Kabanata 7.

70.3K 1.6K 108
                                    


SOLD TO THE MONTAGUE


Ilang araw pa ang nag daan...

Lumipad patungong Manila ang pamilya Montague. Ilang araw nalang rin ang bibilangin bago ang ika labing walong kaarawan ng kanilang ampon na babae. Si Alena.

Minabuti ng mag asawa na hindi banggitin ang lihim ng pamilya. Hindi din biro ang kanilang kinahaharap lalo pa't kilalang pangalan ang Montague. Maraming kalaban ang umaaligid lamang.

ALENA:

"Ma, dito na ba ako magpapatuloy ng kolehiyo?" Ani ko sa mama.

Sinusuklay niya ang aking buhok. Suot ko na ang puting bestida na pantulog. Ilang araw bago mangyare ang kaguluhan na nauwi sa dahas.

"Hindi ka muna papasok hija. Mas mabuting matutukan ka at papalapit na ang kaarawan mo." Napakagat ako sa ibabang labi.

Naiintindihan ko naman ang pag aalala ng mama sa'kin. Nasa mansion kami ng papa dito sa Manila. Mediyo may kalumaan na ito ngunit maganda at malinis parin. Hindi naman kasi napapabayaan ng mga kasambahay na araw araw nag pupunta dito para mag linis. 'Yon daw ang kanilang trabaho at babayaran kada kalahati ng buwan.

Hindi ko maiwasan ang hindi malungkot. Kahit gustong gusto kong magtanong kung bakit ay napapaurong ang dila ko. Hindi ko man maintindihan kung ano nga ba ang totoong pinag dadaanan ng pamilya namin, siguro naman ay sapat na ang nakakatakot na pang yayareng 'yon para makinig ako sa payo ng mama na dumito na muna.

Hindi natuloy ang pag lilipat ng school ng Kuya Matias at nag enroll ulit ito sa dati niyang university. Wala naman ngayon ang papa at Kuya Fabio, nasa trabaho raw ang mga ito.

"Ma? Ano ba ang trabahong pinapasukan ni papa at kuya? Hindi ko kasi alam. Kapag tinatanong ako minsan ng mga kaibigan ko hindi ko naman masagot sagot." Napahinto si mama sa pagsusuklay ng aking buhok. Nagtaka ako kung bakit kaya nilingon ko ito.

Bumakas ang pagkunot ng noo nito. "Ma may problema ba?" tanong ko. Duon lamang siya natauhan at napatingin sa'kin tsaka ngumiti.

"Business man ang tawag sa kanila hija. Marami tayong mga business at sila ang kailangan sa kumpanya."

"Pwede ba akong dumalaw paminsan sa sinasabi niyong kumpanya natin?"

"Hindi." Kaagad na sagot nito na nagpagulat sa'kin. Maging siya ay nagulat sa binitawan niyang salita kaya kaagad niya itong binawi.

"Uhm ang ibig sabihin ng mama hindi pa sa ngayon kasi abala pa ang papa at kuya mo. Wag kang mag alala maybe soon makadalaw tayo." Pilit ang pag ngiti nito.

"Ma I'm sorry kung makulit ako." Malungkot kong sabi. Ayoko naman kasing sumakit ang ulo ng mama sa'kin. Hindi naman na ako bata at mas lalong hindi ako manhid. Alam kong may tinatago sila tungkol sa kumpanya.

Iniisip ko na baka mas mabuti kung hindi ko na ipilit ang kagustuhang malaman. Wala naman ring sigurong mawawala kung hindi ko ito malalaman.

"No hija don't be sorry." Hinaplos ng mama ang pisngi ko. Napangiti ito sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na tila ayaw akong mawala.

Sumapit na ang gabi. Nakauwi na ang papa at sumunod naman ang Kuya Matias. Hindi pa nakakauwi ang Kuya Fabio dahil abala raw ito sa trabaho. Masaya naman kaming nag salo salo sa hapagkainan. Katabi ko ang Kuya Matias at katapat namin ang mama at papa.

"Kamusta ang araw mo hija?" Tanong sa'kin ng papa. Ngumiti ako tsaka sinagot na ayos lang. Hindi naman kasi ganoon ka boring dahil may mga nagagawa parin naman ako tulad ng pag babasa. Hilig ko kasing mag basa ng iba't ibang libro.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon