rin sina Tom kahapon, we exchanged contact numbers kahapon and they will text us na lang daw if ever na dumalaw sila sa Merton Academy. Excited din akong makabalik sa school dahil na rin gusto kong mag-research tungkol sa mga servant of elements, paniguradong may libro doon na tungkol doon.

"Oh my God! Ang laki ng initim ko," Girly hissed after she checked her skin on her mirror.

"Okay lang 'yan, Girly, pangit ka naman eh." Sabat ni Kiryu.

"Anong sinabi mo, Boyet!?" Natatawa talaga ako kapag tinatawag ni Girly na Boyet si Kiryu dahil parang may ganoon na ugali si Kiryu.

"Ako si Boyet!?" Sigaw ni Kiryu at tumayo. Tumayo na rin si Girly at naglaban sila nang tingin. "Ikaw naman si Aubrey. Pokpok ka Girly, pokpok." Doon na ako napatawa dahil ginaya talaga ni Kiryu yung paraan nang pagsasalita ni Boyet.

"Anong sinabi mo!?" At doon na nagsimula ang maingay nilang bangayan sa loob ng bus, well sanay naman ako dahil hilig naman talaga asarin ni Kiryu si Girly. Pikon din naman si Girly kung kaya't pinapatulan niya si Kiryu.

"Wala na kayong naiwan, guys?" Tanong ni Ace sa amin habang inilalagay ang mga gamit niya. "Tapos na rin pala sila Seven sa mission nila at paalis na rin sila sa Ilocos, let's meet them at a stopover sa Pampanga." Anunsyo niya, na-excite naman ako dahil kahit papaano ay na-miss ko rin sila Mild.

Napalingon ako kay Vincent na nakaupo sa likod na bahagi at nakatali pa rin siya, lahat kami ay natatakot siyang pakawalan dahil baka gumawa siya ng eksena o kaya naman ay tumakas siya. "Nagugutom ka ba?" Tanong ko kay Vincent.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon