Chapter 51

410 11 0
                                    

Nakatulog si Sage kaya naisipan ko na magluto na lang para sa hapunan namin. Binuksan ko ang refrigerator at napangiti naman ako nang makitang punong-puno ang laman.

Nagluluto ako nang biglang may yumakap sa likuran ko.

"Misis na misis, ah?"

Napangiti naman ako tsaka hinarap si Sage. Namumungay ang mga mata niya.

"I love you!" sabi ko.

Napangiti naman siya tsaka hinalikan ang noo ko.

"I love you too, Vera." Umupo siya tsaka hinalikan ang tyan ko. "And I love you also, my little Vera." Napangiti naman ako.

Wala pa ring kasiguraduhan na magkapatid kami ni Sage dahil wala pang matibay na patunay.

The DNA test? We're not even sure kung ako ba talaga 'yon.

At ngayon susulitin ko ang bawat oras na magkasama kami ni Sage, na buo ang pamilya namin. Kakalimutan ko muna ang takot ko sa mga mangyayari bukas. What's important for now is the present.

Mama, ikaw lang ang makakapagsabi kung may katotohanan ba ang mga sinabi ng daddy ni Sage.

"Ang sarap mo talagang magluto, love." Hinawakan niya pa ang kamay ko. Napangiti naman ako.

Sana pwedeng ganito na lang kami ni Sage habang-buhay.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami ni Sage sa likod ng bahay. May rattan chair doon na napapalibutan ng iba't-ibang klase ng mga bulaklak.

Inalalayan ako ni Sage papunta sa may rattan chair.

"Sana noong bago pa lang akong nagbubuntis ay dito mo na 'ko itinira. The place is so relaxing." Niyakap naman ako ni Sage.

"Sorry for giving you so much stressed, Vera."

Napangiti naman ako.

"May surprise surprise wedding ka pa kasing nalalaman."

"Si Kyril ang may suggestion noon. Hindi ko nga alam kung paano niya ako nauto na sundin ang suggestion niya."

Natawa naman ako.

"Sage, 'yong baby sumisipa!"

Nataranta naman si Sage tsaka bumangon.

Dahan-dahan niya pang inilagay ang kamay niya sa tyan ko.

Napangiti naman ako dahil sa kunot na kunot ang noo ni Sage. Nang sumipa ulit ang baby ay nawala ang kunot sa noo niya at napalitan ng ngiti.

"I can feel it, Vera!" parang bata pa na sabi niya. "I can feel you, my little princess."

Nangilid naman ang mga luha ko. Hindi dahil sa nalulungkot ako kung hindi dahil sobrang saya ng nararamdaman ng puso ko.

For sure, Sage is going to be a great father. Kung sana lang ay walang problema ay paniguradong wala na akong hihilingin pa sa pamilya na meron ako.

Humalik pa si Sage sa tyan ko at sa noo ko pagkatapos ay humiga ulit sa tabi ko. Pinaunan niya pa ako sa braso niya.

"Wish we could stay like this forever,"  I whispered.

"We will stay like this forever, Vera. No one can take you away from me. Lalaki ang baby natin sa isang buo at masayang pamilya."

Napangiti naman ako.

Lumalalim na ang gabi kaya pumasok na kami ni Sage sa loob.

"Sa isang linggo ay pwede na tayong lumipad papuntang Pilipinas. Nakausap ko na si Zander at may nakita na raw siyang property," sabi ni Sage nang makapasok kami sa loob.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now