Chapter 41: Zero base

68.7K 4K 900
                                    

"WHOAH! I just watched Ace vlog doon sa La Union trip ninyo, mukhang Masaya doon, Jamie!" Sabi sa akin ni Aris habang nakaupo kami sa bleachers kasama si Diana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WHOAH! I just watched Ace vlog doon sa La Union trip ninyo, mukhang Masaya doon, Jamie!" Sabi sa akin ni Aris habang nakaupo kami sa bleachers kasama si Diana. We're just watching some students na nagpi-PE para malibang ang mga mata namin. Nakakapanibago pa rin na wala rito si Casey pero nasasanay na rin naman ako, I know someday, mabibigyan ko ng hustisya ang kanyang pagkawala.

So in-upload pa rin ni Ace ang vlog na iyon kahit ilang beses siyang sinabihan ni sir Joseph na huwag iyong gawin. Pasaway talaga. At isa pa, nag-enjoy naman talaga kami kaso ay misyon ang ipinunta namin sa lugar na iyon at hindi lang para magsaya.

"Yeah we enjoyed naman," sagot ko sa kanila.

"So ano, 'te? Yummy ba si Ace?" Sabi ni Diana habang nakatingin sa akin. "Madalas ko siyang Makita sa gym ng school kaya malaki ang chance na maganda ang katawan nito."

Kung alam ninyo lang ang ugali ni Ace ay baka na-turn off na kayo. Ilang beses niya ring ipinagmayabang sa amin ang maganda niya RAW na katawan.

"Kadiri kayo! Anong yummy doon, mukha siyang pagod na iguana." Dahilan ko sa kanilang dalawa. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung natapos namin ang misyon, wala pa naman kaming nababalitaan na lawbreakers na nanggugulo at kahit papaano ay bumalik ang normal naming buhay.

Sir Joseph:
Everyone, go to CHE library.

Napakunot ang noo ko sa pagtataka dahil wala naman kaming klase sa class zero ngayong araw. Tumayo ako at pinagpagan ang pwetan ko. "Aalis ka 'te?" Tanong sa akin ni Aris.

"Oo, pinapatawag kaming lahat sa class zero." Sabi ko sa kanila. "See you later!" Paalam ko at isinukbit ang aking bag at tumakbo patungong library ng CHE.

Habang patungo ako ay nakasabay ko pa si Claire. "Jamie," she called my name kung kaya't sinabayan ko na rin siya sa paglalakad. Itong babae talaga na ito ang masasabi kong pinakamahinhin sa class zero habang si Jessica naman ang pinakatahimik.

"Claire, balita ko may na-discover ka sa kapangyarihan mo nitong nakaraan, ah!"

Isa sa mga natutunan ko sa class zero, kung patuloy kang magpa-practice sa class zero ay maaaring madagdagan ang mga skills mo. Katulad na lamang ni Kiryu na ngayon ay natutunan ng mag-imitate ng mukha na ibang tao bukod sa cloning. Si Teddy dati ay nakakapagpaglipat-lipat lang ng puwesto sa pamamagitan ng mga shadow ngunit ngayon ay kaya na rin niyang kontrolin ang anino ng isang tao. Ako? 'Di ba dati ay kaya ko lang magbasa ng iniisip ng ibang tao pero natutunan ko na ring mag-utos gamit ang utak.

Nag-e-evolve ang kapangyarihan namin if we just explore how to use it. Kailangan lang talagang magbasa para madagdagan ang knowledge namin at importante rin ang exercise so our body is ready for a higher level of magics.

"Kaya ko na ring mag-support, pinractice namin ni Kiryu 'to kahapon. Kaya ko nang magpataas ng defense ng isang tao, kaso nga lang ay 30 minutes lang ang itinatagal ng spell na iyon." Paliwanag sa akin ni Claire at napatango-tango ako.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon